23/05/2026
Hindi lingid sa kaalaman ng Diyos ang ating pangangailangan. Alam Niya ang nilalaman ng ating puso, at hinahanap Niya ang ating pagpupuri.
Manampalataya tayo sa Panginoon at panghawakan na Siya'y tapat kailanman; ang pangako Niya'y hindi Niya kinalilimutan. Siya ang Diyos na tumutugon sa ating mga pangangailangan.