MLHC Ordovilla

MLHC Ordovilla Announcement,
Activities and
Words of God

LOVE MOVES FIRST | Hearts Day Fellowship 2026 💖(1 Juan 4:16–20)Noong nakaraang Linggo, naranasan nating muli ang dakilan...
20/02/2026

LOVE MOVES FIRST | Hearts Day Fellowship 2026 💖
(1 Juan 4:16–20)

Noong nakaraang Linggo, naranasan nating muli ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa ating Hearts Day Fellowship. Sa pamamagitan ng mga awitan, pagbabahaginan, at Kanyang Salita, tunay na napuno ng kagalakan at inspirasyon ang bawat isa. ✨

Sa pamamagitan ng mensaheng ibinahagi ng ating mensahera na si Ate Marithel M. Ordoña, mas naunawaan natin na ang pag-ibig ay hindi lamang salita, ito ay kilos. Ang Diyos ang unang nagmahal sa atin, kaya tayo rin ay tinatawag na magmahal, magpatawad, at maglingkod sa iba. 🙏

Isang makabuluhang pagtitipon na muling nagpaalala sa atin na ang pag-ibig ng Diyos ang ating lakas, gabay, at dahilan upang patuloy na kumilos sa pananampalataya.



👑 Awarding of Mr. and Ms. Valentines & Best in Attire | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️Isang espesyal na bahagi ng ating H...
20/02/2026

👑 Awarding of Mr. and Ms. Valentines & Best in Attire | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️

Isang espesyal na bahagi ng ating Hearts Day Fellowship ang pagbibigay-parangal sa ating Mr. and Ms. Valentines at Best in Attire. Ipinakita ng bawat isa ang kanilang kumpiyansa, saya, at natatanging ganda at kakisigan habang suot ang kanilang magagandang kasuotan. ✨

Higit pa sa korona at parangal, ipinakita nito ang pagkakaisa, suporta, at pagmamahalan ng bawat isa. Tunay ngang ang araw na ito ay naging mas makulay at makabuluhan, dahil Love moves first. ❤️



🎉 Games and Raffles | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️Napuno ng saya, tawanan, at excitement ang ating Hearts Day Fellowshi...
20/02/2026

🎉 Games and Raffles | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️

Napuno ng saya, tawanan, at excitement ang ating Hearts Day Fellowship sa pamamagitan ng mga inihandang games at raffles. Ang bawat isa ay nakilahok, nakisaya, at nag-enjoy sa mga gawain na lalong nagpatibay ng ating samahan. ✨

Hindi lamang ito tungkol sa mga premyo, kundi sa masasayang alaala at pagkakaisang ating naranasan. Tunay ngang ang araw na ito ay puno ng saya at pag-ibig, dahil Love moves first. ❤️



📖 Word of God | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️Love Moves First (1 Juan 4:16–20)Sa pamamagitan ng mensaheng ibinahagi ng a...
20/02/2026

📖 Word of God | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️
Love Moves First (1 Juan 4:16–20)

Sa pamamagitan ng mensaheng ibinahagi ng ating mensahera na si Sister Marithel M. Ordoña, ipinaalala sa atin na ang Diyos ang unang nagmahal sa atin. Dahil dito, tinuturuan din tayong magmahal sa iba, magpatawad, at gumawa ng mabuti sa kapwa. ✨

Ang Salita ng Diyos ay nagbigay sa atin ng lakas at inspirasyon upang patuloy na mamuhay nang may pag-ibig at pananampalataya. Tunay nga, Love moves first. ❤️



Praise and Worship | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️Sa bawat awit at papuri, sabay-sabay nating itinataas ang pangalan ng ...
20/02/2026

Praise and Worship | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️

Sa bawat awit at papuri, sabay-sabay nating itinataas ang pangalan ng Panginoon. Hindi lamang ito simpleng pag-awit, kundi isang taos-pusong pagsamba at pasasalamat sa Kanya na unang nagmahal sa atin. ✨



Pag-ibig na Galing sa Diyos 💖Mula sa mensahe ni Pastora Ruth Pesigan, natutunan natin na ang tunay na pag-ibig ay utos n...
15/02/2026

Pag-ibig na Galing sa Diyos 💖

Mula sa mensahe ni Pastora Ruth Pesigan, natutunan natin na ang tunay na pag-ibig ay utos ng Diyos. Sa Lucas 10:25–28, sinabi na dapat nating ibigin ang Panginoon nang buong puso, kaluluwa, lakas, at isip, at ibigin ang ating kapwa gaya ng ating sarili. Ang pag-ibig na ito ang nagbibigay sa atin ng kapayapaan, lakas, at gabay sa ating buhay. 🙏

Ngayong Hearts Month, nawa’y patuloy nating ipakita ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa sa pamamagitan ng mabubuting gawa at tunay na malasakit. 💕

Kami rin ay nagpapasalamat at nagbibigay-parangal sa ating mga Best Tithers noong buwan ng Enero. Ang inyong katapatan ay patunay ng inyong pag-ibig at pananampalataya sa Diyos. Nawa’y patuloy kayong pagpalain. ✨



Sadya bang Huli na Para sa Pakikipagsundo?🤝Mula sa preach ni Pastora Ruth Pesigan, ating napagtanto na ang pakikipagsund...
08/02/2026

Sadya bang Huli na Para sa Pakikipagsundo?🤝

Mula sa preach ni Pastora Ruth Pesigan, ating napagtanto na ang pakikipagsundo ay hindi kailanman huli kapag may pusong handang magpakumbaba at magmahal. Ang pagkakamali ay hindi katapusan, kundi pagkakataon upang humingi ng tawad, magpatawad, at magsimulang muli sa gabay ng Diyos. 🙏

Hangga’t may buhay at pag-ibig ng Panginoon, may pag-asa para sa kapayapaan at pagkakaisa . Piliin natin ang pakikipagsundo kaysa galit, at hayaang ang pag-ibig ng Diyos ang manguna sa ating mga puso.💖



Ready ka na sa Heart’s Day Fellowship? ❤️Tickets are now available for ₱20 lang!🎟️ Admit one, and invite someone!Mas mas...
08/02/2026

Ready ka na sa Heart’s Day Fellowship? ❤️
Tickets are now available for ₱20 lang!

🎟️ Admit one, and invite someone!
Mas masaya kapag mas marami, the more the merrier!

Grab yours now bago maubusan at sama-sama nating ipagdiwang ang dakilang pag-ibig ni Lord sa pamamagitan ng saya, papuri, at fellowship.

📍 Maaaring bumili ng ticket at magpunta sa bahay ng Youth President na si Me-Ann P. Balancio.
Kita-kits, kabataan! ✨

Hearts Month na, kapatid! ❤️May ka-date ka na ba ngayong Valentine’s?Sa panahong madalas inuuna ang romantic love, inaan...
08/02/2026

Hearts Month na, kapatid! ❤️
May ka-date ka na ba ngayong Valentine’s?

Sa panahong madalas inuuna ang romantic love, inaanyayahan namin ang lahat ng kabataan na balikan at ipagdiwang ang pag-ibig na nagmumula sa Diyos, ang pag-ibig na totoo, tapat, at walang kondisyon.

Halina’t makiisa sa aming Heart’s Day Fellowship ngayong:

🗓️ Pebrero 15, 2026
⏰ 1:00–5:00 PM

Magsama-sama tayo bilang magkakapatid at iparamdam ang Dakilang Pag-ibig ng Panginoon sa ating kapwa, sapagkat “Ang Diyos ay pag-ibig, at ang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos.”
📖 1 Juan 4:16–20

Sa Hearts Month na ito, piliin nating magmahal gaya ng pagmamahal Niya sa atin.
Kita-kits!

Ang Matuto Mula sa Ating mga Pagkakamali 🌱Mula sa mensahe ni Pastora Ruth Pesigan, ating natutunan na ang pagkakamali ay...
01/02/2026

Ang Matuto Mula sa Ating mga Pagkakamali 🌱

Mula sa mensahe ni Pastora Ruth Pesigan, ating natutunan na ang pagkakamali ay hindi tanda ng kabiguan, kundi pagkakataon upang matuto at maging mas mabuting tao. Ang tunay na paglago ay nangyayari kapag tinatanggap natin ang ating mga kamalian at ginagabayan ng aral na dala ng Diyos.

Sa buhay, bawat pagkakamali ay may leksyon. Mahalagang harapin ito nang may tapang, magpakumbaba, at magsikap na itama ang mali. Kapag natututo tayo mula sa ating pagkakamali, mas nagiging matalino at matatag tayo sa ating mga desisyon.

Dahil unang Linggo ng buwan, nagkaroon tayo ng Banal na Communion, na nagpapaalala sa atin ng sakripisyo ni Jesus at ng Kanyang patuloy na paggabay sa ating buhay. 💖



SAMAHAN NG KABABAIHAN 💖🙏Muling nagsimula ang pagtitipon ng ating mga kananayan. Isang pagkakataon para magdasal, magbaha...
25/01/2026

SAMAHAN NG KABABAIHAN 💖🙏

Muling nagsimula ang pagtitipon ng ating mga kananayan. Isang pagkakataon para magdasal, magbahaginan, at patibayin ang pananampalataya. Dito, mas lumalalim ang samahan at mas tumitibay ang ugnayan sa Diyos at sa isa’t isa.

Kahit abala sa pang-araw-araw na gawain at responsibilidad, patuloy ang kanilang pagmamahal at paglilingkod. Isang paalala na ang tunay na lakas ng isang babae ay nagmumula sa pusong bukas sa Diyos at sa kapwa. 💐✨



Kristyanong Disiplina – Tunay na Pangako 🙏(Lucas 9:57–62)Mula sa mensahe ni Pastora Ruth Pesigan, ating natutunan na ang...
25/01/2026

Kristyanong Disiplina – Tunay na Pangako 🙏
(Lucas 9:57–62)

Mula sa mensahe ni Pastora Ruth Pesigan, ating natutunan na ang pagsunod kay Jesus ay hindi lang nagsisimula sa kagustuhan, kundi sa tunay na paninindigan. Ang pagiging Kristiyano ay nangangailangan ng disiplina, sakripisyo, at buong pagtitiwala sa Diyos.

Sa Lucas 9:57–62, ipinakita ni Jesus na ang pagsunod sa Kanya ay walang kondisyon. Kapag pinili nating sumunod, kailangan nating unahin ang Diyos at magpatuloy kahit may mga pagsubok.

Araw-araw, tinatawag tayo na maging disiplinadong Kristiyano: manalangin, magtiwala, at manatiling tapat. Sa ganitong paraan, mas napapalapit tayo sa Diyos at mas tumitibay ang ating pananampalataya. 💖



Address

Brgy Ordovilla, Victoria Oriental Mindoro
Victoria
5205

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MLHC Ordovilla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category