Nuestra Señora Delos Remedios Chapel - Masile

Nuestra Señora Delos Remedios Chapel - Masile Welcome to the Official page of Nuestra Señora Delos Remedios Chapel - Masile

𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗦𝗔𝗡 𝗥𝗢𝗤𝗨𝗘 𝗗𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗣𝗘𝗟𝗟𝗜𝗘𝗥 𝗜 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟭𝟲,𝟮𝟬𝟮𝟲"𝕬𝖒𝖕𝖚𝖓𝖎𝖓 𝖕𝖔 𝖐𝖆𝖒𝖎 𝖆𝖙 𝕶𝖚𝖕𝖐𝖔𝖕,𝕽𝖔𝖖𝖚𝖊𝖓𝖌 𝕶𝖆𝖕𝖆𝖑𝖆𝖗𝖆'𝖞 𝖕𝖚𝖘𝖕𝖔𝖘"PANALANGIN K...
16/08/2026

𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗦𝗔𝗡 𝗥𝗢𝗤𝗨𝗘 𝗗𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗣𝗘𝗟𝗟𝗜𝗘𝗥 𝗜 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟭𝟲,𝟮𝟬𝟮𝟲

"𝕬𝖒𝖕𝖚𝖓𝖎𝖓 𝖕𝖔 𝖐𝖆𝖒𝖎 𝖆𝖙 𝕶𝖚𝖕𝖐𝖔𝖕,
𝕽𝖔𝖖𝖚𝖊𝖓𝖌 𝕶𝖆𝖕𝖆𝖑𝖆𝖗𝖆'𝖞 𝖕𝖚𝖘𝖕𝖔𝖘"

PANALANGIN KAY SAN ROQUE DE MONTPELLIER. ( Patron laban sa Peste at Salot. )

PANALANGIN KAY SAN ROQUE

O Panginoon kong Diyos, Ikaw na nagsugo sa maluwalhating San Roque at pinahatiran Mo siya ng kaputol na tabla, pinagtibay Mo ang pangako sa kanya, upang ang sino mang dapuan ng salot ay hindi maaano, sapagkat siya'y deboto sa Iyo.

Magdalita Ka sa aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob Mo na kami ay maligtas sa mga salot na nakakamatay sa kaluluwa't katawan, pakundangan kay Hesukristong Panginoon namin. Amen.

San Roque, pintakasi laban sa sakit at salot, ipanalangin mo po kami.

Maringal na Prusisyon: 7:00 N.G


𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟭𝟱,𝟮𝟬𝟮𝟲 I 𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗔𝗧 𝗜𝗞𝗔𝗦𝗜𝗬𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 ...
15/08/2026

𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟭𝟱,𝟮𝟬𝟮𝟲 I 𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗔𝗧 𝗜𝗞𝗔𝗦𝗜𝗬𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗦𝗔𝗡 𝗥𝗢𝗤𝗨𝗘 𝗗𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗣𝗘𝗟𝗟𝗜𝗘𝗥

𝙈𝘼𝙎𝘿𝘼𝙉: Mga Larawang Kuha sa Maringal na Prusisyon na isinagawa ngayong araw sa Paggnunita sa Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria at San Tarcisio ng Roma. At gayundin ipinagpatuloy ang Pagnonobena sa Karangalan ni San Roque ng Montpellier na nagtatapos ngayong araw.

Mahal na Birheng Iniakyat sa Langit, Ipanalangin mo kami at ihatid kami kay Hesus na iyong Anak.


𝗣𝗔𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗠𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗔 l 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟭𝟱,𝟮𝟬𝟮𝟲𝙈𝘼𝙎𝘿𝘼𝙉: Ngayong Araw ika-15 ...
15/08/2026

𝗣𝗔𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗠𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗔 l 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟭𝟱,𝟮𝟬𝟮𝟲

𝙈𝘼𝙎𝘿𝘼𝙉: Ngayong Araw ika-15 ng Agosto kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria ay ginunita ng mga Tagapaglingkod sa Dambana Ang Kapistahan ng Kanilang Patron na si San Tarcisio ng Roma Sila ay sama-samang nanalangin ng Santo Rosaryo bilang pag-aalala sa Buhay ni San Tarcisio, Ang Batang Martir ng Eukaristiya.

Viva! San Tarcisio ng Roma!


𝟏𝟓 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐤𝐲𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚“𝘕𝘢𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘙𝘦𝘺𝘯𝘢, 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘯𝘨𝘯𝘪...
14/08/2026

𝟏𝟓 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐤𝐲𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚
“𝘕𝘢𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘙𝘦𝘺𝘯𝘢, 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘯𝘨𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘨𝘪𝘯𝘵𝘰'𝘵 𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢”
Ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Ito ay isa sa dogma ng Simbahang Katolika, na nagpapahayag na si Maria, sa pagtatapos ng kanyang buhay sa lupa, ay iniakyat ng Diyos nang buong katawan at kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit.
Nawa’y maging inspirasyon sa atin si Maria na manatiling tapat, mapagpakumbaba, at buong pusong tumugon sa kalooban ng Diyos. Tulad niya, nawa’y lagi rin nating piliing sumunod at maglingkod sa Panginoon.
Panalangin
Mahal na Birheng Maria, aming Ina at huwaran ng pananampalataya, samahan at gabayan mo kami sa aming paglalakbay patungo sa Diyos. Turuan mo kaming maging tapat, mapagpakumbaba, at handang maglingkod sa Panginoon. Ipanalangin mo kami upang sa huli, makasama rin namin ang Diyos sa Kanyang walang hanggang kaluwalhatian. Amen.
Mahal na Birheng Maria, Iniakyat sa Langit, ipanalangin mo kami!

𝟏𝟓 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐤𝐲𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚

“𝘕𝘢𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘙𝘦𝘺𝘯𝘢, 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘯𝘨𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘨𝘪𝘯𝘵𝘰'𝘵 𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢”

Ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Ito ay isa sa dogma ng Simbahang Katolika, na nagpapahayag na si Maria, sa pagtatapos ng kanyang buhay sa lupa, ay iniakyat ng Diyos nang buong katawan at kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit.

Nawa’y maging inspirasyon sa atin si Maria na manatiling tapat, mapagpakumbaba, at buong pusong tumugon sa kalooban ng Diyos. Tulad niya, nawa’y lagi rin nating piliing sumunod at maglingkod sa Panginoon.

Panalangin
Mahal na Birheng Maria, aming Ina at huwaran ng pananampalataya, samahan at gabayan mo kami sa aming paglalakbay patungo sa Diyos. Turuan mo kaming maging tapat, mapagpakumbaba, at handang maglingkod sa Panginoon. Ipanalangin mo kami upang sa huli, makasama rin namin ang Diyos sa Kanyang walang hanggang kaluwalhatian. Amen.

Mahal na Birheng Maria, Iniakyat sa Langit, ipanalangin mo kami!


🎉 MALUGOD NA PAGBATI, BRO. BRIX LAWRENCE PASCUA! 🎉Ang buong Sangguniang Pastoral at Pamayanan ng Barangay Masile ay lubo...
11/08/2026

🎉 MALUGOD NA PAGBATI, BRO. BRIX LAWRENCE PASCUA! 🎉

Ang buong Sangguniang Pastoral at Pamayanan ng Barangay Masile ay lubos na nagagalak at buong pusong bumabati kay Bro. Brix Lawrence Pascua, Altar Server & SOCCOM Coordinator ng ating Barangay, SPCY Vice President, at Lector & Commentator Member sa ating Baranggay, sa kanyang natanggap na karangalan na Saint Carlo Acutis Special Citation Award sa ginanap na Vicarial Youth Day noong ika-8 ng Agosto 2026.

Ang parangal na ito ay isang patunay ng iyong sipag, dedikasyon, pagmamahal, at tapat na paglilingkod sa Diyos, sa Simbahan, at sa kabataan. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo ka pang maging masigasig sa pagtupad ng iyong tungkulin at maging mabuting halimbawa sa iyong kapwa kabataan.

Huwag kang magsasawang maglingkod at magbigay ng iyong panahon, talento, at sarili para sa Diyos at sa ating pamayanan. Patuloy mong isabuhay ang diwa ng kababaang-loob, pananampalataya, at paglilingkod.

Sa tulong at paggabay ng ating minamahal na Patrona ang Mahal na Birheng Mapanglunas, Nuestra Señora Delos Remedios, nawa'y patuloy kang ingatan, gabayan, at pagpalain sa bawat hakbang ng iyong paglilingkod.

Muli Isang Buong Pusong Pagbati, Bro. Brix! Patuloy ka nawang maging inspirasyon sa ating lahat.

Ad Majorem Dei Gloriam!


PABATIDIpinababatid po sa lahat na Ngayong Linggo, ika-9 ng Agosto ay WALANG MISA sa ating kapilya dulot ng masamang pan...
08/08/2026

PABATID

Ipinababatid po sa lahat na Ngayong Linggo, ika-9 ng Agosto ay WALANG MISA sa ating kapilya dulot ng masamang panahon. Ibayong pag-iingat po para sa lahat. Nawa ay patuloy tayong gabayan at patnubayan ng Panginoon sa tulong ng ating Minamahal na Patrona, Nuestra Senora Delos Remedios.


𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐈𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐑𝐎𝐐𝐔𝐄 𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐏𝐄𝐋𝐋𝐈𝐄𝐑 l 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟳,𝟮𝟬𝟮𝟲"𝘼𝙢𝙥𝙪𝙣𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙆𝙖𝙢𝙞 𝙖𝙮 𝙆𝙪𝙥𝙠𝙤𝙥, 𝙍𝙤𝙦𝙪𝙚𝙣𝙜 𝙆𝙖...
07/08/2026

𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐈𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐑𝐎𝐐𝐔𝐄 𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐏𝐄𝐋𝐋𝐈𝐄𝐑 l 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟳,𝟮𝟬𝟮𝟲

"𝘼𝙢𝙥𝙪𝙣𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙆𝙖𝙢𝙞 𝙖𝙮 𝙆𝙪𝙥𝙠𝙤𝙥, 𝙍𝙤𝙦𝙪𝙚𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙥𝙖𝙡𝙖𝙧𝙖'𝙮 𝙥𝙪𝙨𝙥𝙤𝙨"

Matagumpay na nasimulan Ang Pagsisiyam sa Karangalan ni San Roque para sa kanyang nalalapalit na Kapistahan sa darating na ika-16 ng Agosto sa pangunguna ng SPPC Officers at mga Lingkod ng ating Simbahan.

𝙋𝘼𝙉𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂𝙄𝙉 𝙎𝘼 𝙐𝙉𝘼𝙉𝙂 𝘼𝙍𝘼𝙒 𝙆𝘼𝙔 𝙎𝘼𝙉 𝙍𝙊𝙌𝙐𝙀

Maluwalhating kompesor ni Jesukristo, ulirang San Roque, bunga ka ng panalangin ng iyong banal na magulang at mahal na biyaya ng langit sa lupa. Sa pamamagitan ng Birheng Ina ng Diyos, kinikilala at binabati kita bilang ulirang pintakasi at tagapagtanggol ko sa hirap ng katawan, lalo na laban sa salot at mga sakit na nakahahawa. Pinili ka ng Panginoong Diyos na maging saklolo ng mga maysakit at pinagkalooban ka ng mga natatanging biyaya upang maipakita ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan mo.

Kaya't mapagkumbaba akong lumalapit sa iyo. Idalangin mo ako sa Panginoon upang pagkalooban Niya ako ng mabuting kalusugan ng katawan at kaluluwa, ilayo sa anumang sakit at kapahamakan, at pagkalooban ng biyayang aking hinihiling (banggitin ang iyong intensyon), kung ito'y naaayon sa Kanyang banal na kalooban. Amen.


IKALABIMPITONG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON I HULYO 26,2026
05/08/2026

IKALABIMPITONG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON I HULYO 26,2026


𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐁𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐈𝐌 𝐍𝐀 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍 I 𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢 𝟭𝟵,𝟮𝟬𝟮𝟲
20/07/2026

𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐁𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐈𝐌 𝐍𝐀 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍 I 𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢 𝟭𝟵,𝟮𝟬𝟮𝟲

Happy Birthday, Sis. Tes!Maraming salamat sa buong pusong paglilingkod sa ating kapilya bilang Isang Lector Commentator ...
16/07/2026

Happy Birthday, Sis. Tes!
Maraming salamat sa buong pusong paglilingkod sa ating kapilya bilang Isang Lector Commentator at Commision on Liturgy at pagiging isang mabuting kaibigan sa ating mga kasapi. Isa kang espesyal na bahagi ng ating samahan. Muli isang maligaya, masaya at puno ng pagpa palang kaarawan, Sis. Tes!


Address

Masile City Of Malolos Bulacan
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora Delos Remedios Chapel - Masile posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category