26/08/2026
๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ธ๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ธ๐ฟ๐ถ๐ฝ๐ถ๐๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป?" โ๏ธ๐ฅ
Sa ating reflection ngayong Miyerkules, ipinapaalala sa atin ni Hesus:
"๐ฒ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐."
-Mateo 16:24
Anuman ang krus na mabigat na dinadala mo ngayon, tandaan mong hindi mo ito pasang mag-isa. ๐ค
--------------------------------------------------
๐ก๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฒ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฒ๐น๐๐ผ:
Mateo 16, 21-27
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinimulang ipaalam na ni Hesus sa kanyang mga alagad na dapat siyang magtungo sa Jerusalem at magbata ng maraming hirap sa kamay ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at kanilang ipapapatay siya. Ngunit sa ikatlong araw siyaโy muling mabubuhay. Niyaya siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan ng ganito: โPanginoon, huwag nawa ng itulot ng Diyos! Hindi po dapat mangyari ito sa inyo.โ Ngunit hinarap siya ni Hesus at sinabihan, โLumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip moโy hindi sa Diyos kundi sa tao.โ
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โKung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nitoโy ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Sapagkat darating ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa panahong yaoโy gagantihin niya ang bawat tao ayon sa kanyang ginawa.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.