El Shaddai Daegu South Korea

El Shaddai Daegu South Korea Come & join us on our Fellowship with the Lord every Sunday after the 11am Mass at the Catholic Worke

SALMO 91:
"Awit ng Pagtitiwala sa Diyos"

1 Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,

At nananatili sa kalinga niyong Makapangyarihan;

2 Makapagsasabi sa kanyang Panginoon: “Muog ka’t tahanan,

Ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”

3 Ikaw’y ililigtas niya sa panganib, sa umang na bitag,

At kahit ano mang mabigat na salot di ka magdaranas.



4 Lulukuban niya sa lilim ng kanyang malabay na pakpak,

Sa kalinga niya ay natitiyak mo na ikaw ay ligtas;

Iingatan niya’t ipagsasanggalang, pagkat siya’y tapat.

5 Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,

Maging sa gagawing biglaang paglusob pagsapit ng araw.

6 Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim,

Di ka matatakot sa kasamaan mang araw kung dumating.


7 Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao,

Sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo;

Di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano.

8 Ikaw’y nagmamasid at sa panonood iyong mamamasdan,

Yaong masasama ay makikita mong pinarurusahan.


9 Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang,

At ang pinili mong mag-iingat sa ’yo’y Kataas-taasan,

10 Di mo aabuting ikaw’y mapahamak, at walang daratal

Kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.

11 Susuguin niya ang maraming anghel, sila’ng susubaybay,

Kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan.

12 Sa kanilang palad ay itatayo ka’t, sila’ng magtataas

Nang hindi masaktan ang mga paa mo sa batong matalas.

13 Kahit ang tapakan mo ay mga leon, ahas na mabagsik,

Di ka maaano sa mga serpiyente’t leong mababangis.


14 Ang sabi ng Diyos, “Aking ililigtas ang tapat sa akin,

At iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilanlin.

15 Pag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan,

Aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan;

Aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.

16 Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay,

At nakatitiyak na ang tatamuhin nila’y kaligtasan!”

🙏🙏HUNYO 6, 2026 — SABADO🙏🙏Sabado ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)🙏🙏Paggunita kay San Norberto, Obispo🙏🙏Mga ...
05/06/2026

🙏🙏HUNYO 6, 2026 — SABADO

🙏🙏Sabado ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

🙏🙏Paggunita kay San Norberto, Obispo

🙏🙏Mga Pagbasa sa Misa

🙏🙏UNANG PAGBASA
2 Timoteo 4, 1-8

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo🙏🙏

Pinakamamahal, inuutusan kita sa ngalan ng Diyos at ni Kristo Hesus na hahatol sa mga buhay at mga patay: alang-alang sa kanyang pagparito at paghahari, ipangaral mo ang salita ng Diyos, napapanahon man o hindi; hikayatin mo, pagsabihan, at patatagin ang loob ng mga tao sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo. Sapagkat darating ang panahong hindi na nila pakikinggan ang wastong aral; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Mangangalap sila ng mga g**ong walang ituturo kundi ang mga bagay lamang na gusto nilang marinig. Ibabaling nila sa mga alamat ang kanilang pansin at hindi na nila pakikinggan ang katotohanan. Kaya, maging mapagpigil ka sa lahat ng oras. Pagtiisan mo ang mga kahirapang dumarating sa iyo. Gampanan mo ang tungkulin ng isang mangangaral ng Mabuting Balita. Tupdin mo ang iyong mga tungkulin, bilang tagapaglingkod ng Diyos.

Ako’y iaalay na; dumating na ang oras ng pagpanaw ko sa buhay na ito. Puspusan akong lumaban sa paligsahan. Natapos ko na ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya. Kakamtan ko na ang korona ng pagtatagumpay. At sa Araw na yaon, ang Panginoon na siyang makatarungang hukom, ang magpuputong sa akin ng korona, hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa muli niyang pagparito.

Ang Salita ng Diyos.🙏🙏

🙏🙏SALMONG TUGUNAN
Salmo 70, 8-9. 14-15ab. 16-17. 22

Salmo: Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan.🙏🙏

Tunay akong nagpupuri, nagpupuri buong araw,
akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan.
Ngayong ako’y matanda na h’wag mo akong babayaan,
katawan ko’y mahina na kaya ako’y h’wag iiwan.

Salmo: Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan.🙏🙏

Ako naman, samantala ay patuloy na aasa, patuloy na magpupuri, pupurihin ka tuwina. Pagkat ikaw ay dakila, patuloy kong isasaysay, maghapon kong ihahayag ang dulot mong kaligtasan.

Salmo: Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan.🙏🙏

Pagkat ikaw, Panginoon, ay malakas at dakila, ang taglay mong katangia’y ihahayag ko sa madla.
Sapul pa sa pagkabata ako’y iyong tinuruan,
hanggang ngayo’y sinasambit ang gawa mong hinangaan.

Salmo: Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan.🙏🙏

Tutugtugin ko ang alpa’t pupurihin kitang tunay,
pupurihin kita, O Diyos, dahil sa ‘yong katapatan.
Mga imno ng papuri sa alpa ko’y tutugtugin, iuukol ko ang tugtog sa ‘yo, Banal ng Israel.

Salmo: Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan.🙏🙏

🙏🙏ALELUYA
Mateo 5, 3

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D’yos na lumikha ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!🙏🙏

🙏🙏MABUTING BALITA
Marcos 12, 38-44

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos🙏🙏

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga eskriba na mahilig maglalakad nang may mahahabang kasuutan at natutuwang pagpugayan sa mga liwasan. Ang ibig nila’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang mga upuang pandangal sa mga piging. Inuubos nila ang kabuhayan nng mga babaing balo, at ang sinasangkala’y ang pagdarasal nang mahaba! Lalo pang bibigat ang parusa sa kanila!” Umupo si Hesus sa tapat ng hulugan ng mga kaloob doon sa templo, at pinagmasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi. Marmaing mayayamang naghulog ng malalaking halaga. Lumapit naman ang isang babaing balo at naghulog ng dalawang kusing na katumbas ng isang pera. Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at kanyang sinabi, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit sa kanilang lahat. Sapagkat ang iba’y nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.🙏🙏

🙏🙏PANALANGIN NG BAYAN

Mayroon tayong iisang Ama sa lahat, at iisang G**o, ang kanyang bugtong na Anak. Dumulog tayo sa ating Ama para sa lahat ng kanyang mga anak sa mundo.

🙏🙏Tugon sa Panalangin ng Bayan

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

o kaya

Ama ng mga dukha, pakinggan mo ang aming panalangin.🙏🙏

Ang mga tumatanggap ng sakramento ng orden para sa banl na paglilingkod nawa’y maging tapat at totoo sa kanilang pagtatalaga ng sarili sa Diyos at sa Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon: Ama ng mga dukha, pakinggan mo ang aming panalangin.🙏🙏

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y maibigay ang mabuti at magaling na serbisyo sa tao at hindi unahin at paglingkuran ang kanilang sariling kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon: Ama ng mga dukha, pakinggan mo ang aming panalangin.🙏🙏

Ang kababaang-loob ni Kristo nawa’y pumigil at magpasuko sa kapalaluan at pagkukunwari ng mga taong may matayog na pagtingin sa sarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon: Ama ng mga dukha, pakinggan mo ang aming panalangin.🙏🙏

Tayo nawa’y tumanggap ng banal na pagbubunyag bilang mensahe ng Diyos sa bisa ng kanyang kapangyarihan at hindi ayon sa kaisipan lamang ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon: Ama ng mga dukha, pakinggan mo ang aming panalangin.🙏🙏

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapayapaan sa Muling Nabuhay na Tagapagligtas, manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon: Ama ng mga dukha, pakinggan mo ang aming panalangin.🙏🙏

Diyos at Ama ng lahat ng sangkatauhan, itinataas namin sa iyo ang mga panalangin ng mga sumasampalataya sa iyo, gayundin ang mga hindi pa nakaririnig ng iyong banal na ngalan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.🙏🙏🙏🙏🙏

Biyernes, Hunyo 5, 2026Paggunita kay San Bonifacio, Obispo at Martir2 Timoteo 3, 10-17Salmo 118, 157. 160. 161. 165. 166...
05/06/2026

Biyernes, Hunyo 5, 2026

Paggunita kay San Bonifacio, Obispo at Martir

2 Timoteo 3, 10-17
Salmo 118, 157. 160. 161. 165. 166. 168

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Marcos 12, 35-37

Memorial of St. Boniface, Bishop and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
2 Timoteo 3, 10-17

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, sinunod mo ang aking aral, ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig, at katapatan. Nasaksihan mo ang mga pag-uusig sa akin, gayun din ang aking pagtitiis sa Antioquia, Iconio at Listra. Ngunit sa lahat ng ito’y iniligtas ako ng Panginoon. At lahat ng may nais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Kristo ay daranas ng pag-uusig. Ang masasama’y lalong magpapakasama, ang mga manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila may ay malilinlang. Ngunit huwag mong tatalikdan ang mga aral na natutuhan mo at matibay na pinananaligan, yamang kilala mo ang nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo Hesus. Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 157. 160. 161. 165. 166. 168

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Kay rami ng kaaway ko, at mga mapang-alipin,
ngunit ang ‘yong kautusan ay patuloy kong susundin.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Ang buod ng kautusa’y salig sa katotohanan,
ang lahat ng tuntunin mo’y pawang walang katapusan.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Mga taong namumuno na dahop sa katarungan,
usigin man nila ako, susundin ko’y iyong aral.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Ang magmahal sa utos mo’y mapayapa yaong buhay,
matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Hinihintay ko ikaw, O Diyos, upang ako ay iligtas,
ang anumang iutos mo ay siya kong tinutupad.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Sinusunod ko ang iyong kautusa’t mga aral,
ang anumang gawain ko ay kita mo’t namamasdan.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 35-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, samantalang nagtuturo si Hesus sa templo, sinabi niya, “Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Mesiyas ay anak ni David? Si David na rin, nang kasihan ng Espiritu Santo, ang nagpahayag ng ganito:

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
Maupo ka sa aking kanan, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’

Si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paano magiging anak ni David ang Mesiyas?” At nakinig na mabuti sa kanya ang maraming tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez

Huwebes, Hunyo 4, 2026Huwebes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)2 Timoteo 2, 8-15Salmo 24, 4bk-5ab. 8-9. 10 a...
03/06/2026

Huwebes, Hunyo 4, 2026

Huwebes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

2 Timoteo 2, 8-15
Salmo 24, 4bk-5ab. 8-9. 10 at 14

P**n, ang iyong landasi’y
iyong ituro sa akin.

Marcos 12, 28b-34

UNANG PAGBASA
2 Timoteo 2, 8-15

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, alalahanin mo si Hesukristo, ang nagmula sa angkan ni David at ang muling nabuhay. Ito ang Mabuting Balitang ipinangangaral ko, ang dahilan ng aking pagdurusa hanggang sa magapos na tulad ng isang salarin. Ngunit hindi maigagapos ang salita ng Diyos. Pinagtitiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magtamo rin sila ng kaligtasan mula kay Kristo Hesus, at ng walang hanggang kaluwalhatian. Narito ang kasabihang mapananaligan:

“Kapag tayo’y namatay na kalakip ni Hesukristo,
walang salang mabubuhay na kasama niya tayo;
kung tayo man ay magtiis ng hirap sa mundong ito,
maghahari naman tayong kapiling ng ating Kristo;
kapag siya’y itinakwil sa harapan ng mga tao
pagdating ng takdang araw, itatakwil niya tayo.
Kung tayo ma’y hindi tapat, si Kristo ay tapat pa rin
sapagkat ang sa kanya ay hindi niya itatakwil”

Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito at pagbilinan mo sila, sa ngalan ng Diyos, na huwag magtalu-talo nang walang kabuluhan. Walang ibubungang mabuti ang ganitong pagtatalo, manapa’y kapahamakan ng nakikinig. Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 24, 4bk-5ab. 8-9. 10 at 14

P**n, ang iyong landasi’y
iyong ituro sa akin.

Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,
ituro mo sana sa aba mong lingkod;
ayon sa matuwid, ako ay turuan,
ituro mo, P**n, ang katotohanan;
tagapagligtas ko na inaasahan.

P**n, ang iyong landasi’y
iyong ituro sa akin.

Mabuti ang P**n at makatarungan,
sa mga salari’y g**o at patnubay;
sa mababang-loob siya yaong gabay,
at nagtuturo ng kanyang kalooban.

P**n, ang iyong landasi’y
iyong ituro sa akin.

Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay
sa tumatalima sa utos at tipan.
Sa tumatalima, siya’y kaibigan,
at tagapagturo ng banal na tipan n’yang banal.

P**n, ang iyong landasi’y
iyong ituro sa akin.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 28b-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, isa sa mga eskriba ay lumapit kay Hesus at nagtanong, “Alin pong utos ang pinakamahalaga?” Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos, ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas,’ Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.” “Tama po, G**o!” wika ng eskriba. “Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain.” Nakita ni Hesus na matalino ang kanyang sagot, kaya’t sinabi niya, “Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas magtanong kay Hesus mula noon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez

Miyerkules, Hunyo 3, 2026Paggunita kina San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir2 Timoteo 1, 1-3. 6-12Salmo 122, 1-2a...
02/06/2026

Miyerkules, Hunyo 3, 2026

Paggunita kina San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir

2 Timoteo 1, 1-3. 6-12
Salmo 122, 1-2a. 2bkd

Ang mata ko’y nakatuon
sa ‘yo lamang, Panginoon.

Marcos 12, 18-27

Memorial of Sts. Charles Lwanga and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
2 Timoteo 1, 1-3. 6-12

Ang simula ng Ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Mula kay Pablo na niloob ng Diyos na maging apostol ni Kristo Hesus upang mangaral tungkol sa buhay na ipinangakong kakamtan natin kay Kristo Hesus.

Kay Timoteo na minamahal kong anak:

Sumaiyo nawa ang pagpapala, ang habag, at ang kapayapaan mula sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na ating Panginoon.

Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinaglingkuran ko nang tapat – tulad ng ginawa ng aking mga ninuno – tuwing aalalahanin kita sa aking mga panalangin araw-gabi. Dahil dito, ipinaaalaala ko sa iyo na maging masigasig ka sa pagtupad sa tungkuling tinanggap mo sa Diyos nang ipatong ko ang aking mga kamay sa ulo mo. Sapagkat hindi espiritu ng kaduwagan ang ibinigay sa atin ng Diyos kundi Espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili.

Kaya’t huwag mong ikahiya ang pagpapatotoo tungkol sa Panginoon o ang aking pagkabilanggo dahil sa kanya. Sa halip, makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita, sa tulong ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo Hesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon. Ngunit nahayag lamang ito nang dumating si Kristo Hesus na ating Tagapagligtas. Nilupig niya ang kamatayan at inihayag ang buhay na walang haggan sa pamamagitan ng Mabuting Balita.

Ako’y ginawang apostol at g**o upang ipahayag ang Mabuting Balitang ito, at iyan ang dahilan kaya ako nagdurusa nang ganito. Gayunma’y hindi ko ikinahihiya ang nangyayaring ito sa akin, sapagkat lubos kong nakikilala ang aking pinananaligan at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 122, 1-2a. 2bkd

Ang mata ko’y nakatuon
sa ‘yo lamang, Panginoon.

Ang aking pangmasid doon nakapukol,
sa luklukang trono mo, O Panginoon.
Tulad ko’y aliping ang inaasahan
ay ang amo niya para matulungan.

Ang mata ko’y nakatuon
sa ‘yo lamang, Panginoon.

Kaya walang humpay ang aming tiwala,
hanggang ikaw, P**n, sa ami’y maawa.

Ang mata ko’y nakatuon
sa ‘yo lamang, Panginoon.

ALELUYA
Juan 11, 25a. 26

Aleluya! Aleluya!
Pagkabuhay ako’t buhay;
ako’y inyong panaligan
nang di mamatay kailanman.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 18-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo ay naninindigan na hindi muling bubuhayin ang mga patay. “G**o,” anila “naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay na wala ring anak. Gayun din ang nangyari sa pangatlo at sa mga sumusunod pa: isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid, at sila’y namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay rin ang babae. Ngayon, sino po sa pito ang kikilalanin niyang asawa sa muling pagkabuhay, yamang napangasawa niya silang lahat?” Sumagot si Hesus, “Maling-mali kayo. Alam ninyo kung bakit? Hindi ninyo nababatid ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao’y hindi na mag-aasawa; sila’y magiging tulad ng mga anghel sa langit. Tungkol naman sa muling pagkabuhay – hindi pa ba ninyo nababasa sa aklat ni Moises ang tungkol sa nagliliyab na mababang punongkahoy? Ganito ang nasusulat na sinabi ng Diyos kay Moises. ‘Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez

Martes, Hunyo 2, 2026Martes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)o kaya Paggunita kina San Marcelino at San Pedr...
01/06/2026

Martes, Hunyo 2, 2026

Martes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kina San Marcelino at San Pedro, mga martir

2 Pedro 3, 12-15a. 17-18
Salmo 89, 2. 3-4. 10. 14 at 16

P**n, amin kang tahanan noon,
ngayon at kailanman.

Marcos 12, 13-17

Tuesday of the Ninth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of Sts. Marcellinus and Peter, Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
2 Pedro 3, 12-15a. 17-18

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, samantalang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos, magsikap kayong mabuti upang madali ang pagdating ng Araw na iyon – araw ng pagkatupok ng kalangitan at pagkatunaw sa matinding init ng mga bagay na naroon. Ngunit ayon sa pangako ng Diyos, naghihintay tayo ng mga bagong langit at ng bagong lupa na pinaghaharian ng katarungan.

Kaya nga, mga minamahal, samantalang kayo’y naghihintay, sikapin ninyong mamuhay na payapa, walang dungis at kapintasan. Alalahanin ninyong kaya nagtitimpi ang Panginoon ay upang bigyan kayo ng pagkakataong maligtas.

Ngayong ito’y alam na ninyo, mga kapatid, dapat kayong mag-ingat upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang matuwid na patakaran. Sa gayun, hindi kayo matitinag sa inyong mabuting kalagayan. Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, magpatuloy kayo sa paglago sa kabutihan at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. Sa kanya ang kapurihan, ngayon at magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 89, 2. 3-4. 10. 14 at 16

P**n, amin kang tahanan noon,
ngayon at kailanman.

Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang,
hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan,
ikaw noon ay Diyos na, pagkat ika’y walang hanggan.

P**n, amin kang tahanan noon,
ngayon at kailanman.

Yaong taong nilikha mo’y bumalik sa alabok,
sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.
Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,
sa mata mo, Panginoon, isang kisapmata lamang;
isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.

P**n, amin kang tahanan noon,
ngayon at kailanman.

Buhay nami’y umaabot ng pitumpung taong singkad,
minsan nama’y umaabot na walumpu, kung malakas.
Yaong buong buhay nami’y sakbibi ng dusa’t hirap,
pumapanaw pagkatapos, dito sa sangmaliwanag.

P**n, amin kang tahanan noon,
ngayon at kailanman.

Kung umaga’y ipadama yaong wagas mong pag-ibig,
at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit.
Ipakita sa lingkod mo ang dakila mong gawain,
at sa sunod naming lahi, ipadama ay gayun din.

P**n, amin kang tahanan noon,
ngayon at kailanman.

ALELUYA
Efeso 1, 17-18

Aleluya! Aleluya!
D’yos Ama ni Hesukristo,
kami ay liwanagan mo
at tutugon kami sa ‘yo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 13-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, ilang Pariseo at ilang kampon ni Herodes ang pinapunta kay Hesus upang siluin siya sa kanyang pananalita. Lumapit sila sa kanya at ang sabi, “G**o, nalalaman po naming kayo’y tapat at walang pinangingimian, sapagkat pareho ang pagtingin ninyo sa lahat ng tao. At itinuturo ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos sa mga tao. Naaayon po ba sa Kautusan ang pagbabayad ng buwis sa Cesar? Dapat ba kaming bumuwis o hindi?” Ngunit batid ni Hesus na sila’y nagkukunwari, kaya’t sinabi niya sa kanila, “Bakit ba ibig ninyo akong siluin? Bigyan ninyo ako ng isang denaryo. Titingnan ko.” At kanilang binigyan siya. “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?” tanong ni Hesus. “Sa Cesar po,” tugon nila. Sinabi ni Hesus, “Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.” At sila’y namangha sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez

Lunes, Hunyo 1, 2026Paggunita kay San Justino, martir2 Pedro 1, 2-7Salmo 90, 1-2. 14-15ab. 15k-16D’yos kong tapat at tot...
31/05/2026

Lunes, Hunyo 1, 2026

Paggunita kay San Justino, martir

2 Pedro 1, 2-7
Salmo 90, 1-2. 14-15ab. 15k-16

D’yos kong tapat at totoo,
ikaw lang ang pag-asa ko.

Marcos 12, 1-12

Memorial of St. Justin, Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
2 Pedro 1, 2-7

Pagbasa mula sa Ikalawang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, mapuspos nawa kayo ng pagpapala at kapayapaan ng Diyos, dahil sa inyong pagkakilala sa kanya at sa ating Panginoong Hesus.

Tinanggap natin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang mamuhay nang tapat sa Diyos. Ito’y dahil sa ating pagkakilala kay Hesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan ng kanyang karangalan at kapangyarihan. Sa pamamagitan nito, nangako siya ng mga bagay na mahalaga upang makaiwas kayo sa mapanirang simbuyo ng kahalayang umiiral sa mundong ito, at makahati sa kanyang kalikasan bilang Diyos. Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihang-asal; sa kabutihang-asal, ang kaalaman; sa kaalaman, ang pagsupil sa sarili; sa pag-supil sa sarili, ang katatagan; sa katatagan, ang kabanalan; sa kabanalan, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa pagmamalasakit, ang pag-ibig.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 90, 1-2. 14-15ab. 15k-16

D’yos kong tapat at totoo,
ikaw lang ang pag-asa ko.

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,
at nanatili sa kalinga niyong Makapangyarihan;
makapagsasabi sa kanyang Panginoon:
“Muog ka’t tahanan,
ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na
tangi kong pinagtiwalaan.”

D’yos kong tapat at totoo,
ikaw lang ang pag-asa ko.

Ang sabi ng Diyos, “Aking ililigtas ang tapat sa akin,
at iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilanlin.
Pag sila’y tumawag; laging handa ako na sila’y pakinggan,
aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan.

D’yos kong tapat at totoo,
ikaw lang ang pag-asa ko.

Aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay,
at nakatitiyak na ang tatamuhin nila’y kaligtasan!

D’yos kong tapat at totoo,
ikaw lang ang pag-asa ko.

ALELUYA
Pahayag 1, 5ab

Aleluya! Aleluya!
Si Hesukristo ay tapat,
saksi at buhay ng lahat;
tayo’y kanyang iniligtas.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga punong saserdote, mga eskriba, at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at binakuran niya ito. Humukay siya ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, iniwan niya ang ubasan sa mga kasama, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta niya ang isa niyang utusan upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang utusan, binugbog, at pinauwing walang dala. Ang may-ari’y nagpapunta uli ng ibang utusan, ngunit kanilang pinukpok ito sa ulo, at dinusta. Nag-utos na naman siya sa isa pa, ngunit pinatay nila ang utusang iyon. Gayun din ang ginawa nila sa marami pang iba: may binugbog at may pinatay. Iisa na lang ang natitira na maaaring papuntahin sa kanila – ang kanyang minamahal na anak. Ito ang kahuli-hulihang pinapunta niya. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit ang mga kasama’y nag-usap-usap, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’’ Kanilang sinunggaban siya, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.
“Ano ngayon ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Paroroon siya at papatayin ang mga kasamang iyon, at ang ubasa’y ibibigay sa iba. Hindi pa ba ninyo nababasa ang nasasaad sa Kasulatan?
‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
Ang siyang naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
At ito’y kahanga-hanga!’”

Tinangka ng mga pinuno ng mga Judio na dakpin si Hesus, sapagkat nahalata nilang sila ang pinatatamaan sa talinghagang iyon. Ngunit takot naman sila sa mga tao; kaya’t hindi nila siya inano at sila’y umalis.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez

31/05/2026

Solemnity of the Most Holy Trinity
Sunday Family Appointment with El Shaddai
May 31, 2026
Holy Rosary: Bro. Sendo Herrera
Psalm 91
Joyful: Bro. Jufeter Coma Rucat
Worship: Sis. Santhy Inday
Preacher: Bro. Fernan Santos VS Fhernan

Please like, share and be blessed 🙌

Linggo, Mayo 31, 2026Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (A)Exodo 34, 4b-6. 8-9Daniel 3, 52. 53. 54. 5...
30/05/2026

Linggo, Mayo 31, 2026

Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (A)

Exodo 34, 4b-6. 8-9
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

2 Corinto 13, 11-13
Juan 3, 16-18

The Solemnity of the Most Holy Trinity (White)
Basic Ecclesial Community Sunday

UNANG PAGBASA
Exodo 34, 4b-6. 8-9

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, tumapyas si Moises ng dalawang bato at dinala kinaumagahan sa Bundok ng Sinai.

Ang Panginoon ay bumaba sa ulap, lumagay sa tabi ni Moises at binanggit ang kanyang pangalan: Panginoon.

Ang Panginoon ay nagdaan sa harapan ni Moises. Sinabi niya, “Akong Panginoon ay mapagmahal at maawain. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako’y nananatiling tapat.”

Nanikluhod si Moises at sumamba sa Panginoon. Sinabi niya, “Kung talagang kinalulugdan ninyo ako, isinasamo kong samahan ninyo kami kahit na matigas ang ulo ng lahing ito. Patawarin na ninyo kami at tanggapin bilang inyong bayan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Pinupuri ka namin, Panginoon;
Diyos ng aming mga ninuno;
karapat-dapat kang ipagdangal at dakilain magpakailanman.
Purihin ang iyong banal at maluwalhating pangalan,
nararapat purihin at ipagdangal magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa iyong banal at marangal na tahanan;
lubhang karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka, na nakaluklok sa maringal mong trono.
Karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng mga kerubin,
nakikita mo ang kalaliman, ang daigdig ng mga patay.
Karapat-dapat kang purihin at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa buong sangkalangitan;
karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

IKALAWANG PAGBASA
2 Corinto 13, 11-13

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, sikapin ninyong maging ganap at sundin ninyo ang mga payo ko; magkaisa kayo, at mamuhay nang payapa. Sa gayun, sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan.

Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Kristo. Kinukumusta kayo ng lahat ng mga kapatid sa simbahan.

Nawa’y sumainyong lahat ang pagpapala ng Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Pahayag 1, 8

Aleluya! Aleluya!
Dakila ang Amang mahal
Anak, Espiritung Banal
noon, ngayon, kailan pa man.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 16-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez

Address

Daegu

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when El Shaddai Daegu South Korea posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to El Shaddai Daegu South Korea:

Share