Blessed Generation Trusting God

Blessed Generation Trusting God Encouraging generation to glorify God in their lives. Have faith in Jesus continue to trust in Him�

Daniel 6:1-28 ASDPumili si Haring Dario ng 120 gobernador upang mamahala sa kanyang buong kaharian. Ang mga gobernador n...
05/31/2026

Daniel 6:1-28 ASD

Pumili si Haring Dario ng 120 gobernador upang mamahala sa kanyang buong kaharian. Ang mga gobernador na itoʼy nasa ilalim ng pamamahala ng tatlong administrador, at isa sa kanila ay si Daniel. Ginawa ito upang hindi mahirapan sa pamamahala ang hari. Si Daniel ang natatangi sa kanilang lahat dahil sa kanyang pambihirang kakayahan, kaya binalak ng hari na siya ang gawing tagapamahala ng buong kaharian. Dahil dito, ang dalawa pang kasama niyang administrador at mga gobernador ay naghanap ng kamalian sa pamamahala ni Daniel upang paratangan siya. Ngunit wala silang makita, dahil si Daniel ay tapat sa kanyang tungkulin at maaasahan. Kaya sinabi nila, “Wala tayong maipaparatang kay Daniel malibang makahanap tayo ng kasalanan na may kaugnayan sa kautusan ng kanyang Diyos.” Kaya pumunta sila sa hari at sinabi, “Mabuhay ang Haring Dario! Kaming lahat na tagapangasiwa ng iyong kaharian, kaming mga pinuno, gobernador, tagapayo, at mga iba pang-opisyal, ay nagkasundong hilingin sa inyo na gumawa ng kautusan at mahigpit itong ipatupad. Iutos po ninyo na kung may mananalangin sa sinumang diyos o tao maliban sa inyo sa loob ng tatlumpung araw ay itatapon sa kulungan ng mga leon. Kaya Mahal na Hari, magpalabas na po kayo ng ganoong kautusan. Ipasulat po ninyo at lagdaan upang hindi na mabago o mapawalang-bisa ayon sa kautusan ng ating kahariang Media at Persia.” Pumayag si Haring Dario, kaya nilagdaan niya ang kautusang iyon. Nang malaman ni Daniel na lumagda ang hari, umuwi siya at pumunta sa kanyang silid na nasa itaas na bahagi ng bahay, kung saan nakabukas ang bintana na nakaharap sa Jerusalem. Doon lumuhod siya, nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos, tatlong beses sa isang araw, ayon sa kanyang nakaugalian. Ngunit sinusubaybayan pala siya ng mga opisyal na kumakalaban sa kanya, at nakita nilang nananalangin at nagpupuri si Daniel sa kanyang Diyos. Kaya pumunta sila sa hari at sinabi ang paglabag ni Daniel sa kautusan. Sinabi nila sa hari, “Mahal na Hari, hindi baʼt lumagda kayo ng kautusan na sa loob ng tatlumpung araw ay walang mananalangin sa alinmang diyos o tao maliban sa inyo? At ang sinumang lumabag sa kautusang iyon ay ihuhulog sa kulungan ng mga leon?” Sumagot ang hari, “Totoo iyon, at hindi na iyon mababago o mapapawalang-bisa ayon sa kautusan ng ating kahariang Media at Persia.” Sinabi nila sa hari, “Si Daniel na isa sa mga bihag mula sa Juda ay hindi sumusunod sa inyong utos. Nananalangin siya sa kanyang Diyos ng tatlong beses sa isang araw.” Nang marinig ito ng hari, nabalisa siya ng sobra. Nais niyang tulungan si Daniel, kaya buong maghapon siyang nag-isip at naghanap ng paraan upang mailigtas si Daniel. Nagtipong muli ang mga opisyal ng hari at sinabi, “Mahal na Hari, alam nʼyo naman na ayon sa kautusan ng Media at Persia, kapag nagpalabas ang hari ng kautusan ay hindi na ito maaaring baguhin.” Kaya iniutos ng hari na hulihin si Daniel at ihulog sa kulungan ng mga leon. Sinabi ng hari kay Daniel, “Iligtas ka nawa ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran.” Pagkatapos, tinakpan ng isang malaking bato ang kulungan na pinaghulugan kay Daniel, at tinatakan ng singsing ng hari at ng singsing ng mga marangal sa kaharian upang walang sinumang magbubukas nito. Pagkatapos ay umuwi si Haring Dario sa palasyo niya. Hindi siya kumain ng gabing iyon at hindi rin humiling na siya ay aliwin. At hindi siya makatulog. Kinaumagahan, nagbubukang-liwayway pa lamang ay nagmamadaling pumunta ang hari sa kulungan ng mga leon. Pagdating niya roon, malungkot siyang tumawag, “Daniel, lingkod ng buháy na Diyos, iniligtas ka ba sa mga leon ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran?” Sumagot si Daniel, “Mabuhay ang Hari! Hindi ako sinaktan ng mga leon, dahil nagpadala ang Diyos ng kanyang mga anghel upang itikom ang mga bibig ng mga leon. Ginawa ito ng Diyos dahil alam niyang matuwid ang aking buhay at wala akong ginawang kasalanan sa inyo, Mahal na Hari.” Nang marinig iyon ng hari, nagalak siya at nag-utos na kunin si Daniel sa kulungan. Nang nakuha na si Daniel, wala silang nakitang kahit galos man lamang sa kanyang katawan, dahil nagtiwala siya sa Diyos. Nag-utos ang hari na ang lahat ng nagparatang kay Daniel ay hulihin at ihulog sa kulungan ng mga leon pati ang kanilang asawaʼt mga anak. Hindi pa sila sumasayad sa ibaba ng kulungan ay sinunggaban na sila ng mga leon at dinurog ang kanilang mga buto. Pagkatapos ay sumulat si Haring Dario sa lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi at wika sa mundo. Ito ang nakasulat: Nawaʼy mas lalo pa kayong sumagana! Iniuutos ko sa lahat ng tao na nasasakupan ng aking kaharian na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel. “Sapagkat siya ang buháy na Diyos at nabubuhay magpakailanman. Ang paghahari niya ay walang hanggan, at walang makakapagbagsak nito. Nagliligtas siya at gumagawa ng mga himala at kababalaghan sa langit at dito sa lupa. Iniligtas niya si Daniel mula sa mga leon.” At naging maunlad ang buhay ni Daniel sa panahon ng paghahari ni Dario at sa panahon ng paghahari ni Ciro na taga-Persia.

Ang Mabuting Samaritano“Isang dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kay Jesus upang siya'y subukin. “Guro, ano ang dapat kon...
04/30/2026

Ang Mabuting Samaritano

“Isang dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kay Jesus upang siya'y subukin. “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” tanong niya. Sumagot si Jesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?” Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip mo;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’” Sabi ni Jesus, “Tama ang sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.” Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki, “Sino naman ang aking kapwa?” Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na. Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya'y naawa. Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang a**o at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon. Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.’” At nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?” “Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng dalubhasa sa kautusan. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang gawin mo.””
‭‭Lucas‬ ‭10‬:‭25‬-‭37‬ ‭MBBTAG12‬‬

MEMORY VERSEJUAN 1:18Wala pang nakakita sa Dios Ama kahit kailan, ngunit ipinakilala siya sa atin ng kanyang Bugtong na ...
04/18/2026

MEMORY VERSE
JUAN 1:18
Wala pang nakakita sa Dios Ama kahit kailan, ngunit ipinakilala siya sa atin ng kanyang Bugtong na Anak, na Dios din nga at kapiling ng Ama.

🙏

Jonas 1-4🥰Ang kwento ni Jonas ay isang paalala ng pag-ibig at habag ng Diyos sa bawat isa.• Pagsunod sa Utos ng Diyos: N...
04/11/2026

Jonas 1-4🥰

Ang kwento ni Jonas ay isang paalala ng pag-ibig at habag ng Diyos sa bawat isa.

• Pagsunod sa Utos ng Diyos: Natutunan natin na mahalagang sundin ang Diyos sa halip na tumakas.
Ang pagtakas ay nagdudulot lamang ng kapahamakan, gaya ng naranasan ni Jonas.

• Malawak ang Awa at Pagpapatawad ng Diyos:
Ipinapakita ng kwento na ang awa ng Diyos ay hindi lamang para sa illan, kundi para sa sinumang nagsisisi at tumalikod sa masamang gawa, gaya ng mga taga-Nineve.

• Huwag Maging Mapanghusga: Mayutunan natin sa kwento ni Jonas ang aral na hindi dapat husgahan ang ibang tao o bansa. Ang bawat isa ay may pagkakataon sa pagpapatawad ng Diyos.

• Pagkakataon sa Pagbabago: Ang karanasan ni
Jonas sa loob ng malaking isda ay isang paalala na ang Diyos ay nagbibigay ng ikalawang pagkakataon
upang itama ang ating mga pagkakamali.

MEMORY VERSE
Jonas 2:2 Magandang Balita Biblia

"Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa inyo, at sinagot ninyo ako.
Mula sa daigdig ng mga patay
ako'y tumawag sa inyo, at dininig ninyo ako.

Come and Join us next week, every Saturday 9:30am Philippines time ❤️
Everyone is welcome and if you want to join direct message me po.




🫶

❤️❤️❤️
04/03/2026

❤️❤️❤️

“Nagsalita ang Panginoon kay Jonas na anak ni Amitai. Sinabi niya, “Pumunta ka sa malaking lungsod ng Nineve, at bigyan ...
03/28/2026

“Nagsalita ang Panginoon kay Jonas na anak ni Amitai. Sinabi niya, “Pumunta ka sa malaking lungsod ng Nineve, at bigyan mo ng babala ang mga tagaroon, dahil umabot na sa aking kaalaman ang kanilang kasamaan.” Ngunit tumakas agad si Jonas sa Panginoon at nagpasyang pumunta sa Tarsis. Pumunta siya sa Joppa at nakakita siya roon ng barkong maglalayag papuntang Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko kasama ng mga tripulante at ng iba pang mga pasahero upang tumakas sa Panginoon. Nang nasa laot na sila, nagpadala ang Panginoon ng napakalakas na hangin at halos mawasak na ang barko. Kaya natakot ang mga tripulante, at ang bawat isa sa kanila ay humingi ng tulong sa kani-kanilang diyos. Itinapon nila ang kanilang mga kargamento sa dagat para gumaan ang barko. Si Jonas naman ay nakababa na noon sa ilalim na bahagi ng barko, humiga siya at nakatulog nang mahimbing. Pinuntahan siya ng kapitan ng barko at sinabi sa kanya, “Nagagawa mo pang matulog sa ganitong kalagayan? Bumangon ka at humingi ng tulong sa iyong diyos! Baka sakaling maawa siya sa atin, at iligtas niya tayo sa kamatayan.” Nag-usap-usap ang mga tripulante, “Magpalabunutan na lang tayo upang malaman natin kung sino ang dahilan ng pagdating ng sakunang ito sa atin.” At nang magpalabunutan na sila, nabunot ang pangalan ni Jonas. Kaya kinausap nila siya, “Gusto naming malaman kung sino ang dahilan ng pagdating ng sakunang ito. Sabihin mo kung ano ang iyong hanapbuhay at kung saan ka nanggaling. Sabihin mo rin sa amin kung taga-saan ka at anong lahi mo.” Sumagot si Jonas, “Ako ay Hebreo at sumasamba sa Panginoon, ang Diyos sa langit na lumikha ng dagat at ng lupa.” Kaya lubhang natakot ang mga tripulante, dahil sinabi na sa kanila ni Jonas na tumatakas siya sa Panginoon. Sinabi nila sa kanya, “Ano itong ginawa mo!” At nang lalo pang lumakas ang hangin, sinabi ng mga tripulante kay Jonas, “Ano ang gagawin namin sa iyo para kumalma ang dagat at nang makaligtas kami sa kapahamakan?” Sumagot si Jonas sa kanila, “Buhatin ninyo ako at ihagis sa dagat, at kakalma ito. Sapagkat alam kong ako ang dahilan kung bakit dumating ang napalakas na hangin na ito.” Hindi nila sinunod si Jonas, sa halip, sinikap ng mga tripulante na sumagwán papunta sa dalampasigan, ngunit nahirapan sila dahil lalo pang lumakas ang hangin. Kaya tumawag sila sa Panginoon. Sinabi nila, “O Panginoon, nakikiusap po kami sa inyo, huwag nʼyo kaming hayaang mamatay dahil sa gagawin namin kay Jonas. Huwag po ninyo kaming singilin sa aming pagpatay sa kanya na hindi pa naman namin natitiyak kung siya nga ay nagkasala. Ngunit alam po naming ang mga nangyayaring ito ay ayon sa inyong kalooban.” Kaya binuhat nila si Jonas at inihagis sa nagngangalit na dagat, at kumalma nga ito. Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng malaking takot ang mga tao sa Panginoon. Kaya naghandog sila at nangakong ipagpapatuloy ang paglilingkod at paghahandog sa kanya. Samantala, nagpadala ang Panginoon ng isang malaking isda upang lunukin si Jonas. Tatlong araw at tatlong gabi siya sa loob ng tiyan nito.”
‭‭Jonas‬ ‭1‬:‭1‬-‭17‬ ‭ASD‬‬

🫶


Thank you Lord for the privilege to serve you🙌🥰Truly it was a blessed day, seeing this kids and youth dedicated their ti...
03/21/2026

Thank you Lord for the privilege to serve you🙌🥰

Truly it was a blessed day, seeing this kids and youth dedicated their time to our God learning, having the faith and continue the journey knowing that’s there a powerful God who love them and care for them. My heart is melting every Friday seeing them.

Maraming Salamat din po sa lahat ng mga sumusuporta lalo na nung December sa Christmas Party po ng mga bata
Kuya Joey and Sis Jing
Kuya Hector and sis Jen
Sis Chona
Ate Gladys
Mars Anlyne
Mars Andy
Sis Jally
Sis Laila
Nak Aliah
Hubby
Sobrang napasaya po ninyo mga bata.

Sa walang sawang pagbili ng aking lutong ulam maraming Salamat Sis Jane, tita Jasmin, B1, B2, and B3. Most of the profit are send for the Kids Ministry.

Ngayon March thank you sis Mikka and family for the Jolibee tuwang tuwa po sila.

Pagpalain po ang bawat isa🥰🙏

Si David at Goliath1 Samuel 17“Ngunit sinabi ni David kay Saul, “Matagal na po akong nagbabantay sa mga kawan ng aking a...
03/14/2026

Si David at Goliath
1 Samuel 17

“Ngunit sinabi ni David kay Saul, “Matagal na po akong nagbabantay sa mga kawan ng aking ama. Kung may leon o oso na tatangay sa mga tupa, tinutugis ko po ito at binubugbog, at kinukuha ang tupa. Kung lalaban ito hinuhuli ko ito sa leeg at hinahampas hanggang sa mamatay. Nagawa ko po ito sa mga leon at oso, at gagawin ko rin ito sa Filisteong iyon na hindi nakakakilala sa Diyos dahil hinahamon po niya ang mga sundalo ng buháy na Diyos. Ang Panginoon na nagligtas sa akin sa mga leon at oso ang siya ring magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong iyon.” Sinabi ni Saul kay David, “Sige, lumakad ka na. Patnubayan ka sana ng Diyos.””
‭‭1 Samuel‬ ‭17‬:‭34‬-‭37‬ ‭ASD‬‬

Ang kuwento ni David at Goliath ay kahanga-hanga sapagkat ang Diyos ay gumamit ng isang ordinaryong tao tulad ni David upang gumawa ng mga kamangha-manghang bagay. Sa napakagandang kuwentong ito, ay matutunan din natin kung paano ba maging matagumpay sa harap ng Higante ng ating buhay. Magtiwala at maniwala sa ating Panginoon, sapagkat siyay makapangyarihan.

🥰


Blessed Generation Trusting God is a Page that want to connect in every kids and youth all over the world to know and ha...
03/07/2026

Blessed Generation Trusting God is a Page that want to connect in every kids and youth all over the world to know and have a relationship with our great God.

We believe in God the Father, God the Son & God the Holy Spirit❤️

Blessed Generation Trusting GodPinagpalang kabataan na nagtitiwala sa ating Panginoon Diyos.
03/07/2026

Blessed Generation Trusting God
Pinagpalang kabataan na nagtitiwala sa ating Panginoon Diyos.

Address

Street
Williston, ND
58801

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Blessed Generation Trusting God posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share