Bisita ni San. Isidro Labrador - Matimbo

Bisita ni San. Isidro Labrador - Matimbo Bisitang Malaki - San Isidro Labrador • Official FB Account

Magalang po naming inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Señor S...
17/01/2026

Magalang po naming inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Señor Sto. Niño na gaganapin ngayong ika-17 ng Enero 2026, araw ng Sabado, ganap na ika-7:00 ng gabi sa Bisita ni San Isidro Labrador, Matimbo, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ito ay gaganapin bilang Anticipated Mass. Inaanyayahan po ang mga magulang na magsama ng kanilang mga anak para sa pagbebendisyon ng mga bata.

Ang mismong Dakilang Kapistahan ng Señor Sto. Niño de Panasahan ay ipagdiriwang sa ika-18 ng Enero 2026, araw ng Linggo. Ang Banal na Misa ay gaganapin sa ika-5:00 ng hapon at ito ay susundan ng maringal na prusisyon ganap na ika-6:30 ng gabi. Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa banal at makabuluhang pagdiriwang bilang pagpapahayag ng pananampalataya, pasasalamat, at debosyon sa Mahal na Señor Sto. Niño.

10/01/2026

Meron po tayong mass mamaya 7:00 PM
January 10, 2026

04/01/2026
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Banal na Misa para sa Pagsalubong sa Bagong Taon 2026, bilang pasasalamat sa mga...
30/12/2025

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Banal na Misa para sa Pagsalubong sa Bagong Taon 2026, bilang pasasalamat sa mga biyayang tinanggap at paghingi ng patnubay ng Poong Maykapal sa darating na taon. Ang Banal na Misa ay gaganapin sa December 31, 2025, ganap na ika-8:00 ng gabi. Sama-sama po nating salubungin ang Bagong Taon sa diwa ng pananampalataya, panalangin, at pagkakaisa.

Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa lahat ng nakibahagi at nag-alay sa programa ng Bisita ni San Isidr...
29/12/2025

Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa lahat ng nakibahagi at nag-alay sa programa ng Bisita ni San Isidro Labrador – Bisitang Malaki na pinamagatang “Alay Ko, Munting Pamasko 2025.”

Sa pamamagitan ng pinagsama-samang alay mula sa araw-araw na Misa de Gallo, kami ay napagkaloob ng biyayang makatulong sa mahigit 255 pamilya na may limitadong kinikita at nahihirapang tugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Tunay na ang bawat handog, gaano man kaliit, ay naging malaking pagpapala para sa kapwa.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa mga pamilyang hindi namin naabot sa pagkakataong ito, at umaasa po kami sa inyong pag-unawa. Nawa’y magpatuloy ang diwa ng pagbibigayan at malasakit sa ating pamayanan.

Ngayong araw, Disyembre 29, ay nagsagawa rin ng isang munting salo-salo at simpleng palaro bilang pasasalamat sa lahat ng masigasig na tumugon at naglingkod sa araw-araw na Misa de Gallo—ang ating mga Lay Ministers, Mass Collectors, Choir, Lectors and Commentators, Youth, at iba’t ibang samahan na walang pagod na naghandog ng kanilang oras at talento sa paglilingkod sa Simbang Gabi.

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Poong Maykapal at manatiling buhay sa ating mga puso ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at pagmamahalan, hindi lamang tuwing Pasko kundi sa bawat araw. ✨🙏

Maraming salamat po at mapagpalang Pasko at Bagong Taon sa ating lahat!

27/12/2025

May misa po tayo mamaya 7:00pm. Maraming salamat po.

Banal na Misa sa Araw ng PaskoSa banal na araw na ito, taimtim nating ginunita ang Kapanganakan ng ating Panginoong Hesu...
25/12/2025

Banal na Misa sa Araw ng Pasko

Sa banal na araw na ito, taimtim nating ginunita ang Kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo, ang Salitang nagkatawang-tao at nanahan sa gitna natin. Sa liwanag ng Mabuting Balita, ipinahayag ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan—ang kaligtasang dumating hindi sa karangyaan, kundi sa kababaang-loob at kapayapaan.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, muli nating tinanggap ang paanyaya ng Diyos na mamuhay ayon sa Kanyang kalooban, magbahagi ng pag-asa, at maging saksi ng Kanyang pag-ibig sa ating kapwa.

Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Rev. Fr. Kirth Stephen Buluran. Nawa’y ang diwa ng Pasko—pag-ibig, kapayapaan, at pananampalataya—ay manatili sa ating mga puso at isabuhay sa araw-araw.

24/12/2025

Mula po sa SPPC Matimbo

Banal na Misa sa Salubong ng Kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo ✨Buong pananampalataya at kagalakan na ipinagdi...
24/12/2025

Banal na Misa sa Salubong ng Kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo ✨

Buong pananampalataya at kagalakan na ipinagdiwang ng sambayanan ang Banal na Misa bilang salubong sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo. Sa taimtim na panalangin at papuri, muling inalala ang dakilang pag-ibig ng Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas ang sangkatauhan.

Ang banal na pagdiriwang ay naging pagkakataon ng pasasalamat, pagninilay, at mas malalim na pag-asa sa liwanag na hatid ng pagsilang ni Hesus sa mundo.

IKA-SIYAM NA ARAW AT PANGHULING MISA DE GALLO | Disyembre 24Sa ika-siyam at huling araw ng Misa de Gallo, sama-sama nati...
23/12/2025

IKA-SIYAM NA ARAW AT PANGHULING MISA DE GALLO | Disyembre 24

Sa ika-siyam at huling araw ng Misa de Gallo, sama-sama nating tinatapos ang ating paghahanda sa pagsilang ng ating Panginoon na may pusong puno ng pasasalamat, pananampalataya, at kagalakan. Ito ay paalala ng katuparan ng pangako ng Diyos at ng liwanag na nagbigay-buhay sa sanlibutan.

Kulay ng damit sa ika-siyam na araw: PUTI
Bilang sagisag ng kadalisayan, liwanag, at kagalakan sa pagdating ng ating Tagapagligtas.

Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa ng bawat isa. Nawa’y maging makabuluhan at mapagpala ang ating pagdiriwang ng Pasko.

IKA-WALONG ARAW NG MISA DE GALLO | Disyembre 23Sa ika-walong araw ng Misa de Gallo, patuloy nating ipinagdiriwang ang li...
22/12/2025

IKA-WALONG ARAW NG MISA DE GALLO | Disyembre 23

Sa ika-walong araw ng Misa de Gallo, patuloy nating ipinagdiriwang ang liwanag at pag-asa na hatid ng nalalapit na kapanganakan ng ating Panginoon. Ito ay paalala ng kagalakan, pananampalataya, at pasasalamat sa mga biyayang tinatanggap natin araw-araw.

Kulay ng damit sa ika-walong araw: DILAW
Bilang sagisag ng liwanag, kagalakan, at pag-asa na nagmumula sa Panginoon.

Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi sa banal na misa at magkaisa sa panalangin sa bawat araw ng Misa de Gallo.

IKA-PITONG ARAW NG MISA DE GALLO | Disyembre 22Sa ika-pitong araw ng Misa de Gallo, lalo nating pinagtitibay ang ating p...
22/12/2025

IKA-PITONG ARAW NG MISA DE GALLO | Disyembre 22

Sa ika-pitong araw ng Misa de Gallo, lalo nating pinagtitibay ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos habang nalalapit ang pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Panginoon. Ito ay paalala ng kapayapaan, pag-asa, at wagas na pagtitiwala sa Kanyang mga pangako.

Kulay ng damit sa ika-pitong araw: ASUL
Bilang sagisag ng kapayapaan, katahimikan ng puso, at ganap na pagtitiwala sa kalooban ng Diyos.

Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi sa banal na misa at magkaisa sa panalangin sa bawat araw ng Misa de Gallo.

Address

Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bisita ni San. Isidro Labrador - Matimbo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category