04/14/2022
Anong Uri ng Panalangin Interesado ang Diyos?
Sabi ng Diyos, βAng panalangin ay hindi lamang basta makatapos ka, o masunod ang pamamaraan, o mabigkas ang mga salita ng Diyos. Ibig sabihin, ang pagdarasal ay hindi pag-uulit ng ilang salita at paggaya sa iba. Sa panalangin, kailangang marating ng isang tao ang kalagayan kung saan maibibigay niya ang kanyang puso sa Diyos, na binubuksan ang puso niya para maantig ito ng Diyos.β
ππ https://m.me/ourdailydevotionals?ref=fxgszy--fxzzt_xz753num=3433395-zy
βAng pinakamaliit na hinihiling ng Diyos sa tao ay na magawa niyang buksan ang kanyang puso sa Kanya. Kung ibibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos at sasabihin sa Diyos ang tunay na nilalaman ng puso niya, handa ang Diyos na gumawa sa kanya. Ang gusto ng Diyos ay hindi ang baluktot na puso ng tao, kundi ang isang dalisay at tapat na puso. Kung hindi magsasalita ang tao sa Diyos mula sa kanyang puso, hindi aantigin ng Diyos ang kanyang puso o gagawa sa kanya. Kaya naman, ang pinakabuod ng panalangin ay ang kausapin ang Diyos mula sa iyong puso, na sinasabi sa Kanya ang iyong mga pagkukulang o ang tungkol sa iyong mapanghimagsik na disposisyon, ganap na ihinahayag ang iyong sarili sa Kanyang harapan; saka lamang magiging interesado ang Diyos sa iyong mga dalangin, kung hindi, itatago Niya ang Kanyang mukha mula sa iyo.β
β¨πβ¨ β¦β¦β¦β¦ β¨πβ¨
Aking kaibigan, sa pamamagitan ng pagbabasa nitong 2 sipi ng mga salita ng Diyos, naiintindihan mo na ba ngayon kung anong uri ng panalangin interesado ang Diyos? Maaari mo bang ibahagi ang iyong naunawaan sa komento? Kung nais mong maunawaan ang higit pang mga katotohanan tungkol dito, mangyaring πi-click ang link ang blue link at pagkatapos ay ang ""Magsimula"" na button upang sumali sa online fellowship nang libre."