Lumapit Kay Cristo Sa Bay Area

Lumapit Kay Cristo Sa Bay Area Ang pahinang ito ay binuo ng mga misyonero ng Simbahan ni Jesu Cristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

S’ya ay ipapakoPara sa akin at sa ’yo.Ang pinakamagandang regalo, si Hesukristo ay ibinigay sa atin ng ating mapagmahal ...
12/29/2025

S’ya ay ipapako
Para sa akin at sa ’yo.

Ang pinakamagandang regalo, si Hesukristo ay ibinigay sa atin ng ating mapagmahal na Ama, upang ihanda ang daan para sa atin. Upang makasama natin, upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan sa kalaunan. Tunay nga, isang tagapagligtas ang isinilang para sa lahat. Sambahin natin siya ngayong Pasko! Magmensahe sa amin upang matuto nang higit pa!

"Sino kaya itong SanggolNa kalong ni Maria?"ngayong pasko, ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng ating Mahal na Tagap...
12/28/2025

"Sino kaya itong Sanggol
Na kalong ni Maria?"

ngayong pasko, ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng ating Mahal na Tagapagligtas, si Hesukristo. Gaya ng Pastol, nagagalak tayo sa kanyang pagsilang at sinasamba natin siya. Samahan kami sa pagsamba kay Hesukristo ngayong pasko! message us para matuto pa.

"At Siya ay paparito sa daigdig"Alam mo ba na may mga propeta sa sinaunang amerika noong mga 600bc na nagpatotoo sa Pagp...
12/22/2025

"At Siya ay paparito sa daigdig"

Alam mo ba na may mga propeta sa sinaunang amerika noong mga 600bc na nagpatotoo sa Pagparito ni Cristo? Ang aklat ni Mormon ay naglalaman din ng mabuting balita na si Jesucristo ay ipanganganak! tunay, siya ang sentro ng Paskong ito, at dapat malaman ng buong mundo ang kanyang pagdating.

matuto sa amin ng higit pa tungkol sa kung paano matutulungan tayo ng Aklat ni Mormon na maisentro ang ating buhay kay Jesucristo!

08/15/2025

Ang plano ng Kaligtasan: Kadakilaan

Ang kadakilaan, o buhay na walang hanggan, ay ang pinakamataas na antas ng kaligayahan at kaluwalhatian sa kahariang selestiyal. Ang kadakilaan ay isang kaloob na may kondisyon. Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “Ang mga kondisyong iyon na magpapamarapat sa atin ay kinabibilangan ng pananampalataya sa Panginoon, pagsisisi, binyag, pagtanggap ng Espiritu Santo, at pananatiling tapat sa mga ordenansa at tipan ng templo”

Ang ibig sabihin ng kadakilaan ay ang mamuhay kasama ng Diyos nang walang hanggan sa walang-hanggang mga pamilya. Ito ay ang pagkakilala sa Diyos at kay Jesucristo, pagiging tulad Nila, at pagkakaroon ng buhay na tulad ng sa Kanila.

Nais mo bang mas malaman ang mga bagay patungkol sa plano ng ating Ama sa Langit para sa atin? Mag message sa amin o mag iwan ng comment!

Mortalidad"Mga kapatid, epektibo ang mortalidad! Dinisenyo ito para maging epektibo! Sa kabila ng mga hamon, sama-ng-loo...
08/13/2025

Mortalidad

"Mga kapatid, epektibo ang mortalidad! Dinisenyo ito para maging epektibo! Sa kabila ng mga hamon, sama-ng-loob, at hirap na dinaranas nating lahat, dinisenyo ng ating mapagmahal, matalino, at perpektong Ama sa Langit ang plano ng kaligayahan kaya hindi tayo nakatadhanang mabigo. Ang Kanyang plano ay naglalaan ng paraan para madaig natin ang ating mga kabiguan sa buhay. Sabi ng Panginoon, “Ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao.”

Mas matuto pa sa pamamagitan ng pag comment o pag message saamin!

Buhay Bago Isilang: Layunin at Plano ng Diyos para sa AtinSa ating buhay bago tayo isinilang, pinili nating sundin ang p...
08/12/2025

Buhay Bago Isilang: Layunin at Plano ng Diyos para sa Atin

Sa ating buhay bago tayo isinilang, pinili nating sundin ang plano ng Diyos. Ibig sabihin nito ay paparito tayo sa mundo upang magawa natin ang susunod na hakbang sa ating walang-hanggang pag-unlad. Si Jesucristo ay sentro sa plano ng Diyos. Ginawa niyang posible para sa atin na magkaroon ng kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan.

"Ang papel natin sa banal na planong ito ay magtiwala sa Diyos at hangarin at gamitin ang mga banal na tulong na ito, lalung-lalo na ang Pagbabayad-sala ng Kanyang Pinakamamahal na Anak, ang ating Tagapagligtas at Manunubos na si Jesucristo. Dalangin ko na nawa’y ituro at ipamuhay natin ang mga alituntuning ito, sa pangalan ni Jesucristo, amen"
-Pangulong Dallin H. Oaks

Matuto pa sa pamamagitan ng pag message o pag comment saamin!

08/09/2025

Buhay na Propeta

Tulad ng mga propeta na tinatawag ng diyos noong unang panahon upang gabayan ang kanyang mga anak dito sa mundo, tumatawag muli ang diyos sa ating panahon ng mga propeta upang tayo ay maka kuha ng direksyon mula sa kanya at magkaroon ng kasiyahan.

"Alam ko na ang mga propeta ng diyos ay naka tulong para saakin sa espiritual na pag-unlad. Tinulungan nila ako mas maramdaman ang ispiritu sa mundong puno ng pag hihirap, tukso, at mga kaingayan"

Mas matuto pa sa pamamagitan ng pag iwan ng comment o sa pag message sa amin!

Ang Panunumbalik ng Simbahan ni Jesucristo“Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw … ang ipinanumbali...
08/07/2025

Ang Panunumbalik ng Simbahan ni Jesucristo

“Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw … ang ipinanumbalik na Simbahan ni Cristo na nakatala sa Bagong Tipan. Nakasalig ang Simbahang ito sa sakdal na buhay ng pangunahing batong-panulok nito, si Jesucristo, at sa Kanyang walang-katapusang Pagbabayad-sala at literal na Pagkabuhay na Muli. Muling tumawag ng mga Apostol si Jesucristo at pinagkalooban sila ng awtoridad ng priesthood. Inaanyayahan Niya tayong lahat na lumapit sa Kanya at sa Kanyang Simbahan, upang matanggap ang Espiritu Santo, ang mga ordenansa ng kaligtasan, at makamit ang walang-maliw na kagalakan.

Mas matuto pa sa pamamagitan ng pag send ng message saamin!

Ang Aklat ni MormonAng aklat ni Mormon ay isa pang tipan ni Jesucristo! Ito ay tumutulong para saatin na mas mapalapit s...
08/06/2025

Ang Aklat ni Mormon

Ang aklat ni Mormon ay isa pang tipan ni Jesucristo! Ito ay tumutulong para saatin na mas mapalapit sa ating tagapagligtas. Ito din ay nag lalaman ng mga bagay na lubos na makaka tulong sa ating buhay

"Itinuturo [ng Aklat ni Mormon] ang layunin ng buhay at ipinaliliwanag ang doktrina ni Cristo, na siyang sentro ng layuning iyon. Bilang katuwang na banal na kasulatan ng Biblia, nagpapatotoo ang Aklat ni Mormon na lahat ng tao ay anak ng isang mapagmahal na Ama sa Langit, na Siya ay may banal na plano para sa ating buhay, at ang Kanyang Anak na si Jesucristo ay nangungusap ngayon na katulad noong sinaunang panahon.”
-Elder David A. Bednar

07/23/2025

Ano ang layunin ng Buhay?

Alma 34: 32
"Sapagkat dinggin, ang buhay na ito ang panahon para sa mga tao na maghanda sa pagharap sa Diyos; oo, dinggin, ang araw ng buhay na ito ang araw para sa mga tao na gampanan ang kanilang mga gawain."

Gusto mo bang mas malaman kung ano ang layunin ng ating buhay? I message mo kami!

Sino ang makaka tulong sa akin sa mga araw ng pag subok?"Ang Pagbabayad-sala ni JesuCristo ay nagkakaloob ng dakilang pa...
07/22/2025

Sino ang makaka tulong sa akin sa mga araw ng pag subok?

"Ang Pagbabayad-sala ni JesuCristo ay nagkakaloob ng dakilang pag sagip mula sa mga pagsubok na kinakaharap natin sa buhay na Ito
-Quentin L. Cook

Nais mo bang mas malaman patungkol sa pag babayad sala ni JesuCristo? Mag message sa amin!

Kailan ba mag kakaroon ng kaginhawaan?"Si Jesucristo ay buhay. Sa huli ang lahat ay gagaling, pisikal at emosyonal, sa K...
07/07/2025

Kailan ba mag kakaroon ng kaginhawaan?

"Si Jesucristo ay buhay. Sa huli ang lahat ay gagaling, pisikal at emosyonal, sa Kanya. At sa paghihintay para sa pagpapagaling na iyon, ang pananampalataya sa Dalubhasang Manggagamot ay gagawin tayong buo."

-Camille N. Johnson

Kami ay nais tumulong sa iyong pag hahanap ng kaginhawaan! Kami ay inyong i-message at Kami ay tutulong!

Address

San Jose, CA

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lumapit Kay Cristo Sa Bay Area posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Lumapit Kay Cristo Sa Bay Area:

Featured

Share