13/05/2026
Sino ang nakakatanda kay Brother Jorell Banay na minsan nang nagbahagi ng kaniyang transformed life testimony dito sa ating page? Matatandaang ibinahagi niya noon ang kaniyang journey at mga pinagdaanan sa buhay na siyang humubog at nagpatatag ng kaniyang pananampalataya sa Panginoon. After a few years of sharing his life testimony, today naman ay ibinabahagi natin ang journey ng kaniyang success matapos niyang matagumpay na maipasa ang Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).
Ayon sa kanya, βThis success is all because of the never-ending grace of the Lord. Kung wala ang Panginoon, marahil ay hindi ko natapos ang aking pag-aaral at lalong hindi ko maipapasa ang Licensure Examination for Teachers. But because every detail and every part of my life story is beautifully written by the Lord, here I am celebrating His goodness and mercy. Ang kabataang minsang naligaw, subalit natagpuan ng Diyos β ngayon ay magiging isa nang ganap na g**o. Isang pagkakatawag sa tungkuling minsan na rin niyang tinakbuhan, ngunit ibinalik muli sa kaniya ng Panginoon.β
Tunay ngang walang imposible sa buhay na isinuko at ipinagkatiwala sa Diyos.
ππ’π‘ππ₯ππ§π¨πππ§ππ’π‘π¦, ππ₯π’π§πππ₯ ππ’π₯πππ π₯³π
To God be all the highest glory! π