23/10/2025
Maraming salamat po sa buong Diocesan Prison Ministry of Imus ๐๐๐๐โค๏ธโ๐ฅ๐ฑ
๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข, ๐๐ข๐ฌ. ๐๐ฏ๐ ๐๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐ฎ๐๐ณ!
Isang malaking papuri at pasasalamat sa Panginoon at sa Mahal na Ina dahil ang ating kapatid na si ๐๐๐ฒ ๐๐๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ด๐๐ฒ๐, ๐๐ผ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐๐ผ๐ป ๐ ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ ay tumanggap ng parangal na Gawad Paglilingkod mula sa Catholic Bishopsโ Conference of the Philippines noong Oktubre 20, 2025!
Ang Gawad Paglilingkod ay ibinibigay sa mga lingkod-simbahan na nagbahagi ng kanilang sarili para sa ating mga kapatid na bilanggo. Matapos ang mga masusing pag-uusap, ibinibigay ang karangalang ito sa mga lingkod na nagpakita ng kanilang husay, dedikasyon, at malasakit sa ating mga kapatid sa loob ng piitan.
Sa dami ng mga nominado sa buong Cavite, dalawa lamang ang napili, at tayo ay mapalad sapagkat mula sa ating Sambayanan ang isa sa mga pinangaralan.
Ang parangal ay iginawad sa Archdiocese of Manila, sa pangunguna ng Kanyang Lubhang Kagalanggalang, Most Rev. Leopoldo C. Jaucian, SVD, D.D., Obispo ng Diocese of Bangued, Abra.
Isang tunay na inspirasyon ang iyong buhay at paglilingkod, Ate Eva. Ang iyong dedikasyon ay biyaya hindi lamang sa ating parokya kundi sa buong Simbahan.
Mabuhay ka, Sister Eva! Ipagpatuloy mo ang iyong tapat, mapagkalinga, at pusong handang maglingkod sa Panginoon at sa Kanyang bayan.
Samahan natin siyang ipagdiwang ang biyayang ito!
Ang buong Sambayanan ng Anunsasyon ay nagbubunyi sa pagkilala na iyong natamo!