21/10/2026
Mahirap kalimutan ang nakaraan kapag ang palagi nating naiisip ay ang sakit na naidulot natin sa iba at ang mga pagkakamaling nagawa natin. Pero kung ang pag-ibig ng Diyos ay walang kondisyon at ang Kanyang biyaya ay higit na dakila kaysa sa lahat ng ating pagkukulang, mananatili ka na lang ba sa iyong kinalalagyan, o babangon ka at muling lalapit sa Kanya?
Inaanyayahan ka naming makiisa sa ating pagsamba tuwing Linggo habang sariwain natin ang walang kundisyong pag-ibig ng Diyos, ang Kanyang mga pangakong hindi kailanman nagkukulang, at ang masaganang biyayang patuloy Niyang ibinubuhos at ipinapakita sa ating buhay sa pamamagitan ng ating seryeng “Minor League, Major Impact.”
Linggo | Oct 25 | 9:30AM | La Concordia Resort, San Isidro, Zaragoza, Nueva Ecija