Albaida Association for Da’wah & Guidance -Filipino Department

Albaida Association for Da’wah & Guidance -Filipino Department Official Page of Albaida Association for Da’wah & Guidance -Filipino Department.

When the pleasure of Allah Almighty is at the heart of our activities, we'll attain triumph,knowing sustenance and provisions will come to us by Allah’s grace.

💡Huwag mong gawing dahilan ang diploma o titulo upang maging mayabang, at huwag mong gamitin ang iyong pagbibiyahe at pa...
11/09/2026

💡Huwag mong gawing dahilan ang diploma o titulo upang maging mayabang, at huwag mong gamitin ang iyong pagbibiyahe at pakikipagkita sa mga dalubhasa (scholar) bilang paraan upang magmataas sa iyong mga kababayan. Tandaan na ang mga nauna sa iyo sa kaalaman ay maaaring mas mababa ang diploma na kanilang nakamit kaysa sa iyo, ngunit mas higit ang kanilang kaalaman, karanasan, at karunungan.

Ang tunay na naghahanap ng kaalaman, habang dumarami ang kaniyang natututuhan, ay lalo niyang nauunawaan ang kaniyang kawalan ng alam. At habang tumataas ang paggalang ng mga tao sa kaniya, lalo siyang nagiging mapagkumbaba sa kanila.

Kung babalik ka sa iyong bayan na may titulo ng Doktorado (PhD) o mataas na diploma, bumalik ka dala ang iyong kaalaman at magandang asal bago ang iyong titulo. Maglingkod ka sa mga tao sa halip na ipagwalang-bahala sila, turuan mo sila sa halip na iparamdam sa kanilang wala silang alam, at igalang mo ang mga nakatatandang dalubhasa (scholar) sa halip na gamiting sandata laban sa kanila ang iyong titulo.

Ang kaalamang hindi nagdudulot sa nagmamay-ari nito ng kagandahan ng loob, magandang asal, at awa sa kapwa ay nangangahulugang ang taong iyon mismo ang kailangang matuto bago magturo sa iba.

Ang diploma o titulo ay nagpapataas ng iyong antas sa akademya, ngunit ang kagandahan ng loob, magandang asal, at patas na pagtrato sa kapwa ang tunay na nagpapataas ng iyong totoong pagkatao.

Mula sa fb post ni Ustad Alnor R. Lawi

September 11,2026                                                                                                       ...
11/09/2026

September 11,2026


Ang kaalaman ay hindi natatapos sa paaralan o sa pagtatapos ng isang kurso. Ito ay patuloy na sinasaliksik, pinag-aaralan, at isinasabuhay hanggang sa huling hininga ng ating buhay.

كُلَّمَا ازْدَادَ الْمُسْلِمُ عِلْمًا، ازْدَادَ مَعْرِفَةً بِرَبِّهِ، وَازْدَادَ قُرْبًا مِنَ اللهِ.

“Habang nadaragdagan ang kaalaman ng isang Muslim, lalo niyang nakikilala ang kanyang Panginoon, at lalo siyang napapalapit sa Allah.”

Kaya huwag nating isipin na tayo ay matanda na para matuto. Hangga’t tayo ay nabubuhay, may pagkakataon tayong matuto. At ang tunay na kaalaman ay hindi lamang nagpapatalino sa isip, ito ay nagpapakumbaba sa puso, nagpapabuti sa pag-uugali, at nagpapalapit sa atin sa Allah (SWT)

اللَّهُمَّ زِدْنَا عِلْمًا نَافِعًا، وَقَرِّبْنَا إِلَيْكَ.

“O Allah, dagdagan Mo kami ng kapaki-pakinabang na kaalaman at ilapit Mo kami sa Iyo.” 🤲

💡Paalala
📌Maging matapat kay Allah sa iyong pananampalataya sapagkat walang sinuman ang makakatulong sa iyo maliban kay Allah, mamamatay kang mag-isa, ililibing kang mag-isa, tatanungin ka sa iyong libingan na mag-isa, haharap ka kay Allah na mag-isa, kaya gampanan mo ang iyong obligasyon at responsibilidad kay Allah,
Ang buhay ay hindi ipinagkaloob ni Allah upang gawing biro o laro-laro lamang, Ang buhay ay may limitasyon kaya nararapat na ito ay samantalahin, Bawat segundo na lumilipas sa iyong buhay ay hindi muna ito muling maibabalik at isinusulat sa iyong talaan ng mga gawa ang bawat segundong lumilipas.
🖊Mga aral mula sa lecture ni Shaykh Muhammad Bin Sa'eed Raslān (pangalagaan nawa siya ni allah)

Pag-aaral para sa mga OFW na lalake dito sa Riyadh. Walang edad sa paghahanap ng kaalaman. 📖 [Kabubukas lamang ng ating Season-11 na weekly Friday Classes].

May these gatherings be a means of softening our hearts, renewing our Īmaan, and reminding us that the best version of ourselves is the one that is becoming closer to Allah.

May Allah S.W.T. accept this effort as a sincere form of Da’wah, reward all the workforce and volunteers who participate...
11/09/2026

May Allah S.W.T. accept this effort as a sincere form of Da’wah, reward all the workforce and volunteers who participated, and continue to guide us in conveying the message.🤲

If you sincerely believe in Allah and try to do good deeds, Allah will give you the opportunities to grow closer to Him by doing as many good deeds as you can. Magpatuloy 𝗹𝗮𝗻𝗴 ng 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗵𝗮𝗻 kapated!

قال تعالى: ‏﴿وَمَا تَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ يَعْلَمْهُ اللَّهُ﴾

Sinabi ng Allâh: {Ang lahat ng inyong ginagawa na kabutihan ay katiyakang batid ng Allâh (at ito ay gagantimpalaan Niya} Al-Baqarah 197

Maging panatag dahil anumang ginagawa mong kabutihan ay nakatala sa Allah at hindi mababalewala kahit na wala kang marinig na pasasalamat o makamit na kapalit mula sa mga tao. Kaya ipagpatuloy lamang ang mabuti at magandang layunin para sa Allah sa tuwing ginagawa ang mga ito.

Wallahu A'lam ©️

Maging kabahagi ng pagpapalaganap ng mensahe ng Islam..Sept.11,2026

11/09/2026

Sinabi ng Propeta ﷺ:
‏"اقرؤوا القرآن، فإنه يأتي يوم القيامة شفيعًا لأصحابه."
‎"Basahin ninyo ang Qur'ān, dahil tunay na Ito'y darating sa Araw ng Pagbangon bilang tagapamagitan para sa mga nagbabasa Nito." [Muslim]

Huwag na huwag mong iwanan ang Qur'ān ni talikuran Ito upang hindi ka mapabilang sa mga inireklamo ng Sugo ﷺ sa Allah.
وَقَالَ ٱلرَّسُولُ يَٰرَبِّ إِنَّ قَوۡمِي ٱتَّخَذُواْ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ مَهۡجُورًا
At nagsabi ang Sugo [si Propeta ﷺ]: “O aking Panginoon, katotohanan ang aking mga mamamayan ay nagturing dito sa Qur’an bilang isang [bagay na] iniiwan [o walang halaga].” [Al-Furqan 30]

Sabi ni Ibnu Taymiyyah - رحمه الله - :
"من هجر القرآن فهو من أعداء الرسول."
"Sinuman ang tumalikod sa Qur'ān (iniwan at hindi niya Ito pinahalagahan) ay kabilang sa mga kalaban ng Sugo." [Majumu'ul Fatawa Vol. 4, pp. 106]

"Kapag natagpuan mo sa iyong sarili na lumilipas ang mga araw, at hindi ka nakakabasa ni isang ayat mula sa Qur'an,kung gayun, umiyak ka (malungkot ka) sa iyong sarili,Dahil sumpa man sa Allah, hindi ipagkakait sa alipin ang pagsunod (paggawa ng kabutihan), liban na ito ay tumutukoy sa kanyang pagkalayo mula kay Allah."

🎙𝐀𝐬𝐡-𝐒𝐡𝐞𝐢𝐤𝐡 𝐌𝐮𝐡𝐚𝐦𝐦𝐚𝐝 𝐀𝐥-𝐀𝐦𝐞𝐞𝐧 𝐀𝐬𝐡-𝐒𝐡𝐢𝐧𝐪𝐢𝐭𝐢 (rahimahullah)

kaya panatilihin ang pagbabasa ng Qur'an araw-araw, upang manatili ang pagkalapit sa Allahu Ta'ala.

Weekly Friday Outside Da'wah Activity,Haraj Market,Riyadh

Sept.11,2026

Ang ISLAM ay dahilan at nagbibigay karangalan kadakilaan katatagan kaligtasan kasiyahan at pagiging matagumpay dito sa m...
10/09/2026

Ang ISLAM ay dahilan at nagbibigay karangalan kadakilaan katatagan kaligtasan kasiyahan at pagiging matagumpay dito sa mundo at sa kabilang buhay, At ang pag papabaya sa ISLAM ay nagiging sanhi ng pag-kait at pagkatalo dito sa mundo higit sa lahat sa kabilang buhay.

الشيخ عبد الرزاق البدر حفظه الله
شرح فضل الإسلام

Welcome to Islam Brother John,kasama nya ang manager nya na pumunta sa islamic center tonight. Alhamdulillah
Sept 10,2026

InshaaAllah mga kababayan at mahal na kapated in deen na mga OFW in Riyadh,bisitahin nyo kami at maging kabahagi ng atin...
10/09/2026

InshaaAllah mga kababayan at mahal na kapated in deen na mga OFW in Riyadh,bisitahin nyo kami at maging kabahagi ng ating weekly Friday Islamic Studies Class para sa mga kalalakihan.

Magkita kita tayo bukas Friday Sept 11,2026 mula pagkatapus ng salatul jumuan hanggang 5pm inshaaAllah.

MAG-ARAL sa ating Deen habang OFW...Kahit busy ka sa iyong trabaho ay huwag kakaligtaan ang umupo sa mga Islamic center upang madagdagan ang ating kaalamang pang islamiko

📌 Date: September 11, 2026
⏱️12:00 NN – 5:00 PM
📍Dar Albaida Islamic Center,Riyadh
For OFW men only.
May these gatherings be a means of softening our hearts, renewing our Īmaan, and reminding us that the best version of ourselves is the one that is becoming closer to Allah. 📞 𝐓𝐨 𝐞𝐧𝐫𝐨𝐥𝐥, 𝐜𝐨𝐧𝐭𝐚𝐜𝐭: 0508171147 [Everything is Free].

Isang simpleng mga babasahing pang islamiko,Isang malaking pagkakataon na masulyapan ng ating mga kababayang Pinoy ang m...
10/09/2026

Isang simpleng mga babasahing pang islamiko,Isang malaking pagkakataon na masulyapan ng ating mga kababayang Pinoy ang mensahe ng Islam.

Patuloy ang Da'wah,Patuloy tayong magbabahagi ng mensahe ng mga Propeta,Ipinagpapatuloy natin ang misyon nila ang Ipalaganap ang katuruan ng mensahe ng Islam,ito ang Tawheed [Ang pagkilala sa nag-iisang Manlilikha [Allah].

If you sincerely believe in Allah and try to do good deeds, Allah will give you the opportunities to grow closer to Him by doing as many good deeds as you can. Magpatuloy 𝗹𝗮𝗻𝗴 ng 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗵𝗮𝗻 kapated!

قال تعالى: ‏﴿وَمَا تَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ يَعْلَمْهُ اللَّهُ﴾

Sinabi ng Allâh: {Ang lahat ng inyong ginagawa na kabutihan ay katiyakang batid ng Allâh (at ito ay gagantimpalaan Niya} Al-Baqarah 197

Maging panatag dahil anumang ginagawa mong kabutihan ay nakatala sa Allah at hindi mababalewala kahit na wala kang marinig na pasasalamat o makamit na kapalit mula sa mga tao. Kaya ipagpatuloy lamang ang mabuti at magandang layunin para sa Allah sa tuwing ginagawa ang mga ito.

Wallahu A'lam ©️

Maging kabahagi ng pagpapalaganap ng mensahe ng Islam..

09/09/2026

Welcoming our new brother in Islam who took shahadah tonight at Dar Al Baidah Da'wah Association Albaida Association for Da’wah & Guidance -Filipino Department via zoom meeting flatform after our short islamic lecture and presentation. AllahuAkbar walillahilhamd🤲

"Katotohanan ginagabayan ng Allah ang sinumang nais Niyang gabayan tungo sa matuwid na landas."

Dalangin namin kay Allah na gabayan nya kayo sa tamang landas at ipaunawa sa inyo ang kanyang relihiyong Islam upang maisapamuhay mo,ameen

Allahu Akbar walillahilhamd

Naiulat mula kay Abu Sa’id al-Khudri na ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: “Kapag ang isang alipin ay yumakap sa Islam at naging mabuti ang kanyang pagka-Muslim, itatala ng Allah ang bawat mabuting gawa at buburahin ang bawat masamang gawa na kanyang nagawa bago ito...” — [Sunan al-Nasa'i, Sahih ayon kay Al-Albani]

Sept 9,2026

09/09/2026

Welcoming tonight our new Sister in Islam who took shahadah tonight at Dar Al Baidah Da'wah Association Albaida Association for Da’wah & Guidance -Filipino Department via zoom meeting flatform after our short islamic lecture and presentation. AllahuAkbar walillahilhamd🤲

"Katotohanan ginagabayan ng Allah ang sinumang nais Niyang gabayan tungo sa matuwid na landas."

Dalangin namin kay Allah na gabayan nya kayo sa tamang landas at ipaunawa sa inyo ang kanyang relihiyong Islam upang maisapamuhay mo,ameen

Allahu Akbar walillahilhamd

Naiulat mula kay Abu Sa’id al-Khudri na ang Sugo ng Allah (ﷺ) ay nagsabi: “Kapag ang isang alipin ay yumakap sa Islam at naging mabuti ang kanyang pagka-Muslim, itatala ng Allah ang bawat mabuting gawa at buburahin ang bawat masamang gawa na kanyang nagawa bago ito...” — [Sunan al-Nasa'i, Sahih ayon kay Al-Albani]

Sept 9,2026

Address

طريق ابن حجر
Riyadh

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Albaida Association for Da’wah & Guidance -Filipino Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share