22/06/2026
BAGONG PANGULO NG COLOMBIA, NAGDARASAL NG ROSARYO KASAMA ANG KANYANG PAMILYA
Sa panahon kung kailan maraming lider ang nahaharap sa iba't ibang hamon at tukso ng kapangyarihan, nakapagbibigay-inspirasyon ang larawan ni newly elected Colombian President Abelardo de la Espriella na taimtim na nagdarasal ng Banal na Rosaryo kasama ang kanyang pamilya.
Ipinapakita ng tagpong ito ang isang mahalagang katotohanan: ang tunay na lakas ng isang bansa ay nagsisimula sa matatag na pananampalataya at matibay na pundasyon ng pamilya.
Bilang mga Katoliko, naniniwala tayo na ang Rosaryo ay hindi lamang isang simpleng panalangin. Ito ay isang makapangyarihang sandata laban sa kasamaan, isang daan upang higit na mapalapit kay Kristo sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, at isang paraan upang humingi ng gabay ng Diyos sa bawat mahalagang desisyon sa buhay.
Napakaganda na makita ang isang pinuno na kinikilala na higit sa talino, yaman, o kapangyarihan, kailangan pa rin ng tao ang tulong at biyaya ng Diyos.
Nawa'y magsilbi itong paalala sa ating lahat na gaano man tayo kaabala sa trabaho, negosyo, pag-aaral, o tungkulin sa lipunan, huwag nating kalilimutang maglaan ng panahon para sa panalangin kasama ang ating pamilya.
Tunay na pinagpapala ang tahanang ang sentro ay si Kristo at ang Mahal na Birheng Maria.
π "Kung hindi ang Panginoon ang magtayo ng bahay, walang kabuluhan ang pagpapagal ng mga nagtayo nito." β Awit 127:1
π Ipagdasal natin si Pangulong Abelardo de la Espriella, ang kanyang pamilya, at ang bansang Colombia upang patuloy silang gabayan ng Diyos sa landas ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan.
πΏ Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Banal na Rosaryo, ipanalangin mo kami.