SDA Youth Ministry

SDA Youth Ministry Sa Diyos ang Awa Catholic Charismatic Community

👻❌ No tricks, just grace! ✝️It’s not Halloween — it’s HOLYween! 🙌Mula po sa Sa Diyos Ang Awa Catholic Charismatic Commun...
01/11/2025

👻❌ No tricks, just grace! ✝️
It’s not Halloween — it’s HOLYween! 🙌

Mula po sa Sa Diyos Ang Awa Catholic Charismatic Community Commission on Formation at Youth Ministry ay taos-puso po kaming nagpapasalamat sa bawat bata at mga magulang na nagbigay ng oras para maging matagumpay ang gawaing ito. Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa Hallows Eve.

Dahil sa inyong pananampalataya at sigasig, tunay nating naipakita na ang kabanalan ay buhay at patuloy na isinasabuhay ng bawat Kristiyano.

Sa patnubay ng Mahal na Birheng Maria, nawa’y patuloy tayong magkaisa sa panalangin at pagmamahal sa Diyos.
Happy Hallows Eve!!😇😇

13/07/2025
Weekly Reflection
13/07/2025

Weekly Reflection

Panibagong linggo ng pagtuturo at pagpapahayag ng mabuting balita ng Panginoon, harinaway lumago ang kanilang kaalaman a...
13/07/2025

Panibagong linggo ng pagtuturo at pagpapahayag ng mabuting balita ng Panginoon, harinaway lumago ang kanilang kaalaman at pananampalataya sa iyo oh Diyos
To God Be All The Glory

Ang pagtatalaga ng mga bago at dating miyembro ng Pandiyosesis na Sentro ng Katesismo ( P***A ) na pinangunahan ng ating...
13/07/2025

Ang pagtatalaga ng mga bago at dating miyembro ng Pandiyosesis na Sentro ng Katesismo ( P***A ) na pinangunahan ng ating kura paroko na si Rdo. Padre Edmar "Emai" Estrella kasabay ng misa ng ika-9 ng umaga sa Parish of the Risen Lord - Veinte Reales, Valenzuela

***A



Nobyembre 12, 2024-GospelMartes, Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon Saint JosaphatMagandang Araw po sa ating lahat mga ...
12/11/2024

Nobyembre 12, 2024-Gospel
Martes, Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Saint Josaphat

Magandang Araw po sa ating lahat mga kaibigan,mga kapatid,at mga kapanalig.Halina't sama-sama po nating basahin at pagnilayan ang ebanghelyo ngayong araw ng Martes na mula sa aklat ni San Lucas.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay san Lucas.
Pagbasa: 17:7-10
Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, “Ipalagay nating kayo’y may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, ‘Halika at nang makakain ka na’? Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako’y kumakain. Kumain ka pagkakain ko.’ Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayun din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami’y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.’”

God Bless us all, To God be All the Glory! 🙏🙏🙏

Setyembre 24, 2024-GospelMartes, Ikalabing 25 Linggo sa Karaniwang PanahonSaint Isarnus of ToullouseIsang mapagpalang ar...
24/09/2024

Setyembre 24, 2024-Gospel
Martes, Ikalabing 25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Saint Isarnus of Toullouse

Isang mapagpalang araw po sa ating lahat mga kaibigan, mga kapatid, at mga kapanalig. Halinat sama-sama po nating basahin at pagnilayan ang ebanghelyo ngayong araw ng Martes na mula sa aklat ni San Lucas.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas:
Pagbasa:Lucas 8:19-21

Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus, ngunit hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; ibig nilang makipagkita sa inyo.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid.”

Bless us all, To God Be All the Glory!🙏🙏🙏

Setyembre 22, 2024-GospelLinggo, Ikalabing 25 Linggo sa Karaniwang PanahonSaint Thomas VillanovaIsang mapagpalang araw p...
21/09/2024

Setyembre 22, 2024-Gospel
Linggo, Ikalabing 25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Saint Thomas Villanova

Isang mapagpalang araw po sa ating lahat mga kaibigan, mga kapatid, at mga kapanalig. Halinat tayo po ay magsimba at sama-sama po nating basahin at pagnilayan ang ebanghelyo ngayong araw ng Linggo Ikalabing 25 Linggo sa Karaniwang Panahon na mula sa aklat ni San Marcos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos:
Pagbasa:Marcos 9:30-37

Noong panahong iyon, si Hesus at ang kanyang mga alagad ay nagdaan sa Galilea. Ayaw ni Hesus na malaman ito ng mga tao, sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. Sinabi niya: “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo at papatayin, ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.” Hindi nila naunawaan ang sinabi niya, ngunit natatakot naman silang magtanong sa kanya. At dumating sila sa Capernaum. Nang sila’y nasa bahay na, tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad, “Ano ba’ng pinagtatalunan ninyo sa daan?” Hindi sila kumibo, sapagkat ang pinagtatalunan nila’y kung sino sa kanila ang pinakadakila. Naupo si Hesus, tinawag ang Labindalawa at sinabi, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” Tinawag niya ang isang maliit na bata, at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi, “Ang sinumang tumanggap sa isang maliit na batang tulad nito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at sinumang tumanggap sa akin – hindi ako ang kanyang tinatanggap kundi ang nagsugo sa akin.”

Bless us all, To God Be All the Glory!🙏🙏🙏

Setyembre 21, 2024-GospelSabado, Ikalabing 24 Linggo sa Karaniwang PanahonSaint Matthew the ApostleIsang mapagpalang ara...
20/09/2024

Setyembre 21, 2024-Gospel
Sabado, Ikalabing 24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Saint Matthew the Apostle

Isang mapagpalang araw po sa ating lahat mga kaibigan, mga kapatid, at mga kapanalig. Halinat sama-sama po nating basahin at pagnilayan ang ebanghelyo ngayong araw ng Sabado na mula sa aklat ni San Mateo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo:
Pagbasa:Mateo 9:9-13

Noong panahong iyon, umalis si Jesus sa lugar na iyon. Sa kanyang paglalakad, nakita niya ang isang taong ang pangala'y Mateo; nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, "Sumunod ka sa akin." Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya. Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila'y magkakasalong kumain. Nang makita ito nang mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, "Bakit sumasalo sa mga publikano at sa mga makasalanan ang inyong g**o?" Narinig ito ni Jesus at siya ang sumagot, "Ang mga maysakit ang siyang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit. Humayo kayo at unawain ang kahulugan nito, 'Habag ang ibig ko at hindi hain.' Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal."

Bless us all, To God Be All the Glory!🙏🙏🙏

Setyembre 19, 2024-GospelHuwebes, Ikalabing 24 Linggo sa Karaniwang PanahonOur Lady of La SaletteMagandang araw po sa at...
18/09/2024

Setyembre 19, 2024-Gospel
Huwebes, Ikalabing 24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Our Lady of La Salette

Magandang araw po sa ating lahat mga kaibigan, mga kapatid, at mga kapanalig. Halinat sama-sama po nating basahin at pagnilayan ang ebanghelyo ngayong araw ng Huwebes na mula sa aklat ni San Lucas.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas:
Pagbasa:Lucas 7:36–50

Noong panahong iyon, inanyayahan si Hesus ng isa sa mga Pariseo upang makasalo niya. Pumaroon siya sa bahay nito at dumulog sa hapag. Sa bayan namang yaon ay may isang babae na kilalang makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo, kaya’t nagdala siya ng pabangong nasa sisidlang alabastro. At lumapit siya sa likuran ni Hesus, sa gawing paanan. Siya’y nanangis at nabasa ng kanyang luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinagkan, at pinahiran ng pabango. Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Hesus, nasabi nito sa sarili, “Kung talagang propeta ang taong ito, alam niya kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kanya — isang makasalanan!” Bilang tugon sa iniisip ni Simon, sinabi ni Hesus, “Simon, may sasabihin ako sa iyo.” Sumagot siya, “Ano po iyon, Guro?” Sinabi ni Hesus, “May dalawang taong nanghiram sa isang nagpapautang; ang isa’y limandaang denaryo at ang isa nama’y limampu. Nang hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sino sa kanila ang lalong nagmamahal sa nagpautang?” Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po’y ang pinatawad ng malaking halaga.” “Tama ang sagot mo,” ang tugon ni Hesus. Nilingon niya ang babae, at sinabi kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit binasa niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ng kanyang buhok. Hindi mo ako hinagkan, ngunit siya, mula nang pumasok siya ay hindi tumigil sa paghalik sa aking mga paa. Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo, subalit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa. Kaya’t sinasabi ko sa iyo, ang malaking pagmamahal na ipinamalas niya ang nagpapatunay na ipinatawad na ang marami niyang kasalanan; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti lang ang pagmamahal na ipinamamalas.” Saka sinabi sa babae, “Ipinatawad na ang iyong mga kasalanan.” At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili, “Sino ba itong pati pagpapatawad sa kasalanan ay pinangangahasan?” Ngunit sinabi ni Hesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananalig; yumaon ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban.”

Bless us all, To God Be All the Glory!🙏🙏🙏

Address

161 ISABELO FERNANDO Street MALANDAY, VALENZUELA CITY
Valenzuela

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SDA Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share