08/05/2025
"ANG TABARRUJ" (part 1) - KABABAIHAN
Ang pagpapaganda (ng sarili sa publiko) - التبرج
وجوب الحجاب والنهي عن التبرج.
Ang Obligasyon ng Hijab at ang Pagbabawal sa Tabarruj (Pagpapaganda ng Sarili sa Publiko).
At katiyakan, ipinag-utos ng Allah Subhanahu (wa Ta'ala), sa Kanyang Marangal na Aklat (ang Qur'an) ang paghijab (pagve-velo) ng mga kababaihan at ang kanilang pananatili sa kanilang mga tahanan. At Siya ay nagbabala laban sa Tabarruj (pagpapaganda ng sarili sa publiko) at ang pagpapalambing ng pananalita sa mga kalalakihan, bilang pangangalaga sa kanila mula sa katiwalian at bilang babala laban sa mga sanhi ng fitnah (tukso o pagsubok).
Sinabi ng Allah Subhanahu wa Ta'ala:
"يَا نِسَاءَ النَّبِيِّ لَسْتُنَّ كَأَحَدٍ مِنَ النِّسَاءِ إِنِ اتَّقَيْتُنَّ فَلا تَخْضَعْنَ بِالْقَوْلِ فَيَطْمَعَ الَّذِي فِي قَلْبِهِ مَرَضٌ وَقُلْنَ قَوْلا مَعْرُوفًا".
"O mga asawa ng Propeta! Hindi kayo katulad ng ibang mga kababaihan sa antas at karangalan. Kapag pinanatili ninyo ang takot sa Allâh,
Samakatuwid ay huwag kayong makipag-usap nang malumanay na pananalita sa mga kalalakihan (na hindi ninyo Mahram) upang hindi mahumaling ang puso ng inyong mga kausap sa inyo,
At ito ay obligadong pag-uugali sa lahat ng kababaihan na naniniwala sa Allâh at sa Kabilang-Buhay, at magsalita kayo sa marangal na kaparaanan na pakikipag-usap na malayo mula sa anumang masamang paghihinala, na hindi ipinagbabawal ng batas".
Sinabi pa ng Allah Subhanahu wa Ta'ala:
"وَقَرْنَ فِي بُيُوتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجْنَ تَبَرُّجَ الْجَاهِلِيَّةِ الْأُولَى وَأَقِمْنَ الصَّلَاةَ وآتِينَ الزَّكَاةَ وَأَطِعْنَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ".
"At manatili kayo sa inyong mga tahanan at huwag kayong lumabas mula rito kung hindi kinakailangan, at huwag ninyong ilantad ang inyong mga kagandahan na tulad ng mga kababaihan noong una na kapanahunan ng kamangmangan bago dumating ang Islâm na dala-dala ni Propeta Muhammad (ﷺ),
na katulad din ng ginagawa sa kapanahunan ngayon ng mga kababaihan: mga nakadamit subalit pa

na katulad din ng ginagawa sa kapanahunan ngayon ng mga kababaihan: mga nakadamit subalit parang nakahubad dahil nababakas ang hugis ng katawan na naglalantad ng kanilang kagandahan.
At isagawa ninyo ang Salâh sa tamang oras sa ganap na kabuuan nito, at ibigay ninyo ang Zakâh – obligadong kawanggawa na katulad ng pag-uutos ng Allâh, at sumunod kayo sa Allâh at sa Kanyang Sugo sa anumang pag-uutos at pagbabawal".
[الأحزاب: 32 - 33] .
Ang Allah Subhanahu wa Ta'ala ang mas higit na nakaka-alam ng lahat.