05/24/2026
Homily Transcription by Fr. Dave Concepcion
🕊️ Day 19 of Marian Pilgrimage (May 2026)
🗓️ May 19, 2026
📖 John 17:1-11a
📍Sanctuary of Our Lady of Banneux, Belgium
There were eight apparitions to Mariette Beco. And in the third apparition on January 19, the lady said, "I am the Virgin of the Poor." On the fifth apparition, she said, "I come to relieve suffering." I have said this before, your poverty is not when you don't have money. Your greatest poverty is when you get sick. And the worst is the sickness that brings forth suffering. Hindi naman lahat ng karamdaman ay nagdadala ng pagdurusa. Pero yung nagdudulot ng pagdurusa, yun ang mas malungkot.
And that is the reason why Our Lady revealed herself in this place. There's also water that the lady had given. The spring was given to relieve those who are suffering. I have already shared this, that I'm so happy knowing that January 15 was the day of the apparition of Our Lady of the Poor. And my first assignment as a deacon and as a priest is in the Parish of Our Lady of the Poor in Taguig. Ina ng mga dukha. It was my first assignment, and it has set the tone of my priesthood.
When I was assigned to Ina ng mga Dukha, my late spiritual director, Father Ben Carlos, reminded me, "Do not forget this, that you are poor." “Huwag mo itong kakalimutan, David, na ikaw ay dukha.” At dahil ikaw ay dukha, hindi ka dapat mahihiyang humingi. Kasi pag ikaw ay mayaman, mahihiya kang humingi. Pero pag ikaw ay dukha, hindi ka dapat nahihiyang humingi.
In English, it says, "Ask, and you shall receive." But in Tagalog, pag sinabing 'you ask,' may dalawang ibig sabihin. Humingi at magtanong. Ask. Magtanong ka. Kung hindi mo alam, magtanong ka. Kung may kailangan ka, humingi ka. Pero sa English iisa lang, ask. Ask. Do not be afraid to ask. Hindi ikababawas sa karangalan, kadakilaan ng Diyos ang kung anuman ang ibibigay sa iyo.
Sabi nga, hindi natin naintindihan yung laki ng biyaya na meron, na kung magdala ka man ng balde, wala 'yan sa laki ng biyaya ng Diyos. Ikumpara mo ang balde ng iyong pangangailangan, sabi nga, sa lawak ng dagat ng biyaya. The ocean of grace. Mahirap doon. May pangangailangan ka. Ang dala mo lang kutsarita. Na puwede ka namang humingi ng balde. Hindi ikababawas ng kadakilaan ng Diyos kung anuman ang iyong hiningi. Huwag mo lang ililimita. Pag ikaw ay humingi, hayaan mo na yung magbibigay na magbigay ayon sa kanyang gusto.
So, tatlong bagay ang gusto ko pong maintindihan ninyo sa lugar na ito. Kahit gaano ka kayaman, darating ang araw, magiging kang dukha. Kung dukha ka man ngayon, huwag kang matatakot na humingi. Tatlong bagay. Unang-una, humingi ka sapagkat iyan ay kautusan ng Diyos. To ask is to do the will of God. Ba't ka humihingi? Eh, kasi sabi ng Diyos, humingi. Yung mga kapatid nating Tsino, may kasabihan sila: "Huwag kang mahihiyang magtanong kung hindi mo alam." Pero marami sa atin, dahil natatakot na sila ay sabihing mangmang, hindi sila nagtatanong. Nagkukunwaring alam nila, kaya habang panahon silang mangmang.
Ang gustong-gusto kong kuwento ay tungkol sa isang pamilyang sumakay ng barko papunta sa Estados Unidos. Tuwing kainan, nagsasama-sama sila sa kanilang tulugan, sa kanilang higaan, at nagtiya-tiyaga sila sa crackers. At sabi ng kasama nila, "Bakit hindi kayo kumakain doon sa kainan?" Sabi ng pamilyang ito, "Wala kaming pera. Dito na lang kami. 'Yung aming binaon." So sabi ng kasama nilang pasahero, sabi niya, "Kasama po sa ticket niyo yung pagkain." Hindi ka nagtanong, kaya nagutom ka. Puwede namang magtanong. Libre ba 'yan? So, ask. Kung hindi alam, magtanong. Kung kailangan, humingi.
Ikalawa, you must ask intelligently.Anong ibig sabihin? Sa ating panahon, you ask as a SMART: Specific, Measurable, Attainable, Realistic, Time-bound. 'Pag humingi ka, malinaw. Hindi yung sasabihin mo basta. Noong ako ay nasa Nuestra Señora de Salvación, yung lugar na 'yon, ayaw puntahan ng taxi dahil sabi nila, hino-holdap kami diyan. So, doon pa lang sa Santa Mesa Boulevard, maglalakad na ako kasi wala namang pumapasok na sasakyan.
Sabi ko kay Bishop Soc, "Baka naman puwede kong bilhin yung sasakyan mo, second-hand." Sabi niya, "Bumili ka ng bago." Tuwang-tuwa ako noong sinabi niyang bumili ka ng bago kasi akala ko bibigyan niya ako ng pambili. Hindi pala. Sariling kayod. Kaya yung unang Simbang Gabi ko sa Nuestra Señora de Salvación, at ito ay palagi kong sinasabi, "Ano man ang hingin mo sa Misa de Gallo, sa siyam na gabi ng novena, ipagkakaloob ng Diyos." So, sinabi ko sa mga tao, "Sa simula ng misang ito, inanyayahan ko kayong humingi sa Diyos ng kahit ano." Imagine the unimaginable for God to do the impossible.
At habang humihingi ang mga tao, ako ring humihingi sa Diyos. Sabi ko, "Lord, bigyan mo naman ako ng sasakyan." At nagulat ako habang nagdadasal ako. Pumasok sa isipan ko: anong sasakyan? Sabi ko, "Ah, Toyota Corolla." 'Di mayroon na akong sasakyang iniisip. Maya-maya, pumasok sa isip ko: Anong kulay? Specific. Toyota Corolla, green. Tapos na. Misa na. Misa. Lo and behold, bago ako mag-birthday noong January 15, nakausap ko ang kaibigan kong manager ng bangko sa Pasig at sabi niya, "Father, may bagong dumating na sasakyan. Toyota Corolla. Green. Ang ganda ng color." Nangilabot ako. Pero siyempre hindi ko pinahalata. "Talaga?" Sabi niya, "Mangutang ka, Father; mababa lang ang interes."
Ano ang ibig sabihin? Humingi ka, specific. Hindi libre, pero gumagawa ng paraan ang Diyos. Noong January 15, nakuha ko ang sasakyan. Toyota Corolla, green. Ayaw kong pasakyan ng iba, eh. Psst, huwag kayong lumapit diyan. Kasi kahit ako, hindi ako makapaniwala. Since then, I learned, we would rather ask and not receive than fail to receive because we did not ask. Learn to ask.
Bago tayo umuwi, sana ito'y matutunan ninyo. At kung anuman ang iyong hinihingi, sana maliwanag. "Lord, sana makakain na ako ng lutong Pinoy." 'Di ba ganun?Anong klase? Daing na bangus. Specific. Hindi basta lutong Pinoy. Specific. Sana gumaling na ako. Saan? Walang imposible sa Diyos dahil tayo ay dukha. Humingi ka bilang bukas. Sapagkat hindi binibigyan ng Diyos ang mayayabang. Dukha. Humingi. Humingi nang maayos.
Ikatlo, at sabi nga nila, "Ask like a child." Humingi ka tulad ng isang bata na naglalambing sa isang mabuting ama. Iba yung humihingi na naglalambing at iba yung humihingi na nag-uutos. Humingi ka ng isang naglalambing na bata. Sapagkat hindi pinaghihindian ng Diyos ang mga bata sa kanyang harapan. Kung meron kayong natutunan sana sa pilgrimage na ito, huwag matakot na maging dukha. Even though the world wanted us to be self-sufficient. We feel secure when we are self-sufficient.
Even St. Augustine has said this. Only God can feel the longing of your hearts. Tanging Diyos lamang. Humingi. Magtanong. Huwag mahihiya. Hindi masamang humingi. Dapat 4:30 pa ang misa. Hindi naman masamang magtanong. "Puwede ba kaming magmisa na?" Pumayag. Kung tumanggi? 'Di, hindi. Mahirap na nakakanganga tayo. Nag-aantay. Puwede naman pala. Napakabuti ng Diyos.
At sabi dito in one of the apparitions, sabi niya, "My dear child, pray. If you think it has been heard, pray harder." Alam niyo yung salitang PUSH? P-U-S-H. Pray Until Something Happens. Ganyan naman ang mga bata. 'Pag nangungulit. They push. They know how to push. Learn to be a pusher. Because the grace of God is more than we think.
I hope, and I pray that you will learn to ask. Hindi lang yung meron kang knowledge na mabuti ang Diyos, mapagpagaling ang Diyos, mabait ang Diyos. Knowledge is nothing, anak. You must learn to ask. Marunong lang akong maglambing. Kaya natatanggap ko yung aking hinihingi. I'm sure you can do it also. Learn to ask. Teach your children to ask.
Sapagkat ikinatutuwa ng mabuting ama ang magregalo sa isang malambing na anak. Lalong-lalo na pag lolo at lola na. Naku, kita niyo na yung apo ninyo, kahit mali ang ginagawa, hindi niyo matiis. Mga konsintidor kayo. Kaya sabi ng mga anak, "Bakit noong kami’y lumalaki, ang higpit, pag-apo na, ang bait na?" Kasi marunong maglambing ang apo. So ano ang ating keyword? PUSH. Be a pusher. PUSH. Pray Until Something Happens.