24/09/2023
SAANG LUGAR BABABA SI EISA IBNU MARYAM [HESUS NA ANAK NI MARIA]?
Dalawa ang nabanggit na lugar na doon siya bababa:
1. Sa maputing minārah [minaret] sa bandang silangan ng Dimashq [Damasqus, Syria] المَنارة البيضاء شَرْقِيَّ دمشق, nakatayo ito sa gate malapit sa palengke ng lugar na yon.
Sa Hadith, sinabi ng Rasulullah ﷺ:
"فَيَنْزِلُ عِنْدَ الْمَنَارَةِ الْبَيْضَاءِ شَرْقِيَّ دِمَشْقَ، بَيْنَ مَهْرُودَتَيْنِ، وَاضِعًا كَفَّيْهِ عَلَى أَجْنِحَةِ مَلَكَيْنِ."
"Bababa siya sa puting minaret sa silangan ng Damascus, sa dalawang kasuotan na nakatina sa Wars o saffron [malapit sa pagkadilaw o pagkapula ang kulay nito], nakapatong ang dalawa niyang palad sa mga pakpak ng dalawang anghel." [Isinalaysay ni Imam Muslim].
2. Sa isa sa mga malaking minaret ng Masjid na tinatawag na الجامع الأموي [Al-Jāmi' Al-Umawwiy] sa Dimashq [Damasqus].
Nguni’t alinman rito, ay walang problema, sapagka’t ito'y sa Dimashq lahat, na siyang capital ng Syria. Sa pagbaba ni Eisa [Hesus] ang mga natitirang Muslim ay nagtitipun-tipon sa itaas ng bundok sa SHĀM dahil sa pakikipagdigma nila kay Dajjāl at sa mga sundalo nito, at pagod na rin sila dahil sa kanilang pagpunta at pagsakop sa Al-Qustantiniyyah [Constantinople], at nang nagsawa na silang nakatigil lang doon, meron isa sa kanila na magtatanong at magsasabi sa kanila ng:
حتى متى أنتم هكذا، وعدو الله نازل بأصل جبلكم؟ هل أنتم إلا بين إحدى الحسنيين: بين أن يستشهدكم أو يظهركم الله عليه.
"Hanggang kailan kayo nakatigil nang ganito, [at di natin labasin at salakayin si Dajjāl] habang ang kaaway ng Allah [si Dajjal] ay nasa paanan ng bundok? Kayo ay nasa pagitan ng dalawang kabutihan: Kung mapaslang man kayo ay mga shahid naman kayo [martir sa landas ng Allah] o di-kaya'y ipapanalo kayo ng Allah." Kaya dahil dito, ay magkakasundo sila sa panunumpa ng pakikipagdigma hanggang sa kamatayan [pagkatapos nilang magdasal ng Fajr], at nang mag-iqamah na ng Fajr ay didilim na lang bigla hanggang sa di nila makita ang palad ng kanilang mga kamay, pagkatapos ay liliwanag rin, hanggang sa makita nila ang isang lalaki, at dahil sa pagtataka ay sasabihin nilang: "Sino po kayo?" Tugon niya:
أنا عبد الله ورسوله، وروحه، وكلمته، عيسى، اختاروا إحدى ثلاث: بين أن يبعث الله على الدجال وجنوده عذابا من السماء، أو يخسف بهم الأرض، أو يسلط عليهم سلاحكم، ويكف سلاحهم عنكم.
"Ako ay alipin at sugo ng Allah, at isang kaluluwa na nilikha sa pag-uutos mula sa Kanya, at Kanyang Salita na iginawad kay Maria, si Eisa [Hesus]. Mamili kayo ng isa sa tatlo: Sa pagitan ng pagpapadala ng Allah ng parusa mula sa langit [na lilipol] kay Dajjāl [Bulaang-Kristo] at sa kanyang mga kawal, o gawin silang lamunin ng lupa, o ang iyong mga sandata ay manaig sa kanila, at pipigil sa kanilang mga sandata mula sa iyo." At pipiliin ng mga muslim ang ikatlo na lilipolin nila sila sa pamamagitan ng kanilang mga armas o mga espada upang mabigyang kasiyahan at gaan ang dibdib ng mga naniniwala at upang malasap ng mga kalabang hudyo at mga sundalo ni Dajjāl ang kanilang pagpapahirap, pang-aabuso at pagpaslang noon sa napakaraming mga muslim. [Binanggit ito ni Ibnu Kathīr sa kanyang "البداية والنهاية", at ayon kay Dhahabi: Ang Hadith na ito ay malakas ang Isnad].
ANO ANG NGA KATANGIAN NI EISA [HESUS]?
Ang nabanggit sa mga Hadith ay ang mga ito:
1. Katamtaman ang kanyang tangkad.
2. Maputi, maayos na pagkaputi.
3. Malapad ang kanyang mga balikat.
4. Maayos ang kaitiman ng kanyang buhok at pagkakalaylay nito sa kanyang balikat, kapag binaba niya ang kanyang ulo bababa at mahuhulog ang mga tulo ng tubig rito, at kapag itinaas niya ito bababa naman at mahuhulog ito na parang mga maliit na pilak na tulad ng anyo ng mga perlas [dahil sa kadalisayan at pagkapuro ng tubig]. Sa Hadith sa Sahih ni Imam Muslim, sinabi ng Rasulullah ﷺ:
"إِذَا طَأْطَأَ رَأْسَهُ قَطَرَ، وَإِذَا رَفَعَهُ تَحَدَّرَ مِنْهُ جُمَانٌ كَاللُّؤْلُؤِ."
5. Ang kawangis niya ay si عروة بن مسعود الثقفي ['Urwah bin Mas'ud ath-Thaqafiy]. Sa pagbaba niya ay dala-dala siya ng dalawang anghel, nakapatong ang kanyang dalawang palad sa kanilang mga pakpak, nakasuot siya ng dalawang kasuotan na tinitina ng Wars [Wors] at Za'farān [Saffron], malapit sa pagkadilaw ang kulay nito.
ANO ANG MGA KAGANAPAN SA PANAHON NG PAGBABA NI EISA [HESUS]?
Ito ang mga kaganapan sa panahon ng pagbaba ni Eisa [Hesus] batay sa mga Hadith sa Sunnah:
1. Ang paghahari ng Islam sa ganap na walang tatanggapin na ibang relihiyon na tatayo maliban sa Islam.
2. Ang pagkalantad ng pagsisinungaling ng mga hudyo sa pag-claim nilang napatay nila si Eisa, sapagka’t hindi nila napatay si Eisa [Hesus] sa krus, at ang gayundin sa mga Kristiyano na nagsasabing si Eisa ay anak ng Diyos o kapantay ng Diyos o diyos na nagkatawang tao o tatlong persona sa iisa, sapagka’t mawawala sa panahon na yon ang kanilang relihiyon, hanggang sa babasagin ni Eisa at sisirain ang mga krus, bilang patunay na hindi Kristiyanismo ang relihiyong dala niya at itinuro't ipinarating bagkus Islam.
3. Maghahatol siya ng katotohanan at katarungan, hanggang sa wala ng pangamba at pagkabahala ang maraming mga tao, dahil sa hustisya, kaayusan at katarungang ipinatutupad niya, batay sa mga Batas ng Relihiyong Islam.
4. Lalaganap ang kapayapaan at katiwasayan sa pamumuhay, dahil mabubuksan ang mga barakat o mga biyaya ng langit at lupa at tutubo ang mga pananim at mga prutas sa lupa tulad ng sa panahon ni Propeta Adam [Adan] - عليه السلام - . Mawawala ang mga pinsala, inggit at galit, hanggang sa ang maliit na bata ay makikipaglaro sa ahas, at ang mababangis na mga hayop katulad ng mga liyon at tigre ay magiging maamo sa ibang maybuhay, hindi na namiminsala.
5. Papatayin niya ang mga baboy, bilang pagpapatunay na hindi niya kailanman pinahintulutan ang pag-aalaga at pagkain ng baboy, bagkus ito'y kanyang ipinagbabawal, at ito'y patutunayan niya sa pamamagitan ng pagpatay niya sa mga baboy.
6. Siya [Eisa] ang papatay kay Al-Masīh Ad-Dajjāl [Bulaang-Kristo]. Kapag nakita ni Dajjāl si Eisa, siya ay tatakas dahil sa sobrang takot, gayundin ang kanyang mga sundalo, nguni’t walang kakayahan si Dajjāl na matakasan si Eisa, dahil kapag nakikita niya si Eisa ay natutunaw siya katulad ng pagkatunaw ng asin sa tubig, at kahit saan pa siya magpunta ay nandoon na si Eisa nakaabang sa kanya, hanggang sa siya'y maabutan ni Eisa sa lugar ng Palestine na tinatawag na باب لُدٍّ BĀB LUDD, at doon niya ito mapapatay sa pamamagitan ng isang حربة sibat [na tatama sa pagitan ng kanyang dibdib], habang ang mga muslim naman at mga mu'min ay kanilang papaslangin ang mga hudyo roon hanggang sa ang mga bato at kahoy ay magsusumbong sa kanila at magsasabing:
يَا مُسْلِمُ، يَا عَبْدَ اللهِ، هَذَا يَهُودِيٌّ خَلْفِي، فَتَعَالَ فَاقْتُلْهُ. إِلَّا الْغَرْقَدَ؛ فَإِنَّهُ مِنْ شَجَرِ الْيَهُودِ.
"O Muslim, o alipin ng Allah, ito'y hudyo sa aking likuran (nagtatago), halika patayin mo siya. Maliban sa kahoy na Al-Ğarqad [Nitraria], dahil iyon ay kabilang sa mha kahoy ng mga hudyo." [Isinalaysay ni Imam Al-Bukhari at Muslim, kay Muslim ang teksto nito].
Kaawaan nawa tayo palagi ng Allah at Kanyang pangalagaan. اللهم آمين.
Ash-Shaykh Muhammad Ali Granaderos hafizahullah...