Tuklasin Ang Islam

Tuklasin Ang Islam Ang account na ito ay magbabahagi ng mga aral tungkol sa Islam.

MashaAllah ❤️𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐎𝐫𝐭𝐡𝐨𝐝𝐨𝐱 𝐏𝐫𝐢𝐞𝐬𝐭 𝐭𝐨 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐦: 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐌𝐢𝐤𝐡𝐚𝐢𝐥 Mikhail Kiselev was a Russian Orthodox priest and unive...
22/02/2026

MashaAllah ❤️
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐎𝐫𝐭𝐡𝐨𝐝𝐨𝐱 𝐏𝐫𝐢𝐞𝐬𝐭 𝐭𝐨 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐦: 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐌𝐢𝐤𝐡𝐚𝐢𝐥

Mikhail Kiselev was a Russian Orthodox priest and university professor whose life was marked by deep faith and sincere searching. He served 13 years in the military, then spent 9 years as a deacon and priest, and later lived as a monk and academic.
For many years, Mikhail searched honestly for the truth. His greatest inner struggle was understanding the doctrine of the Trinity. Despite extensive study and long hours of prayer, he never found peace or conviction in his heart.

The turning point came in 2006, when he read Why I Became a Muslim by Ali Vyacheslav Polosin, a former high-ranking Christian cleric in Russia. Later, Polosin’s book Overcoming Paganism further clarified Mikhail’s doubts and strengthened his certainty.

Over time, Mikhail realized that monastic life was far from the spiritual purity he had imagined, with many practices rooted in tradition rather than divine revelation. Eventually, he embraced Islam at a mosque in Nizhny Novgorod, choosing Islam purely out of conviction and a desire to worship Allah upon pure monotheism.

He repeatedly clarified that his acceptance of Islam was not for marriage, status, or worldly benefit, but only for truth. Even after his conversion, he continued to pray for his former colleagues in the clergy, feeling sorrow for those who sensed the truth but lacked the courage to follow it.

Mikhail Kiselev passed away a few years ago.

May Allah forgive him, have mercy on him, and grant him Jannah. 🤲

Follow 🔔 | Share 🔄 | Like 👍🏼

📍Nagbabala ang mga siyentipiko na ang baboy ay maaaring may dalang mga parasite na minsan ay hindi namamatay kahit lutui...
11/02/2026

📍Nagbabala ang mga siyentipiko na ang baboy ay maaaring may dalang mga parasite na minsan ay hindi namamatay kahit lutuin. May ilang uri pa na kayang mangitlog ng hanggang 1,500 itlog bawat araw sa loob ng katawan ng tao.

🔹 Tapeworm (Taenia solium): Isang bulate na galing sa baboy pwedeng pumasok sa katawan ng tao na tumitira sa bituka at sumisipsip ng sustansya
Pwedeng magdulot ng panghihina, sakit ng tiyan, at iba pang komplikasyon.

🔹 Roundworm (Trichinella): Maliit na parasite na galing din sa baboy pwedeng magdulot ng lagnat, pananakit ng kalamnan, at pamamaga.

Follow 🔔 | Share 🔄 | Like 👍🏼

SINO SI JESUS SA ISLAMTanging ang Islam lamang ang nagbibigay ng tunay na pagkakakilanlan ni propeta Jesus sa kung ano b...
07/02/2026

SINO SI JESUS SA ISLAM

Tanging ang Islam lamang ang nagbibigay ng tunay na pagkakakilanlan ni propeta Jesus sa kung ano ba talaga ang tunay niyang katayuan at katauhan, sapagkat kung tatanungin natin ang mga non-muslims like Christians sasabihin nila; si Jesus ay tao lamang, ang iba naman ay sasagot na si Jesus ay anak ng Diyos, ang iba naman ay sasagot na si Jesus ay ang Diyos, na kung tutuusin ay iisa lamang naman sana ang source nila; ang bible. Ngunit sa kabila nito ay sila-sila din ang nagsasalungatan hinggil sa tunay na katauhan at katayuan ni propeta Jesus sumakanya nawa ang kapayapaan.

Ngunit sa Islam ito ay binigyang linaw, si Jesus ay isa lamang sa mga dakilang propeta ng Allah [Diyos] na ipinadala sa nasyon ng Israel upang igabay sila at ituro sa kanila ang tamang pagsamba at hindi upang ipangaral sa kanila na siya ay Panginoon. Naniniwala ang mga Muslim na siya ay ipinanganak na walang tatay at na siya ay nakagawa ng mga milagro sa kapahintulutan ng Allah na siyang nagpadala sa kanya. Ilan sa mga milagrong ito ay ang pagpapagaling niya sa mga may sakit, at nakapagpabuhay ng patay,atbp. Himala na nagawa niya, ngunit hindi yaon sa ganang mula sa kanya bagkus mula yaon sa kapahintulutan ng Diyo [Allah]. Kaya ang mga msulim ay naniniwala kay Jesus bilang isang dakilang propeta ng Diyos [Allah], minamahal, iginagalang at sinusunod siya ng mga Muslim sumakanya nawa ang kapayapaan.

At sa islam po, malinaw na ipinakilala ng Allah ang katayuan ni Jesus, sinabi ng Allah sa banal na Quran:

“O Angkan ng Kasulatan [Kristiyano at mga Hudyo], huwag kayong gumawa ng kalabisan sa inyong relihiyon o magsabi ng anumang tungkol sa Allah maliban ang katotohanan. Ang Mesiyas [na si Hesus], anak ni Maria, ay isang Sugo ng Allah.”[Quran 4:171]

Maging sa bible ay inamin ni Jesus na ipinadala lamang siya at isinugo:

mateo 15:24
He answered, “I was sent ONLY to the lost sheep of Israel.”

John 7:16
Jesus answered, “My teaching is not my own. It comes from the one who sent me.”

John 7:16
“Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.”

[John 17:3]
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”

At maging sa bible po ay mababasa natin na mismo si Jesus ang mismong nagsabi na hindi siya makagagawa ng anuman sa kanyang sarili lamang.

John 5:30
“Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.”

🔔 | 🔄 | 👍🏼

ANG KA’BAH AT HAJAR ASWAD BA AY REBULTO NA SINASAMBA NG MGA MUSLIM? Isa sa kadalasang tanong ng hindi muslim ay ang pagh...
01/02/2026

ANG KA’BAH AT HAJAR ASWAD BA AY REBULTO NA SINASAMBA NG MGA MUSLIM?

Isa sa kadalasang tanong ng hindi muslim ay ang paghalik sa HAJAR ASWAD (batong itim o maitim na bato) at pagharap sa KA’BAH kapag ang mga MUSLIM at nagsasagawa ng SALÂH, ito daw ay rebulto na sinasamba ng mga muslim.

Ang sagot ay ang mga sumusunod:

• UNA: Ang pagharap sa KA’BAH sa tuwing magsasagawa ng SALÂH ay pagsunod lamang sa utos ng ALLÂH, at dito ay nagkakaisa ang lahat ng mga MUSLIM sa buong mundo, at ito ay hindi pagsamba sa KA’BAH.

• PANGALAWA: Noong buksan ni Propeta Muhammad ﷺ ang MAKKAH kasama ng kanyang mga Sahâbah, ang pinaka una niyang ipina-utos ay ang paggiba at pagtanggal ng lahat ng mga rebulto na nakalagay sa KA’BAH na sinasamba ng mga tao noon.

• PANGATLO: Ang mga MUSLIM dati ay matagal ng humaharap sa Quds (Masjid Aqsa sa Palestine) hanggang sa inutos ng ALLÂH na humarap sa KA’BAH (Makkah), nasaan ang pagsamba sa KA’BAH noong sa Quds pa sila humaharap?

• PANG-APAT: Sa panahon ni Propeta Muhammad ﷺ kapag ang mga Sahâbah ay nagtatawag ng ADHÂN ay umaakyat sa taas ng KA’BAH at dito nag tatawag ng ADHÂN, kung sinasamba ang KA’BAH papayagan ba ni Propeta Muhammad ﷺ at ng mga MUSLIM na ito ay apakan?

• PANGLIMA: Nabanggit ni Propeta Muhammad ﷺ na darating ang panahon na ang matitira nalang sa KA’BAH ay bato, ngunit walang nagsabi na sa panahong yun ay hindi na tatanggapin ang SALÂH dahil wala na ang KA’BAH.

• PANG-ANIM: Walang nabanggit sa QUR’AN at sa HADITH kundi sumamba lamang sa ALLÂH at huwag Siyang ipagtambal sa ibang mga diyos diyusan, at ang pagtatambal o pagsamba maliban sa ALLÂH ay pinaka malaking kasalanan sa ISLÂM.

Sabi ng Allâh: ‫﴾‬Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allâh ang (kasalanang) pagtatambal ng iba (sa pagsamba) sa Kanya. Nguni’t Kanyang pinatatawad ang ibang kasalanan bukod dito sa sinumang Kanyang nais.‫﴿‬ Surah An-Nisâa 4:48

• PANG-PITO: Patungkol naman sa paghalik ng HAJAR ASWAD (itim na bato), ito ay hindi obligado o kondisyon sa pagsasagawa ng UMRAH o HAJJ, kahit ang MUSLIM ay mayroong kakayahang mahalikan ito at hindi niya ginawa ay wala siyang kasalanan at tanggap ang kanyang UMRAH at HAJJ.

Ngunit ito lamang at bilang pagsunod sa ginawa ni Propeta Muhammad ﷺ, tulad ng sinabi ni Umar Ibnu Al Khattab (Radhiyallâhu Anhu): ❝Kung hindi ko lamang nakita si Propeta Muhammad ﷺ na ikaw ay kanyang hinalikan, ay hindi kita hahalikan, dahil alam kung wala kang maidudulot na kabutihan o kasamaan.❞

Wallâhu A'lam...

📚Sinulat ni Shiekh Amanodin R. Pendiaman (hafidhahullâh)

21/01/2026

Nagpadala ng mga Propeta ang Dakilang Lumikha para ituro ang Tunay na PAGSAMBA.

Salin sa Wikang Tagalog:Ang Papa ay nakahiga nang nakadapa at humihingi ng kapatawaran mula sa rebulto ni Hesus. Sa kany...
28/12/2025

Salin sa Wikang Tagalog:

Ang Papa ay nakahiga nang nakadapa at humihingi ng kapatawaran mula sa rebulto ni Hesus. Sa kanyang tabi ay ang mga pari na nakapula, humihingi ng kapatawaran mula sa Papa. Sa likuran nila ay ang mga diakono na nakasuot ng puti, humihingi ng kapatawaran mula sa mga pari. At sa huli ay ang mga monghe na nakaitim. Pagkatapos ay dumarating ang karaniwang Kristiyano, at siya ang nasa pinakailalim ng piramide ng simbahan.

Papa, pagkatapos ay pari, pagkatapos ay diakono, pagkatapos ay monghe — at ang bawat isa ay humihingi ng kapatawaran at pagpapala mula sa iba.

Sa aming relihiyon, ang relihiyon ng katotohanan, hindi mo kailangan ng tagapamagitan sa pagitan mo at ng Allah upang patawarin ang iyong mga kasalanan. Sapagkat ang Allah ay mas malapit sa iyo kaysa sa ugat ng iyong leeg.
Ang Islam ay relihiyon ng katotohanan at relihiyon ng dangal.

| Like | Follow |

23/12/2025

Siya si Bro Darwin Ames na dating PASTOR at ngayon ay nagbalik Islam na kilala na siya sa pangalang Ibrahim Alee, atin pong pakinggan ang kanyang testimonya!!!

30/11/2025

Sinabi ni Hesus: “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
Aba! Hindi pala talaga si Hesus ang Diyos!

Bakit hindi pinahihintulutan sa isang babae ang pag-aasawa ng higit sa isa ng magkasabay sa Islam?Nagkasundo ang lahat n...
18/09/2025

Bakit hindi pinahihintulutan sa isang babae ang pag-aasawa ng higit sa isa ng magkasabay sa Islam?

Nagkasundo ang lahat ng relihiyon sa buong mundo: Islam, Hudaismo at Kristiyanismo na hindi pinapayagan para sa isang babae ang pag-aasawa ng higit sa isa ng sabay sabay (na makipagtalik) sa sinumang lalaki liban sa kanyang asawa. Likas na nilikha ng Allâh ang kababaihan ng may kahinhinan, mayumi at marangal. Dahil alam ng Allâh kung anong pinakamahusay para sa sangkatauhan.

Tungkol sa legalidad ng poligamya para sa mga kalalakihan at pagbabawal nito sa mga kababaihan, may mga bagay na hindi maitago sa bawat taong may tamang pag-iisip. Ginawa ng Allâh ang babae na sisidlan, at ang lalaki ay hindi ganoon. Ang mga bata ay nawawalan ng dangal hindi alam ang kanilang tunay na ama at ang mga kababaihan ay maaaring mawalan ng hiya at dignidad, at ito ay hahantong sa pagkalipol ng sangkatauhan.

Bukod dito napag-alaman ng medikal - na ang mga seryoso at malubhang sakit na kumalat ngayon sa buong mundo tulad ng AIDS at iba pa ito ay sanhi ng nakikipagtalik ng babae sa higit sa isang lalaki, at ang paghahalo ng mga semilya sa sinapupunan ng isang babae ay sanhi ng mga nakamamatay na sakit. Kaya ito hindi pinahihintulutan sa Islâm upang pangalagaan ang dignidad o puri ng isang babae, kabataan at lipunan.


____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

Sa Islam kung ano lamang ang utos ng Tagapaglikha ay siya lamang isinasagawa ng mga Muslims.
10/08/2025

Sa Islam kung ano lamang ang utos ng Tagapaglikha ay siya lamang isinasagawa ng mga Muslims.

05/08/2025

Nauutal si Pastor sa tanong ni Ustadh Ahmad Barcelon. Si Hesus lang ba ang bugtong anak ng Diyos?

Ang Konseptong “Diyos Ama”Ang katawagang “Diyos Ama” ay hindi ginagamit ng mga Muslim pantawag sa Diyos (na Makapangyari...
30/07/2025

Ang Konseptong “Diyos Ama”

Ang katawagang “Diyos Ama” ay hindi ginagamit ng mga Muslim pantawag sa Diyos (na Makapangyarihan sa lahat) sapagkat ang “ama” ay nagpapahiwatig ng isang katangian ng tao. Ang Allâh (The Almighty God) ay hindi nagkaanak o nanganganak at hindi rin naman Siya ipinanganak ng ninuman sapagkat ang ganitong kalakaran ay angkop lamang sa tao o hayop. Tunay na napakaganda ng Konsepto ng Islam tungkol sa Diyos.

Maliwanag nitong binigyang pagkakaiba at pagitan ang anumang katawagang nararapat sa Diyos na hindi maaaring matagpuan sa katawagan umuugnay naman sa isang nilikha lamang. Ang paggamit o pagtawag ni Hesus bilang Ama sa Diyos ay isang metaporikal na pagtawag lamang at hindi literal na pagtawag na karaniwang ginagamit ng tao. Karaniwang ginagamit ang metaporikal na (ama) sa makalumang panahon.

Ang “ama” sa metaporikal na kahulugan ay maaaring Tagapagsimula (founder). Maging sa ating bansa, metaporikal din ang ginagamit sa pagbibigay tag-uri o pagkilala sa mga dakilang tao, halimbawa – ang Pangulong Manuel L. Quezon ay siyang tagapagsimula (founder) o tagapagtatag ng Wikang Pilipino kaya naman siya ay tinaguriang “Ama ng Wika”.

Kaya nga, ang Islam ay ganap na umiiwas sa anupamang masalimuot na kataga na maaaring magdulot ng pag-aalinlangan o maling kaisipan tungkol sa malinis at wagas ng pagkakilala sa Nag-iisang Tunay na Diyos. Siya ang Nag-iisang Tunay na Diyos, Nag-iisang walang katulad, Nag-iisang walang kapantay, Nag-iisang may Ganap na Kapangyarihan, Katarungan, Kagandahan, Karunungan, Kaalaman – na walang paghahambing sa sinuman. Batid Niya ang nasa kalaliman ng karagatan, ng kalupaan at ng kalangitan. Walang makaaarok o makakasukat sa Kanyang Kakayahan.

Ang Allâh ay nagwika: ﴾Sabihin mo (O Muhammad) Siya ang Allâh, ang Nag-iisa. (Allâhus Samad) Ang Allâh, ang Walang Hanggan, ang Sakdal at Ganap (ang may Sariling Kasapatan, ang lahat ng mga nilalang ay umaasa sa Kanyang pagtataguyod). Hindi Siya nagkaanak at hindi rin Siya ipinanganak. At walang anuman ang Kanya ay maihahalintulad.﴿ Qur’an 112:1-4

🔔 Follow | ♻️ Share | 👍 Like

Address

Sabya, Jizan, Saudi Arbia
Sabya
45931

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tuklasin Ang Islam posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share