29/09/2026
STAGNANT na ba ang church?
o Baka naman DYING na?
Isa sa mga STRUGGLES ng churches ngayon ay kung paano mag-grow!
Madami na ang SINUBUKAN
Madami na ang BINAGO
Madami na ang INALIS sa tradisyon
Madami na ang IDINAGDAG na STRATEGIES
Pero bakit hindi pa rin growing?
Simple lang naman ang sagot.
Ang church ay hindi tungkol sa PASTOR
Ang church ay hindi tungkol sa LEADERS
Ang church ay hindi tungkol sa MEMBERS
at lalong ang church ay hindi tungkol sa kung ano GINAGAWA natin.
Ang Church ay tungkol sa ATIN.
Ito ay tungkol sa LAHAT ng bahagi ng KATAWAN ni Cristo dahil iisang katawan tayo.
Hindi pwedeng iisang bahagi lang ng katawan ang GROWING. Dapat lahat ng parts ng katawan ay LUMALAGO. Dapat lahat ng members ay UMUUNLAD sa pananampalataya Kay Cristo.
Kaya nga tungkol sa KATAWAN, tungkol sa Church, pangunahin sa dapat isapamuhay ang PAGKAKAISA at KAISAHAN. Ito ang susi sa Paglago.
Hindi lalago ang church kung PASTOR lang ang kumikilos.
Hindi lalago ang church kung LEADERS lang ang kumikilos.
Hindi lalago church kung ILAN lang sa members ang kumikilos. Dapat LAHAT AY GUMAGAWA ng kanilang TUNGKULIN ayon sa KALOOB sa bawat isa ng Banal na Espiritu. (1 Corinthians 12)
๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐๐๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ง๐๐ ๐๐จ๐๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐ ๐ซ๐จ๐ฐ๐ญ๐ก ๐ง๐ ๐๐ก๐ฎ๐ซ๐๐ก. Dahil kung ang lahat ay kikilos ng sama-sama, hindi na mapipigilan ang paglago ng church ng sagana!