21/08/2026
Dalawampu't tatlong taon ng pananampalataya, paglilingkod, at pagkakaisa!
Sa ating Ika-23 Anibersaryo, sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya at katapatan ng Diyos sa temang BUKLOD. Isang paalala na mas matatag ang paglalakbay kapag tayo’y nagkakaisa bilang isang pamilya kay Cristo.
"Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!"
- Awit 133:1
Linggo ng Ebanghelyo
Agosto 30, 2026 | 2:00 PM
Linggo ng Pagdiriwang
Setyembre 6, 2026 | 2:00 PM
Inaanyayahan namin ang bawat isa na makiisa, magpasalamat, at muling palakasin ang ating pagkakabuklod bilang isang pamilya kay Cristo. Sama-sama nating pasalamatan ang Diyos sa dalawampu't tatlong taon ng Kanyang kabutihan.