10/01/2026
MIRACLE
December 2025 nagpacheck up ako kasi may bukol ako sa breast, my doctor said that is benign so it’s up to me if ipapatanggal ko so i said yes cause my profession is a seafarer, magiging sagabal lang yon sa medical ko if hindi ko ipapatanggal kasi makikita at makikita yung bukol sa breast ko, fast forward after i said yes na ipapatanggal ko and my doctor said sige schedule na kita kaso wala nang available this December i will schedule you on JANUARY 9 yes po at fiesta po yon ng ating mahal na p**ng itim na nazareno, but i don’t have no choice kasi willing na talaga ako matanggal sya ng maaga kasi mag aapply na din ako kaya talagang umoo na po ako.
JANUARY 9, ngayong araw na to sobrang lungkot ko kasi kapistahan mo na at buong akala ko talaga hindi ako makakasampa at makakahalik sayo kaya nagsimba nalang ako, pero grabe talagang pinagbigyan mo kong mahalikan ka bago ako pumunta ng ospital at operahan, after kong makahalik gumayak na kame and diretso na sa ospital at ready na nga ako for operation, fast forward pinapasok nako sa OR nung nurse and hinihintay ko nalang si doc, after 30mins pumasok na si doc and ang bungad nya agad saken san banda yung bukol tinuro ko and sabi ni doc wala naman eh kaya pinakuha pa nya yung ultrasound ko kay mama para malaman kung asan and then kinapa ni doc hanggang sa makapa nya kung asan pero wala talaga nakailang ikot na sya ng kapa wala talaga to the point na pati sa nurse pinakapa nya pero wala talaga, grabe biruin mo yon nasa OR nako ooperahan na pero you did a miracle to me! pagkauwing pagkauwi namen sayo po ako dumiretso mahal na p**n! Grabe po yung milagrong ginawa mo sa akin! Dininig mo ang panalangin ko sayo MAHAL NA POONG ITIM NA NAZARENO! hindi mo po ako binibigo sa bawat panalangin ko sayo. Walang hanggang pasasalamat po at wala pong mapaglagyan ang saya ko! Thank you Lord! Dinggin mo po ulit ang aming bawat panalangin sa inyo.
HANGGAT NABUBUHAY AKO, MANANAMPALATAYA AKO SAYO MAHAL NA POONG JESUS NAZARENO!
VIVA JESUS NAZARENO! VIVA! VIVA MAHAL NA POONG ITIM NA JESUS NAZARENO! VIVA
Video Credits to: Sister Sarah May (thank you so much po!)
Original Post of : VANIZ NORIEL