30/10/2026
✝️ ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
📅 Biyernes, Oktubre 30, 2026
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon
📖 Lucas 14:1–6
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

¹ Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos. ² Lumapit kay Jesus ang isang taong namamanas. ³ Kaya't tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan, “Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?” ⁴ Ngunit hindi sila umimik, kaya hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling saka pinayaon. ⁵ Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Kung kayo'y may anak o bakang mahulog sa balon, hindi ba ninyo iaahon kahit Araw ng Pamamahinga?” ⁶ At hindi sila nakasagot sa tanong na ito.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
🙏 Pinupuri Ka namin, Panginoong Jesucristo!