Gabay Sa Islam

Gabay Sa Islam Guide to Islam

Nais mo bang maging Muslim?May katanungan kaba patungkol sa Islam?
31/05/2026

Nais mo bang maging Muslim?
May katanungan kaba patungkol sa Islam?

May katanungan kaba patungkol sa Islam?Nais mo bang maging Muslim?
02/05/2026

May katanungan kaba patungkol sa Islam?
Nais mo bang maging Muslim?

May katanungan kaba sa Islam?Nais mo bang maging Muslim?
01/11/2025

May katanungan kaba sa Islam?
Nais mo bang maging Muslim?

س 1 : ما أول ما يجب على العباد؟Tanong 1: Ano ang unang ipinag-uutos sa mga alipin (ng Allah)?Sagot:Ang unang tungkulin n...
19/10/2025

س 1 : ما أول ما يجب على العباد؟
Tanong 1:
Ano ang unang ipinag-uutos sa mga alipin (ng Allah)?

Sagot:
Ang unang tungkulin ng mga alipin ay malaman kung ano ang siyang dahilan ng paglikha sa kanila ng Allah , at siyang dahilan ng pagkuha niya ng kasunduan mula sa kanila at pagkasugo ng mga sugo sa kanila, at pagpapadala ng mga aklat sa kanila. At siyang dahilan nang paglikha sa mundong ito at ang Kabilang-buhay, ang Paraiso at ang Impiyerno, At siyang dahilan ng pagdating ng makatotohanang pangyayari (Ang huling Oras). At siyang dahilan ng pagtindig ng mga timbangan (para sa mga gawa), at pamamahagi ng mga aklat (ng mga gawa), at doon malalaman kung sino ang magiging masaya o kapahamakan.
Ang lahat ng ito ay ayon sa Kanyang karunungan at katarungan. At sinumang hindi bigyan ng Allah ng liwanag ay walang liwanag na makakamtan.

س 2 : ما هو ذلك الأمر الذي خلق الله الخلق لأجله؟
Tanong 2: Ano ang layunin o dahilan kung bakit nilikha ng Allah ang mga nilalang?

Sagot:
Sinabi ng Allah :
((وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا لَٰعِبِينَ*
مَا خَلَقۡنَٰهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ))
"At hindi Ko nilikha ang mga langit at ang lupa at ang nasa pagitan ng mga ito kundi sa katotohanan, ngunit karamihan sa kanila ay hindi nakakaalam."
(Surah Ad-Dukhan 38–39)

At sinabi rin Niya:

((وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَآءَ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا بَٰطِلٗاۚ ذَٰلِكَ ظَنُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنَ ٱلنَّارِ))

"At hindi Namin nilikha ang langit at ang lupa at ang nasa pagitan ng mga ito nang walang kabuluhan; iyan ang palagay ng mga hindi naniniwala."
(Surah Sad 27)

At sinabi Niya:

((وَخَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّ وَلِتُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ))

"At nilikha ng Allah ang mga langit at ang lupa ayon sa katotohanan, upang bawat kaluluwa ay gantimpalaan ayon sa kanyang ginawa, at sila ay hindi lalapastanganin."
(Surah Al-Jathiyah 22)

At sinabi Niya:

((وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِيَعۡبُدُونِ))

"At hindi Ko nilikha ang mga jinn at mga tao maliban upang sila ay sumamba sa Akin."
(Surah Adh-Dhariyat 56)

✍️ Dilam Islamic Center

لَا إِلٰهَ إِلَّا الله"Walang Diyos na dapat sambahing tunay maliban sa Allah."🔗 Kahulugan at Paliwanag:Ang pahayag na i...
14/10/2025

لَا إِلٰهَ إِلَّا الله
"Walang Diyos na dapat sambahing tunay maliban sa Allah."

🔗 Kahulugan at Paliwanag:

Ang pahayag na ito ay pundasyon ng Islam. Ito ang unang bahagi ng Shahādah, na siyang patunay ng pananampalataya ng isang Muslim.
Ipinapahayag nito ang Tawḥīd — ang ganap na kaisahan ng Allah sa Kanyang pagka-Diyos at karapatang sambahin.

🔗 Mga Haligi nito ;

1. Pagtanggi (نفي / Nafy):
“Lā ilāha” — Itinatanggi natin ang lahat ng sinasamba bukod sa Allah , Gaya ng mga diyus-diyusan, santo, propeta, o anumang nilikha.

2. Pagpapatunay (إثبات / Ithbāt):
“illā Allāh” — Pinapatunayan natin na ang Allah lamang ang tunay na may karapatang sambahin, Siya lamang ang Naglikha, Tagapagbigay, at Tagapamahala ng lahat .

Sinabi ng Allah:
((وَقَضَىٰ رَبُّكَ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا إِيَّاهُ))
Huwag kang sumamba maliban sa Kanya.

(Surah Al-Isra, 17:23)

((وَاعْبُدُوا اللَّهَ وَلَا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا))

“At inyong sambahin ang Allah at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.”

(Surah An-Nisa, 4:36)

Sinabi ni Propeta Muhammad ﷺ:

((Sinuman ang magsabi ng ‘Lā ilāha illā Allāh’ nang taos sa puso, ay papasok sa Paraiso.))
(Hadith – Sahih al-Bukhari, no. 128)

✍️ Dilam Islamic Center

Ang Tawhid o Monoteismo sa Islam➡️Ang Tawhid ay ang pinakapundasyon ng pananampalatayang Islam. ➡️Ito ang paniniwala na ...
23/09/2025

Ang Tawhid o Monoteismo sa Islam

➡️Ang Tawhid ay ang pinakapundasyon ng pananampalatayang Islam.

➡️Ito ang paniniwala na si Allah lamang ang nag-iisang Diyos, walang katambal, walang katulong, at Siya lamang ang dapat sambahin.

➡️Ang lahat ng mga Propeta ay isinugo upang tawagin ang tao sa dalisay na pagsamba kay Allah.

📖 Mga Dalil mula sa Qur’an at Hadith

1. Qur’an – Surah Al-Ikhlāṣ (112:1-4)
قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ ۝ اللَّهُ الصَّمَدُ ۝ لَمْ يَلِدْ وَلَمْ يُولَدْ ۝ وَلَمْ يَكُن لَّهُ كُفُوًا أَحَدٌ

Salin sa Tagalog:

"Sabihin mo: Siya ang Allah, ang Nag-iisa. Ang Allah, ang Tinatakbuhan ng lahat. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak. At walang anuman na katulad Niya."

2. Qur’an – Surah An-Nahl (16:36)
وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَّسُولًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ

Salin sa Tagalog:

"At katiyakan, Kami ay nagsugo sa bawat pamayanan ng isang sugo na nagsasabi: ‘Sambahin ninyo si Allah at iwasan ninyo ang mga diyus-diyosan.’"

3. Hadith
((حق الله على العباد أن يعبدوه ولا يشركوا به شيئًا))

Salin sa Tagalog:

"Ang karapatan ni Allah sa Kanyang mga alipin ay sambahin Siya at huwag magtambal ng anuman sa Kanya."
-Naiulat Ni Imam Bukhari at Imam Muslim

👉 Buod:
Ang Tawhid ay hindi lamang paniniwala, kundi obligasyon ng bawat Muslim. Ito ang pagkilala na ang Allah lamang ang tunay na Diyos, at lahat ng gawaing pagsamba—dasal, pag-aalay, panata, at pag-asa—ay dapat iukol lamang sa Kanya.

✍️ DILAM ISLAMIC CENTER
📅09-23-2025

Address

Riyadh

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gabay Sa Islam posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Gabay Sa Islam:

Share