15/08/2026
Dakilang Diyos ng makapangyarihan sa lahat,
Maraming salamat po sa panibagong araw na Iyong ipinagkaloob.
Salamat sa paggising mo sa amin upang muli sumamba, magpuri, makinig sa Iyong Salita, at muling mapalapit sa Iyo.
Sa araw na ito, alisin Mo po sa aming puso ang anumang pangamba, pagod, problema, at mga bagay na umaagaw sa aming atensiyon.
Ihanda Mo ang aming puso upang maging bukas sa Iyong mensahe.
Nawa'y hindi lamang kami makarinig,
kundi tunay na magbago at maisabuhay ang aming naririnig.
Sa patuloy na pag-ulan at sa anumang pagsubok na kinakaharap ng aming mga pamilya at komunidad, ingatan Mo po kami.
Ilayo Mo kami sa kapahamakan at bigyan ng kaligtasan ang bawat isa.
Panginoon, ang araw na ito ay para sa Iyo.
sa Iyong salita
βO kahanga-hanga
ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay,
tayo ay magalak, ating ipagdiwang!
β Awit 118:24
Sa pangalan ni Jesus, aming Panginoon at Tagapagligtas, Amen. π