05/04/2026
Si Kristo ay Muling Nabuhay! ✨🌿
Bilang kabataan, tayo ay tinatawag hindi lang upang maniwala, kundi upang maging buhay na saksi ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa gitna ng pressure, doubts, at mga hamon ng buhay, nawa’y piliin pa rin nating bumangon, magpatuloy, at magliwanag dahil kasama natin Siya sa bawat laban.
Ang Pasko ng Pagkabuhay ay paalala na may pag-asa sa bawat kabataan, at ang ating kwento ay hindi nagtatapos sa pagkadapa, kundi sa muling pagbangon kasama si Kristo. 💛🙏