19/11/2025
السلام عليكم ورحمة الله وبركاته
Alhamdulillah🌷🌹💝, with the permission of Allah, natapos natin ang unang batch ng ating Online Da’wah Training. Bagama’t hindi nakayanan ng majority ng mga students na tapusin ang buong training hanggang sa takdang panahon, nagpapasalamat pa rin kami sa inyong lahat sa inyong pagsubok, interest, at kahandaan na matuto para sa kapakanan ng inyong deen.
Taos-puso kong binabati ang mga nakapagpatuloy at matagumpay na umabot sa Level 2:
• Areefah Lao – matagumpay na nakasubmit sa reflection paper ng Level 1 at Level 2.
• Jomaimah Alandonie
• Sittierahana Bantuas
Mashaa Allah, congratulations sa inyo. Nawa’y maging inspirasyon kayo sa iba na ipagpatuloy ang pag-aaral nang tapat at may ikhlās.
Para naman sa iba nating mga students, jazakumullahu khairan sa inyong pagsubok at paglahok. Kahit hindi natin naabot ang target date o deadline ng self-paced learning, maaari pa rin ninyo itong ipagpatuloy kahit wala na ang aming active assistance. Ang ating layunin ay hindi competition, kundi pag-unlad ng kaalaman at paglapit kay Allah.
In shaa Allah, may balak pa rin kami na ibalik ang programang ito sa susunod na batch, kasabay ng iba pang programa ng Al Miftaah Organization Inc. Abangan lamang po ninyo ang susunod na anunsyo.
At para sa mga mapalad na umabot ng Level 2, magkakaroon tayo ng Recognition Day kasama ng iba pang students sa mga ḥalaqah ng Al Miftaah Organization Inc. Lahat po ay imbitado in shā’ Allāh.
اللهم بارك في علمهم وعملهم، وثبت نياتهم على الاخلاص لوجهك الكريم، واجعلهم من دعاة الحق بالحكمة والرفق والتواضع.
اللهم تقبل جهودنا واختم لنا بالخير، وافتح لنا ابواب العلم والطاعة، واجعل ما قمنا به خالصا لوجهك.
اللهم امين.
وصلى اللهم على نبينا محمد، وعلى آلِهِ وصحبه أجمعين.
السلام عليكم ورحمة الله وبركاته