24/03/2026
𝗦𝗛𝗜'𝗔𝗛 | Article #46
Q46: Ano ang paniniwala o paninindigan ng mga Ulama ng Shi'ah sa pinagsamang Abu Bakr at Omar (ra)?
Sa Article #44 ay tinalakay natin ang kanilang paniniwala tungkol kay Abu Bakr (ra), at sa Article #45 naman tungkol kay Omar (ra). At sa artikulong ito; pag-uusapan natin ang kanilang paninindigan kapagpinagsama ang dalawa.
Nagkasundo ang lahat ng Ulama ng Shi'ah na wajib o obligadong murahin si Abu Bakr at Omar at siraan sila ng puri, at tanggihan bilang mga Khalifah, at itinuring nila ang gawaing ito bilang isa sa mahahalaga nilang doktrina.
~ Basahin mo sa Kitab nila na: Al Aqãid ni Al Majlisie, P. 58.
Sinabi pa nila: Sinuman ang magmura sa kanilang dalawa tuwing sasapit ang gabi ay walang itatala na kasalanan nya hanggat hindi sumisikat ang araw.
~ Sa Kitab nila na: Dhiyã'us-Saliheen, P. 513.
Ibigsabihin; kung gusto mong gumawa ng kasalanan, ay murahin mo sila, at ikaw ay magiging malaya sa kahit anong karumaldumal na gawain.
At sinabi din nila: "Si Abu Bakr at Omar ay Kafir, at sinuman ang magpahalaga o magmahal sa kanilang dalawa ay Kafir din."
~ Sa Kitab nila na: Bihãrul Anwãr, 30/381.
At narito ang isa sa kanilang mga panalangin tuwing umaga at gabi: "Ya Allah, isumpa mo sila nang sumpa na kasisindalan ng mga tao sa Impiyerno."
Ang tinutukoy nila rito ay si: Abu Bakr at anak nito na si Aishah, at si Omar at ang anak nito na si Hafsah (ra).
~ Mababasa mo yan sa Kitab nila mismo na: Al Baladul Ameen, P. 646-647.
At narito ang mga bansag nila kay Abu Bakt at Omar at ang mga Kitab nila na kung saan ay mababasa:
Una: Dalawang Rebulto (Diyosdiyosan/Barahala) ng Quraysh.
~ Nafahât Al-Lãhout, P. 192.
~ Tafseerul 'Ayyãshie, 2/122.
Pangalawa: Fer'awn at Hãmãn.
~ Mukhtasar Basãirid-Darajat, P. 424.
Pangatlo: Si Lãt at 'Uzzã (Mga pangalan ng mga diyosdiyosan ng mga Mushrik noon sa Makkah).
~ Kamãlud-Deen wa Tamãmun-Ni'mah, 1/240.
Atbp, tinatawag din nilang Shaitan si Omar (ra).
At kabilang din sa kanilang paniniawala na lahat daw ng kasalanan na nagaganap sa mundo ay dahil sa kagagawan ni Abu Bakr at Omar (ra)!
~ Basahin mo halimbawa sa: Mukhtasar Basãirid-Darajat, P. 415-417.
At nagkasundo silang lahat na si Abu Bakr at Omar ay Kafir at Munafiq sa panahon ng Propeta ﷺ, at sa kabilang buhay hinding hindi sila makakalabas sa Impiyerno!
~ Basahin mo sa: Awã-ilul Maqãlãt, P. 41-42.
Ngayon; nasaan ang mga nagsasabing hindi lahat ng Shi'ah ay nagmumura sa mga Sahabah?! Oo may punto ka! Dahil ang Zaidiyyah ay hindi nagmumura, ngunet ang usapan dito ay ang Twelvers na taga Iran! Napakalinaw sa mga aklat nila ang mga pagmumura nila sa mga Sahabah lalo na kay Abu Bakr at Omar (ra)!
✍️ Dr. Muhd-ata Abdulkarim