Ministry of Altar Servers - St. Anthony Ma. Zaccaria Parish

  • Home
  • Ministry of Altar Servers - St. Anthony Ma. Zaccaria Parish

Ministry of Altar Servers - St. Anthony Ma. Zaccaria Parish This is the official page of St. Anthony Mary Zaccaria Parish - Ministry of Altar Servers.

31/05/2026

THE MOST HOLY TRINITY
May 30, 2026; Solemnity

Glory be to the FATHER, and to the SON, and to the HOLY SPIRIT; as it was in the beginning, is now, and ever shall be, world without end. Amen.🙏

[Let us pray] God our Father, who by sending into the world the Word of truth and the Spirit of sanctification made known to the human race Your wondrous mystery, grant us, we pray, that in professing the true faith, we may acknowledge the Trinity of eternal glory and adore Your Unity, powerful in majesty. Through our Lord Jesus Christ, your Son, who lives and reigns with You in the unity of the Holy Spirit, one God, for ever and ever. Amen!

Viva La Virgen🍎
30/05/2026

Viva La Virgen🍎

29/05/2026

Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa Pagluluklok sa Imahen ng Birhen ng Antipolo sa ating parokya ngayong Mayo 31, 2026.

Magsisimula ang prusisyon sa ganap na ika-4:00 ng hapon mula Dreamhomes patungong Parokya, susundan ng Rito ng Pagluluklok at Banal na Misa.

Magdala po ng rosaryo at puting panyo bilang tanda ng ating debosyon at pakikiisa kay Maria.

Sama-sama nating parangalan ang ating Mahal na Birhen ng Antipolo.


Sa araw na ito, buong puso nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Hesukristo bilang Walang Hanggang Mataas na Saserdote...
28/05/2026

Sa araw na ito, buong puso nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Hesukristo bilang Walang Hanggang Mataas na Saserdote.

Siya ang tanging Tagapamagitan na nag-alay ng Kanyang sarili upang tulayán ang agwat ng Diyos at ng tao. Sa bawat hamon, kabiguan, at tagumpay sa ating buhay, hindi Siya napapagod na makinig sa ating mga panalangin at mag-alay ng Kanyang walang-hanggang awa at kapatawaran.

Nawa’y ang kapistahang ito ay magsilbing paalala na hindi tayo nag-iisa sa ating mga laban. Mayroon tayong isang Mataas na Saserdote na nakauunawa sa ating mga kahinaan dahil namuhay Siya kasama natin. Patuloy tayong magtiwala, manampalataya, at lumapit sa Kanya nang may buong pag-asa. 🙏✨

"Sa Paglilingkod na may Katapatan at Pagmamahal" 🏛️🙏Matagumpay na naisagawa ang ating General Meeting para sa buwan ng M...
27/05/2026

"Sa Paglilingkod na may Katapatan at Pagmamahal" 🏛️🙏

Matagumpay na naisagawa ang ating General Meeting para sa buwan ng Mayo ng Ministry of Altar Servers - St. Anthony Mary Zaccaria Parish. Ang pagtitipong ito ay hindi lamang naging daan para sa mga updates sa ating parokya, kundi isang pagkakataon din upang muling magkasama-sama ang mga magigiting na naglilingkod sa dambana.

Buong-puso ang ating pasasalamat kay Rev. Fr. Michael Sandalo sa kanyang paggabay at sa napakagandang mensahe na kanyang ibinahagi sa buong ministry. Ang kanyang mga salita ay nagsilbing paalala at inspirasyon para sa amin upang mas pagbutihin, pag-alabin, at panatilihin ang kababaang-loob sa bawat banal na misa na aming paglilingkuran.

Maraming salamat sa lahat ng mga Altar Servers na nakiisa at naglaan ng kanilang oras. Patuloy nawa tayong maging liwanag at inspirasyon sa kapwa kabataan!

✨ 129 Taon ng Biyaya at Nag-aalab na Pananampalataya! ✨Ngayong araw, Mayo 27, buong galak nating ipinagdiriwang ang Ika-...
27/05/2026

✨ 129 Taon ng Biyaya at Nag-aalab na Pananampalataya! ✨

Ngayong araw, Mayo 27, buong galak nating ipinagdiriwang ang Ika-129 na Anibersaryo ng Kanonisasyon ng ating mahal na Patron, si San Antonio Maria Zaccaria! 🌟

Isang Balik-Tanaw sa Kasaysayan:
Noong Mayo 27, 1897, opisyal siyang itinaas sa altar ng kabanalan ni Papa Leo XIII. Ngunit bago siya naging santo, si San Antonio ay isang lisensyadong doktor sa Italya. Nang makita niya ang matinding uhaw ng mga tao sa Diyos, iniwan niya ang medisina upang maging "manggagamot ng mga kaluluwa" bilang isang pari.
Itinatag niya ang mga Paring Barnabita (Barnabites), Angelic Sisters, at Laity of St. Paul upang buhaying muli ang pananampalataya ng mga tao sa pamamagitan ng pagmamahal sa Banal na Sakramento at sa Krus ni Kristo. Siya rin ang nagpalaganap ng tradisyon ng 40-Hour Devotion (walang patid na pagdarasal sa harap ng Eukaristiya) na ginagawa pa rin natin hanggang ngayon!

Sa araw na ito, alalahanin natin ang kanyang tanyag na hamon: "Tumakbo tayo na parang mga baliw patungo sa Diyos at sa ating kapwa!" 🏃‍♂️💨
San Antonio Maria Zaccaria, ipanalangin mo kami at ang aming mga pamilya! 🙏❤️

REPOST:Vicariate of Our Lady of Aranzazu Ministry of Altar Servers - Badminton and Board Games Tournament
26/05/2026

REPOST:

Vicariate of Our Lady of Aranzazu Ministry of Altar Servers - Badminton and Board Games Tournament

26/05/2026
"Narito po ako, Panginoon, handang maglingkod." 🕊️Isang mapagpalang araw para sa ating mga bagong aspirante na sumailali...
25/05/2026

"Narito po ako, Panginoon, handang maglingkod." 🕊️

Isang mapagpalang araw para sa ating mga bagong aspirante na sumailalim sa Aspirants Formation Seminar! Sila ang mga kabataang nag-alay ng kanilang "Oo" upang maging bagong mukha ng paglilingkod sa Altar ng ating parokya.

Welcome sa inyong journey, mga bagong Sakristan! Patuloy nawa kayong gabayan ng Banal na Espiritu. 🥖🍷


24/05/2026

Sa pagdiriwang ng Pentecost Sunday, ginugunita natin ang pagbuhos ng Espiritu Santo sa mga apostol—isang banal na kaloob na nagbigay-liwanag, lakas, at tapang upang ipahayag ang Mabuting Balita.

Nawa’y patuloy tayong gabayan at pagningasin ng Espiritu Santo upang mamuhay sa pananampalataya, pag-ibig, at paglilingkod.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers - St. Anthony Ma. Zaccaria Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship?

Share