12/08/2026
Nagpatawag ng isang Special Meeting ngayong hapon August 12, 2026 ang Kagalang-galang na M***i ng Zamboanga City na si Sheikh Abdennaser Abdulrahman kasama ang mga officers ng Zambaanga City Darul Iftah at pangulo ng Ulama Supreme Council of ZamPen upang talakayin ang mahahalagang usapin hinggil sa pagpapaigting ng mga gawain sa Da’wah at Madrasa.
Ang pagpupulong na ito ay patunay ng kahalagahan ng pagkakaisa, konsultasyon, at sama-samang pananagutan sa paglilingkod sa Ummah. Sabi ni Sheikh Islam Mahdi Baginda "Sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at pagtutulungan, mas mapapalakas natin ang Islamic education, Da’wah, at paggabay sa ating mga kabataan at komunidad."
Sinabi ng M***i ng Zamboanga City: "Ang Da’wah ay amanah, ang kaalaman ay liwanag, at ang paglilingkod sa Ummah ay isang marangal na tungkulin."
At sinabi niya sa mga officers "Patuloy tayong magkaisa, magtulungan, at maglingkod nang may ikhlas, amanah, at hikmah. Ang bawat oras na ginugugol sa pagtuturo at paggabay ay puhunan para sa mas mabuting kinabukasan ng ating Ummah."
At ang sabi naman ng pangulo ng USCZP na si Sheikh Jackariya Mohammad : “ Ang kaalaman na may pananampalataya, Da’wah na may malasakit, at serbisyo na may katapatan.”
بارك الله في جهودكم، وجعلها الله خالصةً لوجهه الكريم.
Nawa’y pagpalain ng Allah ang lahat ng nagsisikap para sa kapakanan ng ating Ummah.