07/10/2026
𝐇𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚'𝐭 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐦𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐚𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐅𝐚𝐭𝐢𝐦𝐚.
Nagpapatuloy ang ating paghahanda sa Misa Nobenaryo sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Fatima para sa ika-109 na Anibersaryo ng kanyang Huling Pagpapakita. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Rdo. P. Francis Joel P. Cruz, Bikaryo Paroko ng San Isidro Labrador Parish sa Malinta, Valenzuela City.
Sa tulong ng Mahal na Birhen ng Fatima kasama ang mga Banal tulad nina Francisco, Jacinta, at Lucia, matamasa nawa natin ang himalang ipinangako at binigyang katuparan para sa lahat ng naniniwala at nagbabalik-loob sa Panginoon.
Mga Batang Pastol ng Fatima, ipanalangin ninyo kami.
Mahal na Birhen ng Fatima, ipanalangin mo kami.
—