02/06/2026
Ang Ultimate Investment
Devotion: In today’s world, laganap ang hustle culture. Todo-kayod tayo para ma-achieve ang financial goals natin, makabili ng latest gadgets, o makapag-ipon ng malaking savings. Hindi naman masamang magsikap, pero tinatanong tayo ng Proverbs ngayon: Ano ba talaga ang pinakamagandang investment natin sa buhay?
Ayon sa Bible, hindi raw crypto, ginto, o silver ang magbibigay sa atin ng totoong happiness. Ang pinaka-profitable na investment ay ang wisdom at understanding na galing kay Lord. Bakit? Kasi ang pera at kayamanan, pwedeng mawala sa isang kurap lang. Pwedeng magbago ang ekonomiya, o kaya naman ay maubos ang resources natin dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Pero ang karunungan ng Diyos? It brings a kind of joy and peace na hindi kayang bilhin ng pera. Kapag may wisdom ka, alam mo kung paano gumawa ng tamang desisyon sa pamilya, sa career, at sa mga relasyon mo. It guides you when life gets messy.
Kaya huwag lang nating ubusin ang lakas natin sa paghabol sa mga bagay na panandalian. Set your priorities right. Seek God’s heart, read His Word, and ask for His guidance everyday. Iyan ang investment na walang lugi at may eternal reward.
Reflection: Saan mo mas ginugugol ang oras at lakas mo ngayon, sa pag-iipon ng materyal na bagay, o sa paglago ng iyong relasyon at karunungan kay Lord?
Blessed Morning! ☀️