16/03/2026
Assalamu alaikum wa rahmatullahi wa barakatuhu.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa pag-imbita sa amin sa Grand Iftar dito sa Zamboanga City. Maraming maraming salamat po sa lahat ng ating mga kapatid na nagbahagi ng kanilang oras at suporta upang maisakatuparan ang napakagandang pagtitipong ito.
Lalo na po ang aming pasasalamat sa National Commission on Muslim Filipinos sa pagbibigay ng daan upang tayo ay magkaisa bilang isang Ummah, puno ng pagkakaisa at kapatiran.
Nagpapasalamat din po kami sa aming mga kasama sa Ummatul Wahida at sa Hermoso TV sa kanilang suporta at pakikiisa.
Sa lahat ng ating mga kapatid na Muslim dito sa Pilipinas at sa buong mundo, maligayang Ramadan po sa inyo. Nawa’y patuloy tayong pag-isahin ng Allah at palakasin ang ating pananampalataya.
Maraming salamat po. Mabuhay tayong lahat. Wassalam.