08/03/2026
KAMAG-ANAK NA HINDI PUEDE IBIGAY SA KANILA ANG ZAKATUL FITR (Fitra)❗❗❗
👉Una sa lahat ay mayroon tayong General Principle (Qaida), na ang lahat na malapit na kamag-anak na obligadong tustusan (sustentuhan) ay hindi ipinahintulot na bigyan ng Zakat (obligadong kawanggawa).Hindi maaari ibigay sa kanila ang taunang Zakat, Zakatul Fitr. Fidya etc..
Ang mga malalapit na kamag-anak na hindi obligado sa atin na sustentuhan (bigyan ng panustus) ay maaari silang bigyan ng Zakat kung sila ay napabilang sa walong uri ng tao na binanggit sa Qur'an na nararapat bigyan ng Zakat.
ANG MALALAPIT NA KAMAG-ANAK AY NAHAHATI SA DALAWA:
a- Kamag-anak na obligadong tustusan, sila ay:
Ang mga magulang, mga anak at apo at ang mga asawa
b- Mga kamag-anak na hindi obligadong tustusan, sila ay:
Ang mga kapatid, tiyuhin at tiyahin sa ama at ina at ang mga anak nila at Gayundin ang mga malalapit na kamag-anak na maliban sa nabanggit.
👉Nagkaisa ang mga Fuqaha (mga pantas sa larangan ng Fiqh) na ang mga kamag-anak na hindi nararapat tustusan (sustento) ay maaaring bigyan ng Zakat, bagkus ito ay mas mainam bigyan kumpara sa iba,
Dahil ang pagbigay sa kanila ng Zakat (kawanggawa) ay magkakaroon ng dalawang gantimpala:
1- Gantimpala sa pagkawanggagawa
2-Gantimpala bilang pagpapatibay sa magandang ugnayan kamag-anakan
Ayon sa naiulat na Hadith:
عن النبي ـ صلى الله عليه وسلم ـ (الصدقة على المسكين صدقةٌ، وعلى ذى الرحم ثِنْتَانِ، صدقةٌ وصِلَةٌ) رواه أحمد وابن ماجة والنسائي والترمذي وحَسَّنَهُ، وابن خزيمة وابن حبان في صحيحهما
Mula sa sinabi ng Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan):
“Ang pagbibigay sa mga mahirap ay isang uri ng kawanggawa, Ngunit ang kawanggawa sa malalapit na kamag-anak ay dalawa ang gantimpala:
Kawanggawa at Pagpapatibay sa ugnayan ng kamag-anakan”
Ang Hadeeth ay Saheeh ayon kay Ibn Huzaima at Ibn Hibban
- Kabilang din sa matibay na batayan hinggil sa pagbibigay sa kanila ay ang pangkalahatang talata na tinukoy sa Qur’an, kung saan ay ibibigay ang kawanggawa sa mga mahihirap..…” at hindi binanggit sa talata na pinaghiwalay ang kamag-anak sa hindi kamag-anak
- Nagkaisa rin ang mga Iskolar (ulama) na ang mga kamag-anak na obligadong tustusan ay hindi obligadong bigyan ng Zakat.
- Ang mga kapatid ay maaaring bigyan ng Zakat kung sila ay mahihirap na Muslim
- Gayundin ang asawang babae na may kakayahan ay maaaring ibigay ang Zakat nito sa kanyang asawang lalaki na mahirap, ayon sa binanggit sa Hadith na kung saan itinanong ng asawa ni Ibn Mas-od na si Zainab sa Propeta hinggil sa pagkawanggawa,
👉Sinabi ng Propeta:
“Ang asawa mo (si Ibn Mas-od) at ang inyong mga anak ay mas mainam na bigyan mo ng kawanggawa” Bukhari
“زوجك وولدك أَحَقُّ مَنْ تصدقت عليهم" البخاري
- Ayon din sa mga Iskolar: “ Maari ring bigyan ng Zakat ang mga magulang o anak o asawa na kabilang sa obligadong tustusan kung sila ay nagkautang.
Halimbawa ang iyong ama, anak o asawa ay may utang at hindi nila ito kayang bayaran ang kanilang utang, Maaari mong kunin mula sa iyong Zakat ang ilang halaga at ibigay sa kanila upang bayaran ang kanilang utang.
👉👉Paalaala:
Ang Zakat na Wajib (obligado) ay sa Muslim lamang ibibigay ayon sa karamihan sa mga Pantas sa Islam (Jamhoor) at ito rin ang pinaka accurate (Rajeeh) na pananaw na naayon sa Mga Daleel (evidences) na authentic
✍️ Zulameen Sarento Puti