27/08/2026
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa paggunita kay San Nicodemo sa ika-31 ng Agosto, 2026 (Lunes)
Ang banal na misa ay gaganapin sa ika-6:30 ng umaga.
PANALANGIN KAY SAN NICODEMO
O Pinagpalang tagasunod ni Kristo, San Nicodemo, sa iyo ipinahayag ang katotohnan ng pagkapanganak na muli ng tao sa tubig at sa Espiritu. Sa kabila ng iyong pagtataka, iyong isinapuso ang pahayag na ito na naging dahilan ng iyong pagsunod, pagsampalataya at pag ibig kay Hesus hanggang sa kamatayan. Sa gitna ng di paniniwala ng mga kapwa mong pinuno kay Hesus, lakas loob mo na ipinahayag ang katarungan sa paglilitis ayon sa batas at hanggang sa kamatayan ni Hesus, iyong ipinakita ang wagas mong pagsampalataya.
Sa panahon na ito na kami ay napaliligiran ng iba't ibang impluwensiya na nagiging sanhi ng aming pagkaduwag sa pagsaksi kay Kristo; pag aalinlangan sa mga pangako ni Kristo; at pananahimik sa harap ng katotohanan na ipinahayag ni Kristo. Turuan mo kami, O San Nicodemo, napanghawakan ang katotohanang nagmumula kay Kristo. Turuan mo kami na mamuhay sa liwanag ng Ebanghelyo. At turuan mo kami na sundan si Kristo hanggang sa Krus.
Sa bisa ng iyong panalangin bilang iruging Pintakasi, amin nawang maranasan ang labis na pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan upang mamuhay kami ng may katapatan sa aming binyag, na palagiang tingnan ang Krus ng aming kaligtasan, at masayang tumatahak sa landas ng liwanag ng Ebanghelyo. Gayundin, aming isinasamo sa iyo (banggitin ang kahilingan).
At sa oras ng pagwawakas ng aming buhay, hinihiling namin sa iyo, O San Nicodemo, na kung papaano mo sinamahan si Kristo sa kanyang huling hantungan, samahan mo rin kami sa katuparan ng pangako ni Kristong Muling Nabuhay ng buhay na walang hanggan.
AMEN.
San Nicodemo, Ipanalangin mo po kami. See less