San Roque de Mabolo

San Roque de Mabolo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Roque de Mabolo, Religious organisation, m hernandez, Valenzuela.

25/05/2026
Tanong ng isang nag-comment: Para saan daw ang mga rebulto ng Simbahan?Sa Simbahang Katoliko, ang mga rebulto at sagrado...
21/05/2026

Tanong ng isang nag-comment: Para saan daw ang mga rebulto ng Simbahan?

Sa Simbahang Katoliko, ang mga rebulto at sagradong imahen ay hindi sinasamba bilang mga diyos, kundi ginagamit bilang mga visual na paalala at instrumento sa panalangin upang mapalapit sa Diyos.

Meron akong krusipiho malapit sa kwarto ko at pagkagising ko agad ako nagpapasalamat sa sakripisyo ni Cristo sa krus para sa aking kaligtasan. Hindi ko ito sinasamba pero sinasamba ko ang pinapaalala ng rebulto na ito.

Ayon sa opisyal na aral ng Catechism of the Catholic Church (CCC 2132), ang paggalang sa mga imahen ay hindi nagtatapos sa materyal na bagay, kundi tumutukoy sa inilalarawan nito.

Narito ang mga pangunahing gamit at layunin ng mga rebulto sa Katoliko:

Paalala at Larawan ng Pananampalataya
Parang Litrato ng Pamilya: Ang mga rebulto nina Hesus, Maria, at mga santo ay nagsisilbing larawan ng "pamilya sa pananampalataya". Kung paano nagtatabi ang tao ng larawan ng mga mahal sa buhay, gayon din ang ginagawa ng Simbahan sa mga banal na nauna sa langit.

Bibliya ng mga Hindi Nakakabasa: Noong unang panahon kung kailan marami ang hindi marunong magbasa, ang mga rebulto at painting sa loob ng simbahan ang nagtuturo ng mga kwento sa Bibliya at kasaysayan ng kaligtasan.

Gabay sa Panalangin at Meditasyon
Tulong sa Pokus: Ginagamit ang mga ito upang ituon ang isip at puso sa pananalangin, lalo na para maiwasan ang paggala ng isip.

Bintana Patungo sa Langit: Ang rebulto ay nagsisilbing tulay o paalala ng kabanalan at mabuting pamumuhay ng mga santo na dapat tularan ng mga mananampalataya.

Pagkakaiba ng Pagsamba (Latria) at Paggalang (Veneration)
Para sa Diyos Lamang: Ang Latria o ang tunay na pagsamba ay nakalaan lamang para sa Diyos (Ama, Anak, at Espiritu Santo).

Para sa mga Santo: Ang Dulia o paggalang (veneration) ay ibinibigay sa mga santo. Ang pagluhod o paghalik sa rebulto ay tanda ng paggalang sa kinakatawan nito, hindi sa mismong kahoy, semento, o plaster.

15/05/2026

Maraming Salamat Po

14/05/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 π—™π—œπ—˜π—¦π—§π—”, 𝗦𝗣𝗣𝗖 π— π—”π—•π—’π—Ÿπ—’! πŸŽ‰

Maligayang Kapistahan ng Mahal na Patrong
𝗦𝗔𝗑 π—₯π—’π—€π—¨π—˜ π——π—˜ π— π—”π—•π—’π—Ÿπ—’
Ika-12 ng Mayo, 2026

Sa pamamagitan ng halimbawa ni San Roque, nawa’y patuloy kayong maging matatag sa pananampalataya at puspos ng malasakit sa kapwa, lalo na sa panahon ng pagsubok at karamdaman. Nawa’y ipagkaloob ng Panginoon sa inyong pamayanan ang mabuting kalusugan, kapayapaan, at masaganang pagpapala.







14/05/2026
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang ng Pistang Pasasalamat Alay ka...
14/05/2026

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang ng Pistang Pasasalamat Alay kay San Roque de Mabolo 2026. Mula sa umpisa ng paghahanda hanggang sa pagtatapos ng selebrasyon, tunay naming nakita ang pagkakaisa, pananampalataya, at malasakit ng bawat isa.

Una sa lahat, taus-puso kaming nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa Kanyang walang sawang paggabay, biyaya, pagpapagaling at proteksyon na naging daan upang maging maayos, mapayapa, at makahulugan ang buong pagdiriwang. Sa pamamagitan ni San Roque de Mabolo muli naming naranasan ang lakas ng pananampalataya at pagmamahalan bilang isang komunidad.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga taong nasa likod ng bawat misa, programa, at gawain β€” sa aming mga pari, lay ministers, choir members, lectors and commentators, sakristan, technical team, at sa lahat ng naglaan ng oras, talento, at pagod upang maging maayos at makabuluhan ang bawat bahagi ng pista.

Maraming salamat sa aming mahal na Hermana, organizers, committees, sponsors, volunteers, at donors na naging katuwang sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga aktibidad. Ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at pagmamahal sa simbahan at sa komunidad ay naging inspirasyon sa marami.

Nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga kalahok sa iba’t ibang aktibidad at programa na nagbigay-buhay at sigla sa ating selebrasyon. Ang inyong pakikiisa ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng ating pista.

Sa mga taong araw-araw na naglilingkod sa simbahan at tahimik na tumutulong sa anumang paraan, maraming salamat po sa inyong tapat na paglilingkod. Kayo po ay tunay na biyaya sa ating pamayanan.

Higit sa lahat, maraming salamat sa lahat ng mga mamamayan at deboto na dumalo, nagsimba, nakiisa, at nag-alay ng kanilang panalangin at suporta. Ang inyong presensya at pananampalataya ang tunay na puso ng ating pagdiriwang.

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Poong Maykapal at gabayan ni San Roque de Mabolo sa ating araw-araw na pamumuhay. Dalangin namin na manatiling buhay ang diwa ng pagkakaisa, pananampalataya, at pasasalamat sa ating komunidad.

Maraming salamat po at pagpalain po tayong lahat.

Mula po sa SPPC Mabolo

14/05/2026
Mula po sa  San Roque de Mabolo at SPPC Mabolo. Maraming Salamat Po sa Pistang Pasasalamat Alay kay San Roque de Mabolo ...
13/05/2026

Mula po sa San Roque de Mabolo at SPPC Mabolo.
Maraming Salamat Po sa Pistang Pasasalamat Alay kay San Roque de Mabolo 2026.

Isang mapagpalang araw po mga ka-deboto kay San Roque de Mabolo!

Mula po sa lahat ng bumubuo ng pamunuan ng Pistang Pasasalamat Alay kay San Roque de Mabolo 2026, kami po ay nag-papaabot ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga naging tagapagtangkilik, nagpaabot ng mga donasyon at sumuporta sa lahat ng ating mga gawaing pangliturhiya at pangkultura.
Ang mga gawain na inaakala namin ay hindi madali ay ating maayos na naisagawa dahil po sa inyong lahat. Amin pong pinapahalagahan ang inyong mga pag-gabay, mga sakripisyo at bayanihan upang maidaos ang Pistang Pasasalamat.
Muli ang aming pagpapa-abot ng maraming, maraming salamat po.πŸ™β˜ΊοΈ


Address

M Hernandez
Valenzuela
1444

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Roque de Mabolo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share