02/08/2025
Tuwing Linggo, sa panahon ng aming pagsamba, maraming uri ng panalangin. 1. Meron tayong Sunday Morning Devotion; 2. Panalangin ng pagpupuri, kung saan pinararangalan natin ang Diyos para sa kung sino Siya; 3. Panalangin ng pahingi ng kapatawaran sa mga kasalanan, kung saan nagpapakumbaba tayo at inaamin ang ating mga kasalanan; ang panalangin ng pasasalamat, upang ipahayag ang ating pasasalamat para sa Kanyang mga biyaya; 4. ang panalangin ng kahilingan at pamamagitan, o mas kilala bilang pastoral prayer, kung saan dinadala natin sa Diyos ang ating mga pangangailangan pati na rin ng iba; 5. Mayroon ding panalangin ng kaliwanagan bago ang sermon, kung saan hinihiling natin sa Diyos na buksan ang ating mga puso sa Kanyang Salita; 6. ang panalangin ng tugon pagkatapos ng sermon, kung saan tumutugon tayo at iniaalay ang ating sarili na isabuhay ang Kanyang mensahe; Panalangin ng pagtatalagaga; 7. Huling panalangin at Benidiksiyon; 8. Panalangin sa pagkakaloob; 9. Kung unang linggo, panalangin sa Lord's Table Service; 10. Panalangin sa mga may birthday at anibersaryo ng kasal. Bukod dito, marami sa mga kantang inaawit natin ay anyo rin ng panalangin na iniaangat sa himig. Binibigkas ang Tipan sa Bibliya at ang Pangako sa Iglesiya.
Bakit napakarami ang mga panalangin? Dahil ang pagsamba ay tungkol sa pagbibigay-pugay sa Diyos, at ang panalangin ay isa sa pinakamalalim na paraan upang kumonekta at sumamba sa Kanya.
Totoo na may ilang tao na maaaring makaramdam ng pagkabagot dahil sa haba o dami ng mga panalangin. Ngunit nararapat nating tandaan ito: ang pagsamba ay hindi tungkol sa ating personal na kagustuhan o kung tayo ba ay naaliw. Ang pagsamba ay tungkol sa Diyos. Kaya’t kapag tayo ay pumunta sa church, isantabi natin ang pagtutok sa ating sarili at harapin ang serbisyo nang may pusong handang sumamba sa Kanya nang buong buo.