06/08/2026
| General Santos City Earthquake
Dakilang Diyos Ama, kinikilala po namin na Ikaw ang Diyos na may likha ng langit at lupa. Inilalapit po namin sa Iyong harapan ang mga lugar at mga tao na labis na apektado ng lindol. Kahabagan Mo po kami, ang aming bansa, ang lugar ng Mindanao. Humihingi po kami ng saklolo, awa, kapatawaran at pagsama. Sa kabila ng takot at pangamba, iparamdam Mo po sakanila ang Iyong mayamang presensya. Loobin Mo nawa, Panginoon, na patigilin na ang paglindol at tuluyan ng kumalma ang lupa. Pangunahan Mo rin po ang mga rescuers, manaig ang pagtutulungan at malasakit sa kapwa. Salamat po Ama, Ikaw ay mabuti at tapat. Ito po ang aming pagsamo at panalangin, sa makapangyarihang pangalan ni Hesus. Amen!