07/07/2026
Mga Palatandaan na Lumalamig ka na
1. PRAYER MEETINGS BECOME EMPTY. WHY?
Kapag ang prayer meeting na ang pinaka-kaunting dumadalo, may problema na.
Hindi problema ang schedule.
Hindi problema ang format.
Ang problema, marami na ang nawalan ng gutom sa presensya ng Diyos.
Dati, umiiyak sa altar.
Ngayon, inaantok sa panalangin.
Dati, excited makipag-usap sa Diyos.
Ngayon, mas excited sa notification kaysa sa intercession.
Ang prayer meeting ay hindi “optional.”
Ito ang lifeline ng simbahan.
Kung gusto natin ng revival pero ayaw nating lumuhod, gusto lang natin ng excitement—hindi ng Diyos.
“Dapat laging manalangin at huwag manghina.” — Lucas 18:1
🔥 No Prayer = No Fire.
🔥 Prayer fuels revival.
🔥 A prayerless church is a powerless church.
Huwag nating ipanalangin ang revival kung hindi naman tayo handang dumalo sa prayer meeting.
Revival doesn’t begin on the platform.
It begins on our knees.
--------
2. WORSHIP BECOMES ENTERTAINMENT.
Kapag ang worship ay naging performance na lang, unti-unti nang nawawala ang apoy.
Malakas ang boses…
pero malayo ang puso.
Nakataas ang kamay…
pero ang isip nasa trabaho, negosyo, transport fare, o kung anong lulutuin mamaya.
Hindi hinahanap ng Diyos ang pinakamagandang boses.
Hinahanap Niya ang pusong tunay na sumasamba.
“Ang bayang ito ay pinararangalan Ako ng kanilang mga labi, ngunit malayo sa Akin ang kanilang puso.” — Mateo 15:8
Hindi concert ang Sunday service.
Hindi audience ang congregation.
At hindi performer ang worship team.
Ang tunay na pagsamba ay hindi sinusukat sa lakas ng kanta, kundi sa lalim ng pagsuko.
Kapag mas concern tayo sa tunog kaysa sa presensya ng Diyos, entertainment na ang worship.
🔥 Where there is true worship, there is holy fire.
🔥 Where worship becomes performance, the fire begins to fade.
God is not looking for spectators.
He’s looking for worshipers.
------------
3. LATE KAY LORD, PERO HINDI LATE SA IBA.
May mga pagkakataong valid ang pagiging late—trabaho, emergency, o hindi inaasahang pangyayari.
Pero kung palagi tayong late sa bahay ng Diyos nang walang pakialam, baka hindi oras ang problema. Baka priority.
Maaga sa flight.
Maaga sa interview.
Maaga sa kasal.
Maaga sa concert.
Pero pagdating sa pagsamba…
“Okay lang, aabot naman sa preaching.”
Hindi lang attendance ang pinag-uusapan.
Puso ang pinag-uusapan.
“Ako’y nagalak nang kanilang sabihin sa akin, ‘Tayo’y pumunta sa bahay ni Yahweh.’” — Awit 122:1
Kapag excited kang makatagpo ang Diyos, iba ang preparation mo.
🔥 Fire creates eagerness.
🔥 Honor is seen in how we prepare, not just in how we participate.
Hindi dahil kailangan ng Diyos ang oras mo.
Kundi dahil ang puso na sabik sa Kanya ay kusang naghahanda para sa Kanyang presensya.
---------
4. SOUL WINNING DISAPPEARS.
Kapag wala nang nag-uusap tungkol sa mga kaluluwang maliligtas, unti-unti nang lumalamig ang simbahan.
Ang evangelism ay hindi lang trabaho ng pastor.
Hindi lang ministry ng outreach team.
Hindi lang assignment ng youth leaders.
Mission ito ng bawat believer.
Ang huling utos ni Jesus ay hindi, “Mag-build kayo ng magandang church.”
Ang sabi Niya, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo ang Mabuting Balita.” — Marcos 16:15
Kapag mas marami tayong alam na church events kaysa pangalan ng mga taong ipinapanalangin nating makakilala kay Cristo, may dapat tayong suriin.
Ang simbahan na tumitigil sa pag-abot sa mga nawawala ay nagsisimulang matuyo.
🔥 No souls. No burden. No fire.
🔥 A church that stops reaching out eventually starts drying up.
Hindi tayo tinawag para maging komportable.
Tinawag tayo para maging mga saksi ni Cristo.
Hindi pa tapos ang misyon hangga’t may isang taong hindi pa nakakakilala kay Jesus.
---------------
5. WORLDLINESS BECOMES NORMAL.
Nakakatakot kapag ang dating nagpapaluha sa atin sa altar, ngayon ay hindi na tayo tinatablan.
Ang dating tinatawag na compromise…
ngayon, “normal” na lang.
Ang dating kinokorek ng Salita ng Diyos…
ngayon, “wala namang masama.”
Hindi laging nagsisimula ang paglayo sa Diyos sa malaking kasalanan.
Madalas, nagsisimula ito sa maliliit na kompromiso na paulit-ulit nating pinapayagan.
“Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito, kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip.” — Roma 12:2
Kapag tumataas ang compromise, bumababa ang conviction.
Kapag mas mahalaga na ang approval ng mundo kaysa sa pagsunod kay Cristo, unti-unti nang namamatay ang apoy.
🔥 Worldliness doesn’t usually kill your fire overnight.
🔥 It kills it quietly—one compromise at a time.
Ang tanong ay hindi, “Hanggang saan ako puwedeng lumapit sa mundo?”
Ang tamang tanong ay, “Mas nakikita ba sa buhay ko si Cristo, o ang sistema ng mundong ito?”
Hindi tayo tinawag para makiayon sa kultura.
Tinawag tayong maging ilaw sa gitna ng kadiliman.
------------
6.THE WORD NO LONGER MOVES THEM.
Nakakatakot kapag ang Salita ng Diyos ay hindi na kayang gumising ng puso.
Ang mensaheng dati ay nagpapaluha…
ngayon, background noise na lang.
Habang may nangangaral…
may nagsi-scroll.
Habang ang Diyos nagsasalita…
abala ang isip sa ibang bagay.
Walang conviction.
Walang repentance.
Walang response.
Hindi dahil mahina ang Salita ng Diyos.
Kundi dahil maaaring naging matigas ang puso.
“Ang Aking Salita ba ay hindi parang apoy, at parang martilyong dumudurog sa bato?” — Jeremias 23:29
Ang Salita ng Diyos ay may kapangyarihang magligtas, magbago, at magpanumbalik.
Kung hindi na tayo tinatamaan ng katotohanan, ang problema ay hindi ang Bible.
🔥 The Word is still fire.
🔥 The question is: Is our heart still teachable?
Kapag tumigil ang Salita ng Diyos na magsunog ng kasalanan sa puso natin, panahon na para lumuhod, magsisi, at hilingin sa Diyos na palambutin muli ang ating puso.
A burning Word still changes willing hearts.
-----------
7. OFFENSE SPREADS FASTER THAN THE GOSPEL.
Nakakalungkot kapag ang maliit na correction ay nagiging malaking drama.
Isang paalala…
Layas na sa ministry.
Isang misunderstanding…
Parang World War III.
Isang rebuke…
Ayaw na magsimba.
Hindi lahat ng correction ay rejection.
Minsan, pagmamahal ito ng Diyos para hubugin ang karakter natin.
“Ang mga umiibig sa iyong kautusan ay may malaking kapayapaan, at walang anumang makapagpapabuwal sa kanila.” — Awit 119:165
Kapag madaling masaktan ang puso, mahirap lumago ang espiritu.
🔥 A cold heart is often quick to take offense.
🔥 A mature heart is willing to be corrected.
Hindi ibig sabihin na walang sakit ang correction.
Pero ang taong tunay na umiibig kay Cristo ay mas pinipiling magbago kaysa manatiling tama sa sarili niyang paningin.
Huwag hayaang mas malaki ang offense kaysa sa pagmamahal mo kay Jesus at sa Kanyang Iglesia.
-------------
8. SOCIAL MEDIA DOMINATES.
3 hours sa Reels.
3 minutes kay Lord.
Hindi problema ang cellphone.
Ang tanong ay: Sino ang may hawak ng atensyon mo?
Alam ang trending songs.
Kabisa ang latest memes.
Updated sa lahat ng viral issues.
Pero pagdating sa Salita ng Diyos…
hirap makaalala ng isang Bible verse.
Hindi lahat ng scroll ay kasalanan.
Pero kapag mas kilala na natin ang algorithm kaysa sa tinig ng Diyos, may dapat tayong suriin.
“Ituon ninyo ang inyong isip sa mga bagay na nasa itaas, hindi sa mga bagay na nasa lupa.” — Colosas 3:2
Ang atensyon mo ang nagsasabi kung ano ang mahalaga sa’yo.
🔥 Attention reveals affection.
🔥 What captures your mind eventually shapes your heart.
Kung may oras para mag-scroll nang ilang oras, may oras din para manalangin, magbasa ng Biblia, at makinig sa Diyos.
Hindi kailangan ng Diyos ang natitirang oras mo.
Karapat-dapat Siyang maging priority mo.
-----------
9. SIN NO LONGER PRODUCES BROKENNESS.
Ito ang isa sa pinakamapanganib na senyales ng lumalamig na puso.
Hindi dahil nagkasala ka.
Kundi dahil hindi ka na nababagabag.
Paulit-ulit ang kasalanan.
Paulit-ulit ang compromise.
Pero wala nang pagsisisi.
Wala nang pagluha.
Wala nang pagtalikod.
Kapag kaya na nating mamuhay sa kasalanan nang komportable, hindi ang kasalanan ang nagbago—ang puso natin ang unti-unting tumigas.
“Ang kalungkutang ayon sa kalooban ng Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi na umaakay sa kaligtasan.” — 2 Corinto 7:10
Hindi hinahanap ng Diyos ang perpektong tao.
Hinahanap Niya ang pusong marunong magsisi.
🔥 A burning heart cannot comfortably live in sin.
🔥 Where the Holy Spirit is at work, conviction leads to repentance, and repentance leads to restoration.
Kung hindi ka na tinatamaan ng kasalanan, huwag mo nang patigasin pa ang puso mo.
Lumapit ka kay Jesus.
May biyaya para sa nagsisisi.
May kapatawaran para sa lumalapit.
At may panunumbalik para sa pusong handang magbago.
-------------
10. SERVICE BECOMES COMPLAINING.
Nakakatakot kapag ang pribilehiyo ng paglilingkod ay nagiging pabigat sa puso.
“Bakit ako na naman?”
“Hindi man lang ako binati ni Pastor.”
“Bakit kami na naman ang assigned?”
“Wala namang nakaka-appreciate.”
Unti-unting nawawala ang kagalakan.
Napapalitan ng reklamo.
Oo, may pagod.
May pagkakataong kailangan ding pag-usapan ang mga totoong concern.
Pero kapag reklamo na ang default response sa bawat assignment, baka hindi na ministry ang problema—baka puso na.
“Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang reklamo at pagtatalo.” — Filipos 2:14
Hindi tayo naglilingkod para mapansin.
Naglilingkod tayo dahil si Cristo ang unang naglingkod sa atin.
🔥 Fire serves.
🔥 Coldness complains.
Ang apoy ay hindi naghahanap ng palakpak.
Naghahanap ito ng pagkakataong maglingkod.
Kung ang dahilan mo sa paglilingkod ay recognition, madali kang mapapagod.
Pero kung ang dahilan mo ay pag-ibig kay Jesus, kahit walang nakakakita, maglilingkod ka pa rin nang may kagalakan.
Serve people. Honor God. Leave the applause to heaven.
Hindi pa huli ang lahat, ang Diyos pa rin ang nagbibigay ng bawat desire na muling mauhaw at magutom sa Diyos!
Pwedeng pwede ka pa ulit mag apoy sa paglilingkod sa Diyos.
— Ps.Kim 🔥