Los Amigos Y Amigas del Niño Jesus

Los Amigos Y Amigas del Niño Jesus The Official page of Los Amigos Y Amigas del Niño Jesus, DSOLP-Imus Cathedral

22/01/2026
𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐏𝐈𝐓 𝐒𝐄𝐍𝐘𝐎𝐑, 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈Ñ𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑! Sa karangalan at pagdiriwang ng Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sang...
19/01/2026

𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐏𝐈𝐓 𝐒𝐄𝐍𝐘𝐎𝐑, 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈Ñ𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑!

Sa karangalan at pagdiriwang ng Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol o mas tanyag na tinatawag na Kapistahan ng Santo Niño, noong Sabado, ika-17 ng Enero, idinaos ang ika-22 Santo Niño Procession sa pamumuno ng Los Amigos Y Amigas del Niño Jesus pagkatapos ng Banal na Misa ng ika-5:30 ng hapon.

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Sto. Niño ng masaganang biyaya, matibay na pananampalataya, at pagkakaisa bilang isang sambayanang Kristiyano.

Viva, Pit Senyor!
Viva, Señor Santo Niño!



Enero 18 | 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢𝐧̃𝐨𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈𝐍̃𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑Ngayong Ikatatlong Linggo ng Enero, kai...
18/01/2026

Enero 18 | 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢𝐧̃𝐨

𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈𝐍̃𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑

Ngayong Ikatatlong Linggo ng Enero, kaisa ang buong bansa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Mahal na Poong Santo Niño. Sa araw na ito ng pananampalataya at pag-asa, idinadalangin natin ang kaligtasan ng mundo mula sa anumang sakuna at kapahamakan.

Nawa’y manatiling buhay sa ating mga puso ang wagas na pag-ibig at debosyon kay Hesus, ang Banal na Bata, upang hindi natin kailanman malimot ang Diyos at patuloy na tularan ang Kanyang kapakumbabaan, kapayakan, at kabutihan.

𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢𝐧̃𝐨
O, Banal na Sanggol, Diyos na Makapangyarihan at bukal ng mga biyaya, kami ay naninikluhod sa Iyong harapan. Buong puso kaming sumasamba at nagsisisi sa aming mga kasalanan. Iniaalay namin sa Iyo ang aming sarili. Itulot Mo na kami ay matulad sa Iyong Kabanalan. Gawin Mo kaming maamo, mababa ang loob, matiisin, malinis, maunawain sa kapwa at masunurin sa kalooban Mo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan Mo, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen!

O, Banal na Sanggol, Kaawaan mo kami!

𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈𝐍̃𝐎
𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐏𝐈𝐓 𝐒𝐄𝐍𝐘𝐎𝐑!


18/01/2026

𝟐𝟐𝐧𝐝 𝐈𝐦𝐮𝐬 𝐂𝐚𝐭𝐡𝐞𝐝𝐫𝐚𝐥 𝐒𝐭𝐨. 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧
𝐋𝐀 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐄𝐉𝐀𝐃𝐀, 𝐒𝐓𝐎. 𝐍𝐈Ñ𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑 ❤️🤍

Ang debosyon sa Santo Niño del Pilar ay hango sa ating Patrona ng Diyosesis, ang Mahal na Birhen del Pilar, isang paalala na sa ilalim ng kanyang mapag-arugang paggabay, tayo ay inaakay kay Kristo sa anyong bata. Sa masiglang pagdiriwang ng Festejada, ipinamalas ng mga deboto ang masidhing pananampalataya, kagalakan, at pasasalamat sa mga biyayang patuloy na ipinagkakaloob sa ating komunidad.

Viva Pit Senyor!
Viva Sto. Niño Del Pilar!



𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | 𝟐𝟐𝐧𝐝 𝐈𝐦𝐮𝐬 𝐂𝐚𝐭𝐡𝐞𝐝𝐫𝐚𝐥 𝐒𝐭𝐨. 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧Ang ika-22 Sto. Niño Procession ng Imus Cathedral ay patunay ng buha...
17/01/2026

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | 𝟐𝟐𝐧𝐝 𝐈𝐦𝐮𝐬 𝐂𝐚𝐭𝐡𝐞𝐝𝐫𝐚𝐥 𝐒𝐭𝐨. 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧

Ang ika-22 Sto. Niño Procession ng Imus Cathedral ay patunay ng buhay na tradisyon ng pananampalataya ng mga Imuseño, isang selebrasyon ng pagmamahal ng Diyos na naipapahayag sa anyong bata, payak ngunit makapangyarihan. Sa pagkakaisa ng komunidad, muling ipinakita na ang debosyon sa Sto. Niño ay hindi lamang isang taunang pagdiriwang, kundi isang patuloy na pamumuhay ng pananampalataya.

Sa bawat hakbang ng prusisyon, dala ng mga deboto ang taos-pusong pananampalataya, pasasalamat, at panalangin sa Mahal na Sto. Niño. Mula sa mga batang bihis bilang Señor Santo Niño hanggang sa mga pamilyang sama-samang naglalakad, ang kalsada ng Imus ay napuno ng kagalakan, pag-asa, at debosyon.



𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐏𝐢𝐭 𝐒𝐞𝐧̃𝐨𝐫! Buong galak at taos-pusong pasasalamat naming ipinagdiriwang ang Sto. Niño Fiesta 2026, kasabay ng maka...
17/01/2026

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐏𝐢𝐭 𝐒𝐞𝐧̃𝐨𝐫!

Buong galak at taos-pusong pasasalamat naming ipinagdiriwang ang Sto. Niño Fiesta 2026, kasabay ng makabuluhang pagdiriwang ng Maligayang Ika-22 Taong Pagkakatatag ng 𝐋𝐨𝐬 𝐀𝐦𝐢𝐠𝐨𝐬 𝐘 𝐀𝐦𝐢𝐠𝐚𝐬 𝐝𝐞𝐥 𝐍𝐢𝐧̃𝐨 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬. Dalawampu’t-dalawang taon ng tapat na paglilingkod, pananampalataya, at debosyon sa Mahal na Batang Hesus.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Banal na Misa at masayang pagdiriwang mamaya sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen Del Pilar - Katedral ng Imus, upang sama-samang ipahayag ang ating pasasalamat at pananalig.

5:30 ng Hapon - Banal na Misa
6:45 ng Gabi - Prusisyon

Nawa’y patuloy na pagpalain ng Sto. Niño ang bawat kasapi ng Los Amigos y Amigas del Niño Jesus, ang ating parokya, at ang buong pamayanan ng masaganang biyaya, pagkakaisa, at wagas na pag-ibig. Sama-sama nating ipagdiwang ang pananampalatayang patuloy na nagbubuklod sa atin sa loob ng maraming taon.



𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐏𝐈𝐓 𝐒𝐄𝐍𝐘𝐎𝐑, 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈Ñ𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑! Buong galak at pananampalataya naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdir...
12/01/2026

𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐏𝐈𝐓 𝐒𝐄𝐍𝐘𝐎𝐑, 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈Ñ𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑!

Buong galak at pananampalataya naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Sto. Niño Fiesta 2026, bilang pagpupugay at pasasalamat sa Mahal na Batang Hesus, ang sagisag ng pag-asa, pag-ibig, at walang hanggang awa ng Diyos.

Sa Enero 17, 2026, magsama-sama tayo sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen del Pilar - Katedral ng Imus, upang ipahayag ang ating debosyon sa pamamagitan ng panalangin at sama-samang paglalakbay ng pananampalataya.

5:30 PM – Banal na Misa
6:45 PM – Prusisyon

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Sto. Niño ng masaganang biyaya, matibay na pananampalataya, at pagkakaisa bilang isang sambayanang Kristiyano. Halina’t ipagdiwang ang pista ng Batang Hesus nang may pusong mapagkumbaba at puspos ng pasasalamat.



Ang Santo Niño del Pilar at si Cardinal Chito!
19/01/2025

Ang Santo Niño del Pilar at si Cardinal Chito!

Enero 19 | 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢𝐧̃𝐨𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈𝐍̃𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑Ang buong bansa ay nagdiriwang ngayong ...
19/01/2025

Enero 19 | 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢𝐧̃𝐨

𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈𝐍̃𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐈𝐋𝐀𝐑

Ang buong bansa ay nagdiriwang ngayong Ikatlong Linggo ng Enero ng Dakilang Kapistahan ng Mahal na Poong Santo Niño. Dalangin natin ngayong natatanging araw na ito ang kaligtasan ng mundo mula sa mga sakuna at anumang kapahamakan.

Gayundin, hilingin natin kay Hesus na loobin sanang huwag mabawasan ang pag-ibig na inuukol sa iyo upang hindi makalimot sa Diyos kailanman, at sa gayo'y maging marapat tayo sa kaluwalhatian ng langit kay Hesus, ang Banal na Sanggol, na tayo ay matulad sa kanyang kapakumbabaan, kapayakan, at kabutihan. Ipagpasalamat natin ang mga pagpapala at paggabay na patuloy Niyang ipinagkakaloob sa atin.

𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢𝐧̃𝐨
O, Banal na Sanggol, Diyos na Makapangyarihan at bukal ng mga biyaya, kami ay naninikluhod sa Iyong harapan. Buong puso kaming sumasamba at nagsisisi sa aming mga kasalanan. Iniaalay namin sa Iyo ang aming sarili. Itulot Mo na kami ay matulad sa Iyong Kabanalan. Gawin Mo kaming maamo, mababa ang loob, matiisin, malinis, maunawain sa kapwa at masunurin sa kalooban Mo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan Mo, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen!

O, Banal na Sanggol, Kaawaan mo kami!

𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈𝐍̃𝐎
𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐏𝐈𝐓 𝐒𝐄𝐍𝐘𝐎𝐑!



Address

Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Los Amigos Y Amigas del Niño Jesus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share