06/04/2025
: Naganap ang 𝗞𝗔𝗣𝗘𝗛𝗔𝗡, 𝗞𝗔𝗠𝗨𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗞𝗪𝗘𝗡𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗-𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 noong Enero 26, 2025 sa Parokya ni San Agustin, Mabuhay City Subd., Paliparan III, City of Dasmariñas. Ang gawaing ito ay pinangunahan ni Reb. Pd. Geoffery G. Zacarias, Priest Animator ng MPLB at dinaluhan ng labing-limang (15) miyembro ng nasabing ministri. Nagkaroon ng iba't ibang aktibidad tulad ng Hand Language at Pass the Paper na siyang naging daan upang kamustahin at mas makilala ng bawat isa ang kapwa niya miyembro ng MPLB. Dumalo rin si Reb. Pd. Ariel Delos Reyes, Priest Collaborator ng MPLB sa nasabing pagtitipon. Nagkaroon din ng kaunting salu-salo na siyang naging bonding ng isa't-isa.