24/10/2021
-Spiritual Growth-
Sa ating buhay Kristiyano, minsan iniisip natin na once na makilala natin ang ating Panginoong Jesus, okay na ang lahat. Ngunit sa umaga pong ito, nais ko lamang pong ibahagi sa ating lahat ang nararapat nating gawin upang mas maisabuhay natin ang pagiging isang Kristiyano.
[Main Verse]
2 Pedro 3:18
Sa halip, patuloy kayong lumago sa kagandagang-loob ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakakilala sa kanya. Sa kanya ang kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman! Amen.
Base sa ating nabasa, kailangan nating lumago sa ating pananampalataya at higit sa lahat, sa pagkakakilala natin sa ating Panginoong Hesus.
Ano ano nga ba ang mga maaari nating gawin upang mapalago natin ang ating pananampalataya at pagkakakilala sa ating Panginoon?
-Pananalangin
Para makausap natin ang Panginoon, kailangan nating manalangin. Paano natin makikilala ng lubusan at paano natin mapapalalim ang ugnayan natin sa ating Panginoon kung hindi natin siya kakausapin? Kaya't kung ninanais nating tayo ay lumago at mas mapalapit sa ating Panginoon, lagi natin ugaliing manalangin.
Paano naman natin malalaman ang sagot ng Panginoon sa mga panalangin natin?
-Pagbabasa
Sa panahon ngayon, hindi na natin makakausap ng harapan ang ating Panginoon kaya't hindi natin malalaman ang kanyang mga sagot kung hindi natin babasahin ang banal na kasulatan na pinagtatalaan ng mga tagubilin at mga tuntunin na dapat nating sundin upang mapalago at mas mapalapit pa tayo sa ating Panginoon. Kaya't gaya ng pananalangin, lagi rin natin uugaliin ang pagbabasa ng bibliya upang hindi natin makaligtaan ang kanyang mga ipinaguutos sa atin.
Magandang umaga po sa ating lahat, pagpalain po tayo
Bro. Rodelio Cequeña