04/19/2023
Ang Panawagang Magsisi
"Magmula noon ay nangaral na si Jesus, 'Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos.'" Matthew 4:17
Pansinin natin ang unang aral na ipinahayag ng ating Panginoon sa mga tao. "Pagsisihan ninyo.." Ang pangangailangan ng pagsisisi ay isa sa mga dakilang pundasyong bato ng Cristianismo, isang katotohanang napaka-importante.
Ang lahat ay nagkasala, ang lahat ay guilty sa harapan ng Diyos; at ang lahat ay kailangang magsisi at magbagong-buhay kung nagnanais na maligtas. Ito ang katotohanang ayaw nating bigyan ng sapat na pag-iisip at oras.
Ang totoong pagsisisi ay isang malaking pagbabago, isang pagbabagong ipinakikita ang malaking pagkalungkot sa mga kasalanan, sa isang taos-puso, tapat at totoong pag-amin ng ating mga kasalanan, sa isang kumpletong pakikipaghiwalay sa mga [paboritong] kasalanang nakagawian, at pangmatagalang pagkamuhi sa lahat ng kasalanan. Ang ganung pagsisisi ay hindi maihihiwalay sa isang nagliligtas na pananampalataya kay Cristo.
Walang pangangaral o preaching na masasabing isang Cristianong pangangaral kung hindi ito paulit-ulit na nagsasabi "na dapat nilang talikdan ang kanilang kasalanan at manumbalik sa Diyos, at manalig sa ating Panginoong Jesu-Cristo" (Acts 20:21).