Anluwage - St. Joseph Punturin

Directions Website Contact the place of worship

Anluwage - St. Joseph Punturin Official page of St. Joseph the Worker Parish in Punturin, Valenzuela City, under The Roman Catholic Diocese of Malolos

Parish Priest: Rev. Fr.

Joselito L. Rodriguez

04/10/2026
04/10/2026

|| 𝐃𝐈𝐎𝐂𝐄𝐒𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐒𝐓𝐎𝐑𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 ||

Sa diwang Pag-ibig at Pagbubuklod kay Kristo, muli tayong magsama-sama bilang iisang bangka sa ating taunang 𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗮𝗻 𝗣𝗮𝘀𝘁𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆!

Para sa mga kinatawan ng bawat Parokya (kura paroko at tagapangulo ng Parish Pastoral Council) at mga delegado mula sa iba't ibang samahan at komisyon, panahon na muli upang sama-sama nating pagnilayan ang landas na tatahakin ng ating paglalayag bilang Simbahan.

Kailan: 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝗛𝘂𝘄𝗲𝗯𝗲𝘀) | 𝟴:𝟬𝟬 𝗔𝗠 - 𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠
Saan: 𝟴 𝗪𝗮𝘃𝗲𝘀 𝗪𝗮𝘁𝗲𝗿𝗽𝗮𝗿𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝗼𝘁𝗲𝗹, 𝗨𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮𝗼, 𝗦𝗮𝗻 𝗥𝗮𝗳𝗮𝗲𝗹, 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗰𝗮𝗻

Ang Registration ang magsisimula ng 𝟕:𝟎𝟎 𝐀𝐌.

Ang inyong tinig at pakikiisa ay mahalaga sa paglalayag na ito.
Magkita-kita po tayo!



=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

04/10/2026

“𝐋𝐈𝐅𝐄 𝐈𝐒 𝐖𝐎𝐑𝐓𝐇 𝐋𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆,” – 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐈𝐍𝐒𝐏𝐈𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐈 𝐁𝐋𝐄𝐒𝐒𝐄𝐃 𝐅𝐔𝐋𝐓𝐎𝐍 𝐉. 𝐒𝐇𝐄𝐄𝐍

“May saysay ang buhay.”

Ito ang palaging paalala ni Blessed Fulton J. Sheen sa kaniyang pagpapahayag ng mabuting balita. Dito nakaangkla ang kaniyang pagbibigay inspirasyon sa maraming Kristiyano sa buong mundo.

Sa panahong mabilis ang daloy ng impormasyon at napakalawak ng naaabot ng digital media, nananatiling mahalaga ang halimbawa ni Blessed Fulton Sheen. Ipinakita niya na ang media ay hindi lamang kasangkapan upang magkaroon ng malawak na audience at followers, kundi maaari ring maging daan upang maipahayag ang katotohanan, kabanalan, magbigay ng pag-asa, at ilapit ang tao sa Diyos.

Mula sa radyo at telebisyon noon hanggang sa media ngayon, nananatili ang hamon: paano natin gagamitin ang ating impluwensiya upang maihatid ang mensaheng nagbibigay-buhay at pag-asa? Paano natin maipadarama sa kapuwa na tunay ngang may saysay ang buhay?

-Jennifer Basijan-Castro, Ang Sandigan News

Mga Sanggunian:

Pontifical Mission Societies. (2026, February 2). Fulton Sheen and the path to sainthood: Miracles, beatification and legacy. TPMS USA.

Vatican News. (2026, September). Pope Leo XIV on the beatification of American Archbishop Fulton Sheen. Holy See Press Office.

Vatican News. (2026, September). Who was Archbishop Fulton Sheen? Beatification and legacy. Holy See Press Office.


=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

MGA PAGBASA - SABADO, OKTUBRE 3, 2026 Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)o kaya Paggunita sa Mahal na ...
03/10/2026

MGA PAGBASA - SABADO, OKTUBRE 3, 2026

Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Job 42, 1-3. 5-6. 12-16
Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Lucas 10, 17-24

UNANG PAGBASA
Job 42, 1-3. 5-6. 12-16

Pagbasa mula sa aklat ni Job

Ang sagot ni Job sa Panginoon:
“Alam kong magagawa mo ang lahat ng bagay,
anumang balakin mo’y walang makahahadlang.
‘Sinong nagsasalita nang walang nalalaman?’
Kaya ako ay humatol nang walang katuturan,
na hindi ko alam ang lahat ng mga bagay.
Nakilala kita sa balita lamang,
ngunit ngayo’y akin nang namasdan.
Kaya ako’y nagsisisi nang buong taimtim.
At ang sarili ko’y aking itinatakwil.”

Ang mga huling araw ni Job ay higit na pinagpala ng Panginoon. Binigyan niya ito ng labing apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, dalawanlibong baka at sanlibong inahing a**o. Nagkaanak pa si Job ng pitong lalaki at tatlong babae, na ang mga pangala’y Jemima, Kesia, Keren-hapuc. Sa buong lupain ay wala silang katulad sa ganda. Pinamanahan din niya sila, tulad ng mga anak na lalaki. Si Job ay nabuhay pa nang sandaa’t apatnapung taon. Nakabuhayan pa niya ang kanyang mga apo sa ikaapat na salinlahi bago siya namatay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Ako’y bigyan mo ng dunong, ng tunay na karunungan,
yamang ako’y nagtiwala sa utos mong ibinigay.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Sa akin ay nakabuti ang parusang iyong dulot,
pagkat aking naunawang mahalaga ang ‘yong utos.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Nababatid ko, O P**n, matuwid ang iyong batas,
kahit ako’y pagdusahin, nananatili kang tapat.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Hanggang ngayon ay matatag, pagkat ikaw ang nag-utos,
alipin mo silang lahat sa iyo’y naglilingkod.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Bigyan mo ng pang-unawa itong iyong abang lingkod,
upang aking maunawa ang aral mo’t mga utos.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Ang liwanag ng turo mo’y nagsisilbing isang tanglaw,
nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 17-24

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, bumalik na tuwang-tuwa ang pitumpu’t dalawa. “Panginoon,” sabi nila, “kahit po ang mga demonyo ay sumusunod kapag inutusan namin, sa ngalan ninyo.” Sumagot si Hesus, “Nakita ko ang pagkahulog ni Satanas mula sa langit – parang kidlat. Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at yumurak sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapipinsala sa inyo. Gayunman, magalak kayo, hindi dahil sa suko sa inyo ang masasamang espiritu kundi dahil sa nakatala sa langit ang pangalan ninyo.”

Nang oras ding iyon, si Hesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kalooba’y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.”

“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.”

Humarap si Hesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba: “Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

02/10/2026
𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 | 𝐏𝐀𝐑𝐈𝐒𝐇 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐃𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔  Malugod pong inaanyayahan ang lahat ng KABATAAN (edad 13 hanggang 30, walang asawa o an...
02/10/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 | 𝐏𝐀𝐑𝐈𝐒𝐇 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐃𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔

Malugod pong inaanyayahan ang lahat ng KABATAAN (edad 13 hanggang 30, walang asawa o anak) na makiisa sa gaganaping 𝐏𝐀𝐑𝐈𝐒𝐇 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐃𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa darating na Oktubre 18, 2026 (Linggo), 12:00 pm hanggang 7:00 pm sa ating Parokya. Ang gawaing ito ay may temang "𝘼𝙞𝙢 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙂𝙤𝙡𝙙 𝙆𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙨𝙞 𝙇𝙤𝙧𝙙: 𝙎𝙞 𝙆𝙧𝙞𝙨𝙩𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙩𝙪𝙥𝙖𝙧𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙧𝙖𝙥 𝙣𝙜 𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣." Libre po ito at bukas para sa lahat ng kabataan na nasasakupan ng ating Parokya. Kaya't hinihikayat po ang lahat ng kabataan na makiisa para sa isang araw na puno ng kasiyahan, inspirasyon, at pananampalataya.

Para sa iba pang detalye, mangyari pong bisitahin ang page ng ating PCY - Parish Commission on Youth ‐ St. Joseph the Worker Parish.

𝑰𝒌𝒂𝒘 𝒂𝒏𝒈 𝑯𝒊𝒓𝒂𝒚𝒂, 𝒌𝒂𝒉𝒊𝒕 𝒔𝒂𝒏 𝒌𝒂 𝒎𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐,
𝑳𝒊𝒍𝒊𝒘𝒂𝒏𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒔𝒂, 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒔𝒖𝒍𝒐𝒌 𝒏𝒈 𝒎𝒖𝒏𝒅𝒐✨

𝐻𝑖𝑟𝑎𝑦𝑎 na nangangahulugang pangarap, ambisyon, o ang kakayahang makakita ng isang dakilang bukas sa pamamagitan ng isip at puso.

Tayong mga Kabataan ay may kani-kaniyang minitmithi sa buhay: kagustuhan na makapagtapos at makahanap ng isang maayos na trabaho, pagnanais na magkaroon ng sapat na kita, makatulong sa kapwa lalo na sa pamilya, at madami pang iba. Pero kung sa landasin na tatahakin mo para matunton iyon ay ikaw lamang mag-isa, tiyak na mahihirapan ka.

Kaya naman sa darating na 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟴, mula 12:00PM hanggang 7:00PM, sa Parokya ni San Jose ang Mangagawa (Punturin, Valenzuela City), tayo ay muling magsama-sama sa taunang pinakamalaking pagtitipon ng mga Kabataan, ang 𝐏𝐀𝐑𝐈𝐒𝐇 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 💛

Sa temang "𝘼𝙞𝙢 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙂𝙤𝙡𝙙 𝙆𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙨𝙞 𝙇𝙤𝙧𝙙: 𝙎𝙞 𝙆𝙧𝙞𝙨𝙩𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙩𝙪𝙥𝙖𝙧𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙧𝙖𝙥 𝙣𝙜 𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣" matutuklasan natin ang hiwaga ng pag-asa na sa bawat kabutihang hangarin natin ay mayroon tayong kasangga!

Isang araw na puno ng kasiyahan dahil sa energy na ibibigay ng masisiglang kantahan, sayawan, mga inspiring na talakayan, interactive games, at group activities, magiging isang ligtas na tahanan ang simbahan kung saan ang bawat kabataan, naglilingkod man o hindi ay makakakilala ng mga bagong kaibigan at makakakuha ng gabay sa buhay.

LIBRE PO ITO! Basta't ikaw ay edad 𝟭𝟯 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟯𝟬 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 (Walang asawa o anak) ay WELCOME KA rito!

Ilatag ang iyong mga pangarap sa paanan ng Panginoon, sapagkat sa Kaniyang piling, ang bawat hiraya ay magniningning 💫

𝑯𝒂𝒍𝒊𝒏𝒂'𝒕 𝒉𝒂𝒘𝒂𝒌𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒎𝒂𝒚, 𝒍𝒖𝒎𝒂𝒌𝒃𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒃𝒂𝒚-𝒔𝒂𝒃𝒂𝒚, 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝑯𝒊𝒓𝒂𝒚𝒂 🌈





MGA PAGBASA - BIYERNES, OKTUBRE 2, 2026 Paggunita sa mga Banal na Anghel na TagatanodExodo 23, 20-23Salmo 90, 1-2. 3-4. ...
02/10/2026

MGA PAGBASA - BIYERNES, OKTUBRE 2, 2026

Paggunita sa mga Banal na Anghel na Tagatanod

Exodo 23, 20-23
Salmo 90, 1-2. 3-4. 5-6. 10-11

Mga anghel niyang banal
sa inyo ay susubaybay.

Mateo 18, 1-5. 10

UNANG PAGBASA
Exodo 23, 20-23

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupain na aking inihanda sa inyo. Pakikinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag naghimagsik kayo sa kanya. Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway. Pangungunahan kayo ng aking anghel patungo sa lupain ng mga Amorreo, Heteo, Perezeo, Cananeo, Heveo at Jebuseo, at sila’y lilipulin ko.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 90, 1-2. 3-4. 5-6. 10-11

Mga anghel niyang banal
sa inyo ay susubaybay.

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng kataas-taasan,
at nanatili sa kalinga niyong Makapangyarihan;
makapagsasabi sa kanyang Panginoon:
“Muog ka’t tahanan,
ikaw ang kaning Diyos, ang Diyos na
tangi kong pinagtiwalaan.”

Mga anghel niyang banal
sa inyo ay susubaybay.

Ika’y iiligtas niya sa panganib sa umang na bitag,
at kahit ano mang mabigat na salot di ka magdaranas.
Lulukuban niya sa lilim ng kanyang malabay na pakpak,
sa kalinga niya ay natitiyak mong ikaw ay ligtas;
Iingatan niya’t ipagsasanggalang pagkat siya’y tapat.

Mga anghel niyang banal
sa inyo ay susubaybay.

Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,
maging sa gagawing biglaang paglusob pagsapit ng araw.
Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim,
di ka matatakot sa kasamaan mang araw kung dumating.

Mga anghel niyang banal
sa inyo ay susubaybay.

Di mo aabuting ika’y mapahamak, at walang daratal
kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
Susuguin niya ang maraming anghel, silang susubaybay,
kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan.

Mga anghel niyang banal
sa inyo ay susubaybay.

ALELUYA
Salmo 102, 21

Aleluya! Aleluya!
Ang Panginoo’y purihin
ng lahat n’yang mga anghel
na tapat at masunurin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 1-5. 10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong sandaling iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.

“Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay lagin nasa harapan ng aking Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

MGA PAGBASA - HUWEBES, OKTUBRE 1, 2026 Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga at pantas ng Simbahan...
01/10/2026

MGA PAGBASA - HUWEBES, OKTUBRE 1, 2026

Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga at pantas ng Simbahan

Job 19, 21-27
Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

Lucas 10, 1-12

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Job 19, 21-27

Pagbasa mula sa aklat ni Job

Sinabi ni Job:
“Aking mga kaibigan, ako’y inyong kahabagan;
at sa galit nitong Diyos, ako’y kanyang ibinuwal.
Bakit ako inuusig, waring kayo itong Diyos?
Di ba kayo magsasawang pahirapan akong lubos?

“Sana ang sinabi ko’y maitala’t masulat
at ito ay magawang isang buong aklat.
At sa bato’y maiukit itong mga salita ko
upang sa habang panaho’y mabasa ng mga tao.
Alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas
na sa aki’y magtatanggol pagdating noong wakas.
Pagkatapos na maluray itong aking buong balat,
ang Diyos ko’y mamamalas kahit laman ay maagnas.

Siya’y aking mamamasdan, at mukhaang makikita
ng sariling mga mata at di ng sinumang iba.
Ang puso ko’y nananabik na mamasdan ko na siya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

O Diyos, ako’y dinggin sa aking pagtawag,
lingapin mo ako, sa aki’y mahabag.
Ang paanyaya mo’y “Lumapit sa akin.”
huwag kang magkukubli’t kita’y hahanapin!

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

H’wag kang magagalit, huwag mong itatakwil
akong katulong mo at iyong alipin;
Tagapagligtas ko, h’wag akong lisanin!

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

Ako’y nananalig na bago mamatay
masasaksihan ko ang ‘yong kabutihan
na igagawad mo sa mga hinirang.
Sa Panginoong Diyos tayo’y magtiwala!
Ating patatagin ang paniniwala;
tayo ay umasa sa kanyang kalinga!

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

ALELUYA
Marcos 1, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos ay maghahari na,
talikdan ang tanang sala,
manalig sa balita n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang pa ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo – sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.’ Ngunit sa alinmang bayang hindi tumanggap sa inyo, lumabas kayo sa mga lansangan nito at sabihin ninyo, ‘Pati ang alikabok dito na dumikit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit pakatandaaan ninyong nalalapit na sa inyo ang paghahari ng Diyos!’ Sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang kaparusahan ng mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

MGA PAGBASA - MIYERKULES, SETYEMBRE 30, 2026 Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng SimbahanJob 9, 1-12. 14-16Sal...
30/09/2026

MGA PAGBASA - MIYERKULES, SETYEMBRE 30, 2026

Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan

Job 9, 1-12. 14-16
Salmo 87, 10bk-11. 12-13. 14-15

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Lucas 9, 57-62

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Job 9, 1-12. 14-16

Pagbasa mula sa aklat ni Job

Ang sagot ni Job sa kanyang mga kaibigan:
“Iyan ay dinig ko na noon pa mang una,
ngunit sinong tao kaya ang tatalo sa kanya?
Sino ang sa kanya’y maaaring mangatwiran?
Sa sanlibo niyang tanong, di masagot ang isa man.
Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan,
sino kaya ang sa kanya ay makalalaban?
Walang sabi-sabing inuuga yaong bundok,
sa tindi ng kanyang galit, ito’y kanyang dinudurog.
Itong sangkalupaan ay kanyang nayayanig.
At nauuga niya ang saligan ng daigdig.
Napipigil sa pagsikat ang silahis nitong araw,
At kanyang naitatago ang tala sa kalangitan.
Siya lamang ang lumikha sa sangkalangitan,
at sa bangis nitong dagat, walang ibang makasaway.
Ang “Malaking Diper” at “Orion” ay siya lamang ang may lalang,
pati na ang Pleyades at mga kumpol na bituin sa timugan.
Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan,
ang milagrong gawa niya sa dami ay di mabilang.
Siya’y nagdaraan ngunit di ko mamalas,
siya’y hindi ko makita, bagaman ay naglalakad.
Anuman ang gawin niya ay walang makahahadlang,
ni makapagtatanong, ‘Bakit mo ginawa iyan?
Anong aking isasagot sa kanyang katanungan?
Kahit ako walang sala ang tangi kong magagawa’y
sa harap ng Diyos na hukom manikluhod akong tunay.
Kahit niya bayaang ako’y makapagsalita,
di ko rin natitiyak kung ako’y diringgin kaya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 87, 10bk-11. 12-13. 14-15

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Panginoong Diyos,
tumatawag ako sa ‘yo araw-araw,
sa pagdalangin ko ay taas ang kamay.
Makagagawa ba
ikaw, Panginoon, ng kababalaghan,
para purihin ka niyong mga patay?

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Ang pag-ibig mo ba
doon sa libinga’y ipinapahayag,
o sa kaharian
niyong mga patay ang ‘yong pagtatapat?
Doon ba sa dilim
ang dakilang gawa mo ba’y makikita,
o ang pagliligtas
sa mga lupaing wala nang pag-asa?

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

O sa iyo, O P**n,
ako’y nananangis at nananawagan,
sa tuwing umaga
ako’y tumatawag sa iyong harapan.
Di mo ako pansin,
O Panginoon ko, di ka kumikibo,
bakit ang mukha mo’y
ikinukubli mo, ika’y nagtatago?

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

ALELUYA
Filipos 3, 8-9

Aleluya! Aleluya!
Tana’y aking tatalikdan
upang si Kristo’y makamtan
bilang tanging pakinabang.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 57-62

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang naglalakad sina Hesus at ang kanyang mga alagad, may taong nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.” Sumagot si Hesus, “May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.” Sinabi ni Hesus sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot ang tao, “Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang aking ama.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.” Sinabi naman ng isa, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

San Baraquiel Street, Punturin
Valenzuela
1447

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
Sunday 8am - 12pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anluwage - St. Joseph Punturin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Anluwage - St. Joseph Punturin:

Shortcuts

Share