Ang Sinag - Chapel of Our Lady of the Miraculous Medal

Ang Sinag - Chapel of Our Lady of the Miraculous Medal Through its various initiatives, the council aims to build a strong, faith-filled community that reflects the values of love, service, and solidarity.

Sub-Parish Pastoral Council of the Parish of the Parish of the National Shrine of Our Lady of Fatima, Valenzuela City

You can read or download the chapelโ€™s written history using this link:
https://drive.google.com/file/d/1Te1NvSmfIOoEFucgP9n7eYRW9dowD_fA The Taรฑada Sub-Parish Pastoral Council plays a vital role in enhancing the spiritual life of the community and ensuring that the parish remains a vibrant and welcoming place for all.

๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ค๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ฌMayo 24, 2026Ipinagdiwang ang Banal na Eukaristiya sa ating Kapilya ngayong ika-24 ng Mayo, 2026, L...
24/05/2026

๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ค๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ฌ
Mayo 24, 2026

Ipinagdiwang ang Banal na Eukaristiya sa ating Kapilya ngayong ika-24 ng Mayo, 2026, Linggo ng Pentekostes sa ganap na alas 8:00 ng umaga at pinangunahan ni Rdo. Padre Serafin F. Peralta, CM, mula sa Saint Vincent Seminary ng Tandang Sora, Quezon City

๐Ÿ“ธ ๐‘ด๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ด๐’†๐’…๐’Š๐’‚ ๐‘ด๐’Š๐’๐’‚๐’ˆ๐’“๐’๐’”๐’‚ โ€” ๐‘ช๐’๐’Ž๐’Ž๐’Š๐’”๐’”๐’Š๐’๐’ ๐’๐’ ๐‘บ๐’๐’„๐’Š๐’‚๐’ ๐‘ช๐’๐’Ž๐’Ž๐’–๐’๐’Š๐’„๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’‚๐’๐’‚๐’…๐’‚ ๐‘บ๐‘ท๐‘ท๐‘ช





Happy Birthday One Holy, Catholic & Apostolic Church
24/05/2026

Happy Birthday One Holy, Catholic & Apostolic Church

๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜๐—–๐—ข๐—ฆ๐—ง ๐—ฆ๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฌ

Let us pray,

O God, who by the mystery of todayโ€™s great feast
sanctify your whole Church in every people and nation,
pour out, we pray, the gifts of the Holy Spirit
across the face of the earth
and, with the divine grace that was at work
when the Gospel was first proclaimed,
fill now once more the hearts of believers.
Through our Lord Jesus Christ, your Son,
who lives and reigns with you in the unity of the Holy Spirit,
one God, for ever and ever. AMEN.

๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ, ๐˜๐˜ฐ๐˜ญ๐˜บ ๐˜š๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ต!







Ngayong araw, ika-23 ng Mayo 2026, ay ginanap ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa ating Kapilya ng Mahal na Birhen ng Me...
23/05/2026

Ngayong araw, ika-23 ng Mayo 2026, ay ginanap ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa ating Kapilya ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa kasama ang Legion of Mary at mga Junior Legionaries ng Bikarya ng Valenzuela, Diyosesis ng Malolos, bilang bahagi ng kanilang Team Building 2026.

Ang Banal na Misa ay pinamunuan ni Rdo. Padre Elmer R. Ignacio, ating Kura Paroko at Dambanang Rektor ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima. Nawaโ€™y patuloy na maging inspirasyon ang pagtitipong ito upang higit pang mapalalim ang pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.

PABATID AT PAANYAYAInaanyayahan po ang lahat na makiisa sa gaganaping Marian Conference sa darating na Linggo, ika-24 ng...
23/05/2026

PABATID AT PAANYAYA

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa gaganaping Marian Conference sa darating na Linggo, ika-24 ng Mayo 2026, ganap na alas-1:00 ng hapon sa Parokya ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Ang gawaing ito ay bahagi ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Ginintuang Anibersaryo ng pagkakadeklara bilang Pambansang Dambana na gaganapin sa ika-12 ng Hunyo.

Tatalakayin sa nasabing kumperensya ang mga sumusunod:

โ€ข Kasaysayan ng Pambansang Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima
โ€ข Pambansang Larawang Peregrina at iba pang mga imahe ng Fatima sa ating Dambana
โ€ข Katekesis ukol sa pagiging isang Pambansang Dambana at pagpapalaganap ng debosyon

Hinihikayat po ang lahat ng mga kasapi ng bawat samahan at sa ating pamayanan na dumalo at makibahagi sa mahalagang gawaing ito bilang pagpapalalim ng ating pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birhen.

Magkakaroon din po ng attendance sa araw ng kumperensya.

Maraming salamat po at nawaโ€™y patuloy tayong akayin ng Mahal na Birhen ng Fatima sa ating paglalakbay bilang sambayanan ng Diyos.

๐…๐€๐“๐ˆ๐Œ๐€ ๐’๐˜๐Œ๐๐Ž๐’๐ˆ๐”๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

In preparation for the 50th Anniversary of the National Shrine and Parish of Our Lady of Fatima as a National Shrine, everyone is invited to a symposium on Sunday, May 24, at 1:00 PM.

The symposium will feature discussions on the history of the National Shrine and Parish of Our Lady of Fatima, the National Pilgrim Image and other Fatima images enshrined in the church, as well as a catechesis on the significance of being a National Shrine and fostering Marian devotion.

Guest Speaker:
Kendrick Ivan Panganiban
Lay Secretary and Research Chair, Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines

Let us come together in faith, learning, and devotion as we prepare for this meaningful milestone.

WEEK 3 NG SIMBA-ARALANPatuloy nating ipinagpapasalamat ang matagumpay na pagdaraos ng Week 3 ng Simba-aralan sa ating pa...
22/05/2026

WEEK 3 NG SIMBA-ARALAN

Patuloy nating ipinagpapasalamat ang matagumpay na pagdaraos ng Week 3 ng Simba-aralan sa ating pamayanan. Tunay na kagalakan ang makitang sama-samang nagtitipon ang mga kabataan upang higit pang mapalalim ang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral at pagbabahaginan.

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng naglaan ng oras, suporta, at tulong upang maging maayos ang ating gawain. Higit na pasasalamat sa mga naghandog ng pagkain at bulaklak bilang tanda ng inyong pagmamahal at pakikiisa sa ating pamayanan. Ang inyong kabutihan at bukas-palad na paglilingkod ay malaking biyaya para sa lahat.

Nawaโ€™y patuloy tayong gabayan ng Panginoon at ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa sa ating sama-samang paglalakbay sa pananampalataya.

PABATID AT PAANYAYAInaanyayahan po ang lahat na makiisa sa gaganaping Marian Conference sa darating na Linggo, ika-24 ng...
21/05/2026

PABATID AT PAANYAYA

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa gaganaping Marian Conference sa darating na Linggo, ika-24 ng Mayo 2026, ganap na alas-1:00 ng hapon sa Parokya ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Ang gawaing ito ay bahagi ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Ginintuang Anibersaryo ng pagkakadeklara bilang Pambansang Dambana na gaganapin sa ika-12 ng Hunyo.

Tatalakayin sa nasabing kumperensya ang mga sumusunod:

โ€ข Kasaysayan ng Pambansang Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima
โ€ข Pambansang Larawang Peregrina at iba pang mga imahe ng Fatima sa ating Dambana
โ€ข Katekesis ukol sa pagiging isang Pambansang Dambana at pagpapalaganap ng debosyon

Hinihikayat po ang lahat ng mga kasapi ng bawat samahan at sa ating pamayanan na dumalo at makibahagi sa mahalagang gawaing ito bilang pagpapalalim ng ating pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birhen.

Magkakaroon din po ng attendance sa araw ng kumperensya.

Maraming salamat po at nawaโ€™y patuloy tayong akayin ng Mahal na Birhen ng Fatima sa ating paglalakbay bilang sambayanan ng Diyos.

PABATID AT PAANYAYAMagkakaroon ng Banal na Misa sa ating kapilya sa Sabado, ika-23 ng Mayo 2026, sa ganap na alas-8:00 n...
21/05/2026

PABATID AT PAANYAYA

Magkakaroon ng Banal na Misa sa ating kapilya sa Sabado, ika-23 ng Mayo 2026, sa ganap na alas-8:00 ng umaga bilang bahagi ng Team Building ng Junior Legionaries, Vicariate of Valenzuela, na gaganapin sa Justice Eugenio Angeles Sports Complex (THOA Court) na may temang: โ€œKabataang Lehiyonaryo, Nagmamahal sa Diyos at sa Kalikasan.โ€

Ito ay pamumunuan ni Rdo. Padre Elmer R. Ignacio, Kura Paroko at Dambanang Rektor ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Paalala: Magkakaroon pa rin ng Banal na Misa sa araw ng Linggo sa parehong oras.

Maraming salamat po.

SAGALAS Y REINAS 2026Ating natunghayan ang Sagalas Y Reinas 2026 noong Linggo, ika-17 ng Mayo. Ang Sagala ay ang solemne...
20/05/2026

SAGALAS Y REINAS 2026

Ating natunghayan ang Sagalas Y Reinas 2026 noong Linggo, ika-17 ng Mayo.

Ang Sagala ay ang solemneng prusisyon na kinakatawan ng mga kababaihan patungkol sa Litanya ng Santo Rosaryo tuwing Flores de Maria. Ito ay simbolo ng pananampalataya at pamimintuho ng Kristiyanismo sa Ina ng Diyos, at isang pampamayanang tradisyon na pinagsasama ang relihiyon, kultura, at selebrasyon.

Ang peusisyon ay sinundan ng pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birhen bilang pagpapakita ng pananampalataya at debosyon, at pagtuturo sa kabataan ng pagdarasal at paggalang kay Maria.

Maraming salamat sa pagdalo at paglahok upang bigyan ng pugay ang Mahal na Birhen!

VIVA LA VIRGEN! VIVA!

๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ค๐ฒ๐š๐ญMayo 17, 2026Ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa ating kapilya noong ika-17 ng Ma...
20/05/2026

๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ค๐ฒ๐š๐ญ
Mayo 17, 2026

Ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa ating kapilya noong ika-17 ng Mayo, 2026, Dakilang Kapistahan sa Pag-akyat sa ganap na alas-8:00 ng umaga na pinangunahan ni Rdo. Padre Rolando Limjoco Jr., CM, Dambang Rektor ng Our Lady of the Miraculous Medal National Shrine and Parish ng Muntinlupa City at Tagapangasiwa ng Miraculous Medal Apostolate Philippines.

Sa araw ding ito ay ang pagsasariwa ng pangako ng Commission on Social Communications mula sa ating kapilya at ng St. Joseph The Worker Parish ng Tala, Caloocan bilang paggunita sa 60th World Communication Sunday.

๐Ÿ“ธ Mga kuhang larawan ni Bro. Angelo Ratay



PABATID AT PAANYAYA | Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya sa ating pamayanan na makiisa sa ating assigned date par...
19/05/2026

PABATID AT PAANYAYA | Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya sa ating pamayanan na makiisa sa ating assigned date para sa nobena sa Mahal na Birhen ng De Las Flores sa ating Parokya sa darating na ika-22 ng Mayo 2026, Biyernes. Tingnan ang larawan para sa talatakdaan ng mga gawain.

๐ŸŒธ Flores de Maria sa Dambana ๐ŸŒธMayo 16, 2026 (Sabado)Mula sa Pamayanang Kristiyano ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagros...
19/05/2026

๐ŸŒธ Flores de Maria sa Dambana ๐ŸŒธ
Mayo 16, 2026 (Sabado)

Mula sa Pamayanang Kristiyano ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga kabataan ng St. Joseph the Worker Parish ng Tala, Caloocan, lalo na sa pagrepresenta sa โ€œInang Kaibig-ibigโ€ sa ginanap na Sagalahan sa ating Parokya na ginampanan ni Sis. Ericka Jeanne Cabalbag.

Ang ipinamalas mong talento at husay sa sining ng pananahi, mula sa disenyo ng kasuotan hanggang sa simbolo ng kalapati na kumakatawan sa kapayapaan at pagmamahal ng Mahal na Birhen, ay nagsilbing inspirasyon sa bawat kabataan na paunlarin at ibahagi ang talentong ipinagkaloob ng Diyos.

Nawa ang Mahal na Birhen ng Fatima, kasama nina San Francisco at Santa Jacinta Marto, ay patuloy kayong gabayan at pagpalain sa inyong paglilingkod at pananampalataya.

Address

Valenzuela
1442

Opening Hours

6am - 9am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Sinag - Chapel of Our Lady of the Miraculous Medal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share