25/08/2017
IKSYON-BUOD 9: Ang Panawagang Pastoral ni Pablo
Susing Talata. “Mga kaibigan, nakikiusap ako sa inyo, kayo’y maging kagaya ko, sapagkat ako’y naging katulad din ninyo” (Galacia 4:12).
Panimulang Salita. Sa Galacia 4:12-20 ay binago ni Pablo ang kanyang paraan at ngayo’y gumagawa siya ng mas personal na panawagang pastoral. Inihahayag ni Pablo ang tunay na malasakit, pagkabahala, pag-asa, at pagmamahal ng isang mabuting pastol sa naliligaw niyang kawan. Hindi lang niya itinutuwid ang teolohiya; naghahangad siyang paglingkuran yung kanyang minamahal.
TATLONG ARALIN TUNGKOL SA PAGPAPASTOL
1. Ang Malasakit ng Mabuting Pastol (Galacia 4:12a)
2. Ang Pag-asa ng Mabuting Pastol (Galacia 4:12b)
3. Ang Pagmamahal ng Mabuting Pastol (Galacia 4:16)
1. Ang Malasakit ng Mabuting Pastol. “Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, maging gaya ko, [malaya sa pagkaalipin ng maka-Judiong ritwalismo’t kaugalian]…” (Galacia 4:12a Amplified).
Ang Puso ni Pablo. Ang unang indikasyon ng malasakit na mabigat na dumadagan sa puso ni Pablo ay ang kanyang personal na panawagan sa talatang 12. Ang malasakit ni Pablo ay di lang tungkol sa pananaw sa doktrina. Ang puso niya’y nakatali sa buhay ng mga tao na nadala kay Cristo sa pamamagitan ng kanyang ministeryo.
Ang Hamon na Maging. Ang maging isang tagasunod ni Cristo ay higit pa sa pagpapahayag lang ng pananampalataya; kasangkot dito ang isang radikal na pagbabago tungo sa larawan ni Cristo. Hinihiling ni Pablo that sila’y “maging gaya” niya—nagsasalita siya tungkol sa pagiging, hindi ang pagganap. Ang problema sa Galacia ay hindi ang napakasamang istilo ng buhay. Higit ito tungkol sa “pagiging” kaysa “pagkilos.”
Dahil sa ang kanyang pag-aalala ay sa relihiyon ng mga taga-Galacia na naka-sentro sa kautusan, tiyak na ang nasa isip ni Pablo’y ang kamangha-manghang pag-ibig, kagalakan, kalayaan, at katiyakan ng kaligtasan na nasumpungan niya kay Jesu-Cristo. Sa liwanag ng humihigit na hiwaga ni Cristo, inasam ni Pablo na ang mga taga-Galacia mismo ay magkaron nang katulad na karanasan.
2. Ang Pag-asa ng Mabuting Pastol. “Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, maging gaya ko, [malaya sa pagkaalipin ng maka-Judiong ritwalismo’t kaugalian], sapagkat ako rin ay naging katulad ninyo [isang hentil]” (Galacia 4:12b Amplified).
Ako’y Naging Katulad Ninyo. Bakit dapat maging katulad ni Pablo ang mga taga-Galacia, kung siya’y naging kagaya na nila? Siya’y naging isang Hentil na “walang kautusan upang maabot niya sa pamamagitan ng ebanghelyo ang mga Hentil sa kalagitnaan nila. Bagaman nanatiling pareho ang ebanghelyo, nagbabago ang paraan ni Pablo, depende sa mga taong sinisikap niyang abutin.
Kontekstuwalisasyon. Naniniwala si Pablo na may mga hangganan kung saan ka makakaabot sa paglalagay sa konteksto nang ebanghelyo. Bagaman malaya ka sa pag-abot sa iba’t ibang paraan sa mga Judio’t Hentil, ang kalayaang ito’y hindi kasama ang karapatang mamuhay nang hindi ayon sa batas, sapagkat ang mga Kristiyano ay nasa ilalim ng “kautusan ni Cristo.”
3. Ang Pagmamahal ng Mabuting Pastol. “Ako ba ngayo’y naging kaaway ninyo sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan?” (Galacia 4:16).
Noon at Ngayon. Ang pagdurusa ni Pablo ay talagang di kasiya-siya kaya ito’y naging isang pagsubok sa mga taga-Galacia. Pero tinanggap nila si Pablo nang buong puso dahil ang puso nila’y pinainit ng pangangaral ng Krus at nang panghihikayat ng Banal na Espiritu. Anong dahilan ang maibibigay nila ngayon sa pagbabago ng kanilang saloobin?
Ang sakit ni Pablo ay maaaring nakapagbigay sa kanya ng dahilan na alinma’y sisihin ang Diyos sa kanyang problema o simpleng itigil ang pangangaral ng ebanghelyo. Sa halip na bayaan ang kanyang sitwasyon na talunin siya, ay ginamit ni Pablo ito na isang pagkakataon para umasa ng mas lubusan sa biyaya ng Diyos.
Sinasabi ang Katotohanan. Kadalasan na ang “pagsasabi ng katotohanan” ay may negatibong pakahulugan, lalo na kung maaaring tingnan ito na isang matinding dumale, walang pangundangan, walang pinapatawad na taktika nang pagsasabi sa iba ng katotohanan, gaano man hindi kasiya-siya o inaayawan ito.
Ginagawa natin ito dahil minamahal natin ang tao, hindi dahil gusto nating makasakit, bagaman kadalasang ang kaagad na epekto ng ating mga salita’y kirot, o kahit pa galit at sama ng loob laban sa atin. Gagawin pa rin natin, dahil alam natin na ito ang kailangang marinig ng tao, gaano mang ayaw nilang pakinggan ito.
Huling Pananalita. “Ang marurubdob na salita ng apostol ay hindi walang-bunga. Gumawa ang Banal na Espiritu nang may kapangyarihan at maraming may mga paang napagala sa maling daan, ang bumalik sa dati nilang pananampalataya sa ebanghelyo. Mula noon ay naging matatag sila sa kalayaang ibinigay sa kanila ni Cristo.”—The Acts of the Apostles 388