KofC Council 10695 of Parish of the Holy Cross

KofC Council 10695 of Parish of the Holy Cross Knights of Columbus Council 10695 was established on July 14 1990 at Parish of the Holy Cross

Bro. ROMAN D RABINA
Incumbent Grand Knight of council 10695

21/05/2026
20/05/2026

Kapistahan ng Mahal na SeΓ±or!

Nakiisa ang Knights of Columbus Council 10695 sa masayang pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na SeΓ±or. Isang makahulugan...
20/05/2026

Nakiisa ang Knights of Columbus Council 10695 sa masayang pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na SeΓ±or. Isang makahulugang pagdiriwang ng pananampalataya, pagkakaisa, at debosyon kasama ang buong komunidad. Vivat Jesus! Viva Mahal na SeΓ±or! πŸ™

19/05/2026

πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 π’π„πΜƒπŽπ‘!

Ang lahat ay inaanyayahang makiisa sa mga banal na misa para sa kapistahan ng Mahal na SeΓ±or.

Mga misa:
6:30 ng umaga
6:00 ng hapon

Pagkatapos ng ika-anim ng hapon ay gaganapin ang maringal na prusisyon.

Ang lahat rin ay inaanyayahan magsuot ng filipiniana na may bulaklakin na disensyo bilang parte ng ating selebrasyon.

Kitakits bukas!



Bro Nazareno Cunanan
17/05/2026

Bro Nazareno Cunanan

π‚π«π¨π¬π¬ππ¨π¬βœοΈ
π‘Šβ„Žπ‘’π‘Ÿπ‘’ π‘’π‘£π‘’π‘Ÿπ‘¦ π‘π‘Ÿπ‘œπ‘ π‘  𝑑𝑒𝑙𝑙𝑠 π‘Ž π‘ π‘‘π‘œπ‘Ÿπ‘¦ π‘œπ‘“ π‘“π‘Žπ‘–π‘‘β„Ž π‘Žπ‘›π‘‘ π‘–π‘›π‘ π‘π‘–π‘Ÿπ‘Žπ‘‘π‘–π‘œπ‘›

Ngayon ay dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoong Hesus. Ipinagdiriwang rin natin ang 60th World Communication Sunday. Upang mas lalong mapalalim ang ating pagninilay, ating basahin ang personal na pagninilay at repleksyon ng ating kapwa lingkod mula sa EHMC- Bro Nazareno Cunanan

"Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo." (Mateo 28:19)

Ito ang huling atas o bilin ng ating Panginoon sa kanyang labing-isang alagad bago umakyat sa langit. Hindi nagtatapos doon ang paghayo. Tayo rin, sa pagtatapos ng bawat pagdiriwang ng misa, ay inaatasan na humayo at mahalin at paglingkuran ang bawat isa. Kaya naman tayo, kung sumusunod nga, ay naglilingkod at nagpapahayag ng aral ni Kristo sa pamamagitan ng ating pamumuhay na nababatay sa kabutihan, katotohanan, at pagmamahal. Sa ating magandang halimbawa, tunay na naibabahagi at naipapahayag ang Mabuting Balita.

At sa huli, lagi tayong sinasamahan ng Panginoon dahil ito ang tapat na pangako niya sa mga sumusunod sa lahat ng kanyang ipinag-uutos.

Ito ang aking saligan sa buhay at napatunayan ko na sa bawat mahirap at masalimuot na bahagi ng aking buhay ay lagi akong dinirinig ng Panginoon kapag nanalangin ako at humingi ng patnubay at kasagutan.

"Tandaan ninyo: ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng daigdig." (Mateo 28:20b)
-Bro. Rino Cunanan



17/05/2026
Matagumpay na nagtapos ang Knights Basketball League ng Council 10695, isang paligsahang hindi lamang nagpakita ng husay...
17/05/2026

Matagumpay na nagtapos ang Knights Basketball League ng Council 10695, isang paligsahang hindi lamang nagpakita ng husay sa laro kundi higit sa lahat ay nagpapatibay ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at tunay na diwa ng brotherhood sa ating konseho. Sa bawat laban, hindi lamang puntos ang nakuha kundi respeto, camaraderie, teamwork, at mas matibay na samahan bilang magkakapatid sa Knights of Columbus. Maraming salamat sa lahat ng teams, organizers, supporters, at mga brother knights na naging bahagi ng matagumpay na liga na ito. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang mapalakas ang ating konseho at sama-samang maitaguyod ang mga adhikain ng Council 10695 para sa Simbahan at komunidad.
Hindi dito nagtatapos ang laban, ito ay simula pa lamang ng mas matibay na pagkakaisa para sa tagumpay ng ating konseho. One council. One brotherhood. One mission. Vivat Jesus! πŸ™πŸ€

Taos-pusong pagbati sa ating mga bagong 3rd Degree Brother Knights na matagumpay na nakapagtapos ng kanilang Full Knight...
16/05/2026

Taos-pusong pagbati sa ating mga bagong 3rd Degree Brother Knights na matagumpay na nakapagtapos ng kanilang Full Knighthood Exemplification sa Bulacan State University.Nawa’y magsilbi itong panibagong yugto ng mas matibay na pananampalataya, pagkakapatiran, at paglilingkod sa Simbahan at komunidad bilang tunay na mga kabalyero ni Kristo. βš”οΈπŸ™
Kasama nilang sumuporta at gumabay ang ating Membership Director na si Emil Nazareth, bilang patunay ng pagkakaisa at patuloy na pagpapalakas ng ating kapatiran sa Knights of Columbus.
Patuloy tayong maging ilaw at inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng charity, unity, fraternity, at patriotism.
Vivat Jesus!

Taus-pusong kagalakan at pagpapasalamat ang naramdaman ng buong Konseho 10695 ng Knights of Columbus sa Parish of the Ho...
16/05/2026

Taus-pusong kagalakan at pagpapasalamat ang naramdaman ng buong Konseho 10695 ng Knights of Columbus sa Parish of the Holy Cross sa mapagpalang pagdalaw ng Bishop Dennis Villarojo ng Diocese of Malolos.
Ang inyong presensya, panalangin, at mensahe ng pananampalataya ay nagbigay-inspirasyon at lalong nagpatatag sa aming pagkakaisa bilang mga lingkod ng Simbahan at bayan.
Patuloy kaming magsisilbi nang may pananampalataya, pagkakawanggawa, pagkakapatiran, at pagkamakabayan para sa mas dakilang kaluwalhatian ng Diyos.
Vivat Jesus! βš”οΈπŸ™

Address

GEN T DE LEON
Valenzuela
1442

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KofC Council 10695 of Parish of the Holy Cross posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share