Piaz Christian Fellowship Church

Piaz Christian Fellowship Church This page is promoting all the good works and the words of God to be able to save more souls until the second coming of our Lord Jesus Christ���

18/05/2026

MOTHER'S DAY CELEBRATION

Proverbs 31:28-29
Her children arise and call her blessed; her husband also, and he praises her: “Many women do noble things, but you surpass them all.”

"A GENUINE BELIEVER OBEYS GOD'S WORD" (James 1:22)Paulit-ulit na lang ang buhay, walang pagbabago, walang transformation...
17/05/2026

"A GENUINE BELIEVER OBEYS GOD'S WORD"
(James 1:22)

Paulit-ulit na lang ang buhay, walang pagbabago, walang transformation—ito ang madalas na nagiging sitwasyon ng Iglesia.

Pagkatapos makarinig ng salita ng Diyos, para lamang nanalamin na sa isang sandali, makikita ang repleksiyon at pagkatapos, malilimutan ito. Masakit na katotohanan ngayon, maraming magagaling sa church pero hindi marunong sumunod. They know the story of Jesus Christ, but they do not live the life of Jesus Christ.

Maaaring malapit tayo sa church pero malayo kay Kristo. Sobrang affected tuwing praise and worship, na-bless tuwing sermon, pero hanggang pagiging "blessed" na lang, hindi makikitaan ng pagbabago, hindi nakikita ang pamumuhay sa salita ng Diyos.

Minsan hindi natin namamalayan na ginagawa na lang nating optional ang Diyos. Uma-attend sa gawain, alam kung ano ang tama sa mali ngunit hindi na siya ang priority, kumbaga gagawin na lamang ito kung may natitirang oras. At ito ang nakakabahala, kung saan nagiging normal na lang ang mga bagay na ito, nagiging routine, nawawala ang pagkagutom sa Panginoon—ang desire na makilala pa Siya nang lubusan.

Partial obedience will always lead you to spiritual dryness. Magpasiyasat tayo palagi sa Panginoon. Maaari man tayong maglihim sa iba, ngunit sa Panginoon wala tayong maitatago. Kung nakakaramdam tayo ng panghihina, wala tayong ibang lalapitan kundi ang Panginoon lamang. Walang ibang papawi sa spiritual dryness kundi ang source lamang, which is Jesus.

We are not only hearers but also doers of His words. Huwag nating hamakin ang salita ng Diyos kundi pahalagahan natin ito. Ang mga mananampalatayang walang tamang relasyon sa Panginoon ay ang mga taong nawawala sa alignment ng Diyos. Kung tayo ay lumayo sa Diyos, huwag na huwag nating asahan na tayo ay magtatagumpay.

Hindi puwedeng marunong ka lang, hindi puwedeng active ka sa church pero disconnected sa Panginoon. Dahil ang tunay na mananampalataya ay hindi lamang sumusunod kundi naisasapamuhay ang salita ng Diyos. Sapagkat ang Kanyang mga salita ay hindi magpapahamak sa atin, bagkus ito ay magdudulot ng kapayapaan sa pag-iisip, patnubay sa tamang landas at matibay na relasyon sa Kanya.

Speaker: Ptra. Mitz Española-Cayabyab

God bless, Church.
To God be all the Glory!

Jeremiah 29:11“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans...
12/05/2026

Jeremiah 29:11
“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Congratulations, Ma’am Angelica Salazar!
Your PCFC Family is so proud of you and all your hard work.

May God continue to guide you as you achieve your dreams.

TO GOD BE ALL THE GLORY! 🙌🏻

"WHERE DO WE FIND TRUE JOY?‎(Psalms 16:11)Sa panahon ngayon, maraming tao ang naghahanap ng tunay na kagalakan, ngunit m...
10/05/2026

"WHERE DO WE FIND TRUE JOY?
‎(Psalms 16:11)

Sa panahon ngayon, maraming tao ang naghahanap ng tunay na kagalakan, ngunit madalas silang mabigo dahil sa maling lugar nila ito hinahanap. Ang iba ay abala sa pagpapakayaman, walang tigil na paghahangad ng tagumpay, pansamantalang aliw, at iba pang makamundong bagay na nagbibigay lamang ng panandaliang kasiyahan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mayroon pa ring kakulangan sa puso na hindi kayang punan ng mundo.

‎Kung mauunawaan lamang natin, malalaman nating ang tunay na kagalakan ay hindi matatagpuan sa mundo kundi sa presensya ng Panginoon. Sapagkat ang tunay na saya ay nagmumula lamang sa Kaniya—isang kagalakang hindi pansamantala at hindi kailanman mawawala.

‎Kapag ang ating puso ay nakatuon sa Diyos at sa Kaniyang presensya, nakararanas tayo ng kapayapaan at kasiyahang hindi kayang ibigay ng mundo. Kaya huwag nating hanapin ang tunay na kagalakan sa mga bagay ng mundo, dahil sa huli ay mabibigo lamang tayo. Ang mga taong nananatili sa presensya ng Diyos ang tunay na nakatatanggap ng wagas at walang hanggang kagalakan. Kahit dumaan man sila sa mga pagsubok at kapighatian, nananatili silang matatag dahil mayroon silang Diyos na kakapitan at masasandalan.

‎Kung hinahanap mo ang tunay na kagalakan, simulan mo itong hanapin sa Diyos. ‎True joy is not found in the world, but in the presence of God. Only He can truly complete and satisfy your soul.

Speaker: Ptr. Jess Christopher Cayabyab

To God be the highest Glory!

10/05/2026
Happy birthday, Sister Ella! The joy from the Lord in your life shines into others, signifying His promises being fulfil...
09/05/2026

Happy birthday, Sister Ella!

The joy from the Lord in your life shines into others, signifying His promises being fulfilled in you. The church is always grateful for your efforts to keep the happiness in us. God bless you!

𝘿𝙑𝘽𝙎 2026 | 𝙂𝙍𝘼𝘿𝙐𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝘿𝘼𝙔 | Part IITheme: "𝙏𝙍𝙀𝘼𝙎𝙐𝙍𝙀 𝙃𝙐𝙉𝙏: Seeking The Richest of Christ"We thank You, Lord, for making ...
09/05/2026

𝘿𝙑𝘽𝙎 2026 | 𝙂𝙍𝘼𝘿𝙐𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝘿𝘼𝙔 | Part II

Theme:
"𝙏𝙍𝙀𝘼𝙎𝙐𝙍𝙀 𝙃𝙐𝙉𝙏: Seeking The Richest of Christ"

We thank You, Lord, for making this Daily Vacation Bible Study (DVBS) possible and victorious.

We would also like to thank all the children who participated, the parents for their love and support, the teachers for their dedication and hard work, and our Pastors for their guidance and prayers throughout this DVBS activity.

To God be all the glory, honor, and praise! 🙌🏻

𝘿𝙑𝘽𝙎 2026 | 𝙂𝙍𝘼𝘿𝙐𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝘿𝘼𝙔 | Part ITheme: "𝙏𝙍𝙀𝘼𝙎𝙐𝙍𝙀 𝙃𝙐𝙉𝙏: Seeking The Richest of Christ"We thank You, Lord, for making t...
09/05/2026

𝘿𝙑𝘽𝙎 2026 | 𝙂𝙍𝘼𝘿𝙐𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝘿𝘼𝙔 | Part I

Theme:
"𝙏𝙍𝙀𝘼𝙎𝙐𝙍𝙀 𝙃𝙐𝙉𝙏: Seeking The Richest of Christ"

We thank You, Lord, for making this Daily Vacation Bible Study (DVBS) possible and victorious.

No one else deserves the glory and honor but You alone. 🙌🏻

𝘿𝙑𝘽𝙎 2026 | 𝘿𝘼𝙔 3 & 4Theme:"𝙏𝙍𝙀𝘼𝙎𝙐𝙍𝙀 𝙃𝙐𝙉𝙏: Seeking The Richest of Christ" To God be all the Glory!
08/05/2026

𝘿𝙑𝘽𝙎 2026 | 𝘿𝘼𝙔 3 & 4

Theme:
"𝙏𝙍𝙀𝘼𝙎𝙐𝙍𝙀 𝙃𝙐𝙉𝙏: Seeking The Richest of Christ"

To God be all the Glory!

Address

Villasis

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Piaz Christian Fellowship Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Piaz Christian Fellowship Church:

Share