Menzyland UMC

Directions

Menzyland UMC Isang samahan ng mga mananampalatayang Metodista na naninirahan at naninilbihan sa komunidad ng Menzyland Subd, Mojon, City of Malolos, Bulacan.

OKTUBRE 30,   2026SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASABy Rev. Valentino Cruz ANG SALITAMATEO 23:11-12An...
29/10/2026

OKTUBRE 30, 2026

SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

By Rev. Valentino Cruz

ANG SALITA

MATEO 23:11-12

Ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo. Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.

PAGBUBULAY BULAY

I - Nilikha ng Diyos ang tao na may pagkakapantay pantay. Sa harap ng Diyos, magkaroon ang tao ng mabuting kaugnayan sa isa't isa.

L - Ang Panginoong Jesucristo ang huwaran ng kapakumbabaan. Ipinakita Niya sa sangkatauhan ang halimbawa upang maging maayos ang relasyon ng tao sa kanyang kapwa at ng tao sa Diyos. Tularan natin Siya.

A - Nais ng Diyos na makapamuhay tayo ng may kapayapaan at kagandahan. Magtutumibay ako sa mga turo at halimbawa ng Panginoong Jesucristo na siyang magdadala sa atin sa magandang kaugnayan sa isa't isa at sa gayon ay mabigyan natin ng kalwalhatian ang Diyos.

W - PANANALANGIN

Salamat po dakilang Diyos sa huwarang buhay na ipinahayag ng Panginoong Jesucristo.

Tulungan Nyo po kami na laging lumakad sa patnubay ng Inyong Salita.

Ito po ang aking panalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesucristo. Amen.

OKTUBRE 29,  2026SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASABy Rev. Valentino Cruz ANG SALITA2 TIMOTEO 3:16-17...
28/10/2026

OKTUBRE 29, 2026

SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

By Rev. Valentino Cruz

ANG SALITA

2 TIMOTEO 3:16-17

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama ng maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.

PAGBUBULAY BULAY

I - Pinagkalooban ng Diyos ng buhay ang tao. Gayun din naman ay nagbigay din naman Siya ng gabay, ang Kanyang Salita upang maayos na makapamuhay ang tao sang ayon sa Kanyang katwiran, kalinisan at kabanalan.

L - Magpasakop tayo tuwina sa pangunguna ng Diyos. Sapat ang Kanyang pangangalaga at gabay sa atin upang maayos tayong makapamuhay na may magandang kaugnayan sa Kanya at sa ating kapwa.

A - Sapat ang mga aral at tagubilin ng Diyos sa atin. Sumunod tuwina sa Kanyang Salita na siyang ating ilaw sa paglalakbay sa madilim, magulo at mapanganib na sanlibutan.

W - PANANALANGIN

Salamat po dakilang Diyos sa Inyong Salita na nagsisilbing patnubay namin sa pamumuhay.

Tulungan Nyo po kami na laging lumakad sa ilalim ng Inyong mga aral at pangunguna.

Ito po ang aking panalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesucristo. Amen.

OKTUBRE 28,  2026SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASABy Rev. Valentino  Cruz ANG SALITAI  TESALONICA 5:...
27/10/2026

OKTUBRE 28, 2026

SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

By Rev. Valentino Cruz

ANG SALITA

I TESALONICA 5:8

Nguni't dahil tayo'y sa panig ng araw, dapat maging malinaw ang ating pag-iisip. Isuot natin ang baluti ng pananampalataya at pag-ibig, at isuot ang helmet ng pag-asa sa pagliligtas na gagawin sa atin ng Diyos.

PAGBUBULAY BULAY

I - Ang pagliligtas ng Diyos sa atin ay napakalapit. Maging handa at matatag tayo sa lahat ng sandali. Darating Siyang muli upang kamtin ng Kanyang mga anak ang pangakong buhay at ang kasaganaan nito.

L - Ang tao ay libang na libang sa pansamantalang kasiyahang dulot ng sanlibutan, ng kasalanan. Marami ang natutulog at nalalayo sa tamang landas ng buhay at nahuhulog sa tukso at pandaraya ng mundo.

A - Magpapakatibay ako sa pamumuhay sa liwanag ng Diyos. Aking laging isusuot ang baluti ng pananampalataya upang maging laging handa ako sa muling pagbabalik ng Panginoong Jesus.

W - PANANALANGIN

Salamat po dakilang Diyos na siyang nagpapalakas sa amin.

Tulungan Nyo po kami na maging laging gising at handa sa muli Ninyong pagbabalik.

Ito po ang aking panalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesucristo. Amen.

OKTUBRE 27,  2026SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASABy Rev. Valentino Cruz ANG SALITAJUAN 8:12Muling n...
26/10/2026

OKTUBRE 27, 2026

SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

By Rev. Valentino Cruz

ANG SALITA

JUAN 8:12

Muling nagsalita si Jesus sa mga Pariseo. Sinabi Niya, "Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa Akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.

PAGBUBULAY BULAY

I - Ang Diyos ang ating liwanag na tumatanglaw sa tao laban sa kadiliman ng sanlibutan. Sa Kanyang presensya sa ating buhay, makasusumpong ang tao ng kaayusan at kaligtasan.

L - Maraming tao ang tumatanggi sa liwanag ng Diyos. Mas pinipili nila ang anyaya ng sanlibutan na nabubuhay sa kadiliman, sa kasalanan, sa pagsuway sa katwiran at kabanalan ng Diyos. Kaya nga marami ang nasa gitna ng kalungkutan, ng pagkapahamak.

A - Mayroong kagalakang mamumuhay ako sa liwanag ng Diyos. Tatanggihan ko ang pandaraya ng sanlibutan na magbubunga lamang ng kabiguan at kawalang katiyakan.

W - PANANALANGIN

Salamat po dakilang Diyos na siyang aming liwanag.

Tulungan Nyo po ang Inyong mga anak na lumakad tuwina sa Inyong patnubay at huwag lumiko sa kadiliman ng sanlibutan, ng kasalanan.

Ito po ang aking panalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesucristo. Amen.

OKTUBRE 26,  2026SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASABy Rev. Valentino Cruz ANG SALITAJOSUE 3:7Sinabi n...
25/10/2026

OKTUBRE 26, 2026

SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

By Rev. Valentino Cruz

ANG SALITA

JOSUE 3:7

Sinabi ni Yahweh Josue, "Sa araw na ito'y gagawin kitang dakila sa paningin ng buong Israel. Sa gagawin Ko'y mababatid nilang pinapatnubayan kita, tulad ng ginawa Ko kay Moises.

PAGBUBULAY BULAY

I - Ang Diyos ay pumipili at nagpapalakas sa mga taong tinatawag Niya sa mahahalagang gawain. Kung paanong pinatnubayan Niya si Moises, gayun din naman ay gagabayan Niya si Josue.

L - Sa lahat ng ministeryo ng paglilingkod, lagi na'y naluluwalhati ang Diyos. Siya ang laging sentro at gumagamit Siya ng iba't ibang tao upang maitaas ang Kanyang pangalan.

A - Ipinagpapasalamat ko sa Diyos ang pagtawag Niya sa atin sa ibat ibang larangan ng paglilingkod. Sisikapin kong ibigay ko sa Kanya ang pinakamabuti. Siya nawa ang laging maluwalhati sa lahat ng sandali.

W - PANANALANGIN

Salamat po dakilang Diyos ng karangalan.

Tulungan Nyo po ang Inyong mga anak na maging tapat sa Inyo at laging Kayo po ang mabigyan ng pagkilala sa lahat ng aming ginagawa.

Ito po ang aking panalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesucristo. Amen.

25/10/2026
OKTUBRE 25,  2026SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASABy Rev. Valentino Cruz ANG SALITAJEREMIAS 18:5-6Pa...
24/10/2026

OKTUBRE 25, 2026

SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

By Rev. Valentino Cruz

ANG SALITA

JEREMIAS 18:5-6

Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh, O Israel, wala ba akong karapatanggawin sa iyo ang ginawa ng magpapalayok sa putik na iyon? Kayo'y nasa mga kamay Ko, tulad ng putik sa kamay ng magpapalayok.

PAGBUBULAY BULAY

I - Mayroon tayong makapangyarihan at mahabaging Diyos na may hawak ng nakaraan, pangkasalukuyan at hinaharap ng tao.

L - Magpasakop tuwina sa Diyos na siyang nagbibigay sa atin ng buhay at gayun din naman ng pag-asa. Siya ang humuhugis sa ating pagkatao at maging sa mga bagay na makabubuti sa atin.

A - Magpapatibay ako sa pananampalataya sa Diyos. Sa gitna ng mundong puno ng mga hamon at panganib, salamat sa laging presensya ng Diyos na laging sumasaatin. Dumating man tayo sa mga sandali ng kahinaan, mayroon tayong mahabaging Diyos na laging papatnubay at mag aayos ng ating buhay, ng ating landasin.

W - PANANALANGIN

Salamat po dakilang Diyos na siyang aming Manlililok.

Salamat po sa pagmomolde Ninyo sa aming pagkatao at maging sa mga mangyayari sa amin.

Tulungan Nyo po kami na ganap na magpaubaya sa Inyong magandang disenyo.

Ito po ang aking panalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesucristo. Amen.

OKTUBRE 24,  2026SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASABy Rev. Valentino Cruz ANG SALITAISAIAS 43:1-2Isra...
24/10/2026

OKTUBRE 24, 2026

SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

By Rev. Valentino Cruz

ANG SALITA

ISAIAS 43:1-2

Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo, "Huwag kang matatakot sapagka't ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay Akin. Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan Kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.

PAGBUBULAY BULAY

I - Mahal ng Diyos ang Kanyang mga anak. Ang mga nagpapasakop sa Kanya ay makasusumpong ng pangangalaga sa gitna ng mga hamon ng buhay.

L - Nararanasan ng mga tunay na mananampalataya ang laging presensya at pag iingat ng Diyos. Sa anumang panganib at banta, ang Diyos ang ating kalakasan at matibay na kanlungan.

A - Panghahawakan ko tuwina ang mga pangako ng Diyos. Magpapailalim ako tuwina sa Kanyang patnubay sa aking bawat hakbang. Nararanasan ko tuwina ang Kanyang pangunguna at pagbibigay ng katagumpayan sa bawat sandali.

W - PANANALANGIN

Salamat po dakilang Diyos na aming matibay na moog.

Tulungan Nyo po ang Inyong mga anak na manampalataya sa Inyo tuwina at umasa sa Inyong pangangalaga sa amin.

Ito po ang aking panalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesucristo. Amen.

OKTUBRE 23,  2026SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASABy Rev. Valentino Cruz ANG SALITALUKAS 18:17Tandaa...
22/10/2026

OKTUBRE 23, 2026

SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

By Rev. Valentino Cruz

ANG SALITA

LUKAS 18:17

Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos gaya ng isang bata ay hinding hindi paghaharian ng Diyos.

PAGBUBULAY BULAY

I - Ang paghahari ng Diyos ay malayang nakapapasok sa mga taong may malinis na puso, mapagtiwala at masunuring tulad ng isang bata.

L - Ang tao ay may kahinaang magmataas at maniwala lamang sa mga bagay na kanyang nakikita at nadadama. Bilang mga mananampalataya, tinuturuan tayo ng lubos na pagpapasakop at pananampalataya sa Diyos bagamat hindi natin Siya nakikita.

A - Maraming katangian ang mga bata na puedeng tularan ng mga nakatatanda. Sila man din ay mga anak ng Diyos na nagiging daluyan din naman ng biyaya at pagkilos ng Diyos.

W - PANANALANGIN

Salamat po dakilang Diyos na siyang Diyos din ng mga bata.

Tulungan Nyo po kami na pangalagaan ang mga bata sa aming paligid at dalhin din naman sa Inyong kaharian.

Ito po ang aking panalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesucristo. Amen.

OKTUBRE 22,  2026SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASABy Rev. Valentino Cruz ANG SALITAISAIAS 46:9Alalah...
21/10/2026

OKTUBRE 22, 2026

SA DIYOS, MAYROON TAYONG BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

By Rev. Valentino Cruz

ANG SALITA

ISAIAS 46:9

Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning Ako lamang ang Diyos at maliban sa Akin ay wala ng iba.

PAGBUBULAY BULAY

I - Ang Diyos ang ating alpha at omega. Siya ang Diyos ng pasimula, ng kasalukuyan at pangwalang hanggan. Walang maaring pumalit sa Kanyang kinalalagyan.

L - Ang tao, sa impluensia ng kasalanan at katigasan ng ulo ay pilit na gumagawa ng iba't ibang dios diosan sa kanyang buhay. Ang mga ito ay nagbubunga ng kalungkutan, ng kapahamakan.

A - Magtutumibay ako sa pagsamba, pagpupuri at pagpapasalamat sa tunay na Diyos ng aking mga magulang at mananatiling Diyos sa lahat ng panahon. Tatanggihan ko ang pandaraya ng sanlibutan na pilit na lumilikha ng mga huwad na dios diosan na nasisira, nababasag, walang kakayahang tumugon sa pangangailangan at kaligtasan ng tao.

W - PANANALANGIN

Salamat po dakilang Diyos na siyang Diyos na pangwalang hanggan.

Tulungan Nyo po ang Inyong mga anak na manatiling tapat sa Inyo at huwag maakit ng mga pandarayang dios diosan ng sanlibutan.

Ito po ang aking panalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesucristo. Amen.

Address

Dove Street, Phase 2A, Menzyland, Mojon
Malolos
3000

Opening Hours

Wednesday 6pm - 8pm
Sunday 8am - 2:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Menzyland UMC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

Nearby places of worship