02/08/2026
๐๐๐๐ญ๐ข๐จ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐ค ๐
Mateo 14, 13-21
Noong panahong iyon, nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, siyaโy sumakay sa isang bangka at nag-iisang pumunta sa isang ilang na lugar. Nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, silaโy lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa kanya. Paglunsad ni Hesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong yaon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.
Nang dapit-hapon naโy lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, โIlang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa mga nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.โ โHindi na sila kailangang umalis pa,โ sabi ni Hesus. โKayo ang magbigay sa kanila ng makakain.โ Sumagot sila, โLilima po ang tinapay at dadalawa ang isda natin.โ โDalhin ninyo rito,โ sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at silaโy nakapuno ng labindalawang bakol ng hati-hating tinapay. May limanlibong lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.
Ayon sa ilang naging pagninilay, sila'y naantig at sumalamin sa kanilang buhay ang pangangamba't pag-aalala sa buhay. Ngunit tulad sa pagbasa, agad na tumugon si Hesus, at dahil sa pananalig ng mga alagad, sila ay biniyayaan ng napakaraming tinapay at isda na panawid sa kanilang inaalala.